KINABUKASAN, maaga pa lang ay nakagayak na si Angela sa pag-alis. Unang araw niya sa pagpasok sa ULab kaya naman nakadikit sa kanya si Torin hanggang sa makalabas siya ng pintuan. “Wife, bye-bye!” nakanguso nitong paalam habang kumakaway. “Don’t worry. I’ll be back,” huling saad niya bago pumasok sa sasakyan. Hindi napapansin ni Angela na napapangiti siya habang binabaybay ang daan patungong ULab. Bahagya pa siyang inaantok dahil maaga siyang gumising para mag-ehersisyo. Habang nakaupo, sa likuran ng kotse, malalim siyang nag-isip sa mga bagay-bagay. Marami pa kasi siyang kailangang gawin. Una pa lang ang pagpasok niya sa laboratoryo ng ULab. Ilan pa ang nasa listahan. Alas otso ng umaga nang huminto ang kotse sa parking ng gusali ng ULab. Bumaba siya ng sasakyan at hindi na siya

