ILANG saglit pa ay nasa parking na sila ng building ng ULab. "Miss Angela, we're here," pagbibigay alam ng chauffeur. Hindi niya sinagot ang lalaki. Sa halip ay lumabas siya ng sasakyan at sinundan ito ng lakad patungong elevator. Sumakay sila roon at imbes na pataas ang tutunguhin nila ay pababa ang elevator ng limang baitang pa. Ang sabi sa kanya ng kanyang biyenan ay bibigyan siya nito ng pagkakataon na patunayan ang sarili niya. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya. Gayunman ay ayos lang. Kailangan lang niyang mapagtagumpayan ang pagsusulit na ibibigay sa kanya kahit na ano pa ang mangyari. Tumayo ang receptionist na bumungad sa kanila nang bumukas ang elevator. "Dito, Ms. Angela, ang laboratoryo," saad ng lalaking naghatid sa kanya. Tumango lang siya at ipinasa siya

