CHAPTER 29: Desperate

1558 Words

TUMATAHIP pa ang dibdib ni Angela dahil sa pagkainis kay Evelyn kaya naman humiling siya ng tubig sa maid. Matapos lagukin ang inumin ay lumabas siya ng kusina at tumungo sa study room ng tatay-taytayan niya na si Mr. Madrigal. Nagpatulong siya kay Beth para makapunta sa silid nito. "D-dito po, Miss Angela," nakayuko na saad nito. Nangingislap ang gilid ng mata nito dahil ngayon lang ito nakaranas na may nagtanggol dito. Hindi iyon nagawa sa dalaga ng kahit na sino, kahit ng tunay na Angela.  "Maghanda ka ng gamit. Isasama kita sa bahay. Ipapaalam kita kay dad," utos niya dito. Iba ang naging reaksiyon ni Beth. Lalong nangilid ang luha nito. Humikbi ang dalaga na para bang dumanas ito ng matinding hirap. Nakaramdam ng pagkahabag si Angela para rito. Tuluyan na niyang pinihit ang door kn

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD