NASA loob ng sikretong silid si Torin at lihim na pinanonood ang asawa niya sa screen. Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito ngunit gusto niyang makita ang ginagawa ni Angela sa lahat ng oras. He likes her like that. Hindi nakaligtas sa kanya nang itulak nito ang kapatid at matapang na parang tigresa na hinarap ang mga bisita. Kinuha niya ang maliit na telepono sa drawer habang nakatingin sa asawa. Tinawagan niya si Blue na siyang gumaganap na lider sa kanyang grupo. "Ano ang balita sa imbestigasyon?" tanong niya sa kabilang linya. "Boss, ayon sa mga nakuha naming impormasyon. Simpleng babae lang si Ms. Angela. Hindi mahilig makihalubilo at tanging ang doktor na si Earl Montenegro lang ang madalas niyang kasama sa loob ng ilang taon. Bukod sa madalas din nitong makatrabaho a

