[Warning: Bullying and physical violence are present in this chapter.] NASA loob ng sikretong silid si Torin sa kanyang bahay. Nagawa rin niya sa wakas ang mga dapat ayusin nang mga panahon na hindi niya natapos dahil kasama niya si Angela. His wife went to her family. Mas dumoble kasi ang pag-iingat niya dahil mas napapadalas ang pagsasama nila nito kahit saang sulok ng bahay. Ayaw niyang bigla na lang siya nitong hahanapin at mahuli siya sa sikretong kuwarto na iyon. Kahit isang segundo kasi ay parang hindi nila matiis na mahiwalay sa isa't-isa. Kahit nasa tapat ng computer si Angela at may ginagawa sa work room na nasa tapat lang ng master’s bedroom, naroon lang din si Torin sa paligid nito at nagbabasa ng mga kung ano-anong libro. Pinakikiramdaman nila ang presensiya ng bawat isa.

