Masakit ang ulo ko pagkagising ko nagulat ako na nasa kwarto na ako. Ang huling naaalala ko ay nasa dalampasisan kami umiinom ni Cas. Mukhang naparami ata ang inom ko. Napansin ko na wala din akong kahit na anong saplot. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para maglinis at maligo. Papunta palang ako sa kusina ay humahalimuyak na ang amoy nang sinangag na kanin. Bigla akong nakaramdam nang gutom. Nabungaran ko sa kusina si Cas na nagluluto nang aming agahan. Niyakap ko siya mula sakanyang likuran. Mamimiss ko talaga ang mga araw na hindi ko siya makakasama. Nagulat pa siya nang bigla ko siyang niyakap. "Masakit ba ang ulo mo baby?"Tanong ni Cas sa akin. "Medyo nalang ang dami ko atang nainom, hindi ko na matandaan ang nangyari. Ikaw ba ang nagdala sa akin sa kwarto? Mukhang may ginawa

