HER POV Nagtaka na lang ako ng bigla na lang akong buhatin ni Benedict. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi na rin ako nagprotesta pa dahil dalang- dala na ako sa magaan na pakiramdam ng paglalapit namin. Walang palitan ng halikan. Walang maharot na mga haplos mula sa kanya kung hindi ang kanyang pagiging banayad lamang. Tila sa isang sandali ay napanatag ang aking kalooban. Tila isang mahika na napahinahon niya ang aking rumerigidon na damdamin. “Stay here, wifey… I’ll cook food for us,” mabining wika ni Benedict sa akin na nanunuot pa ang kanyang mabangong hininga sa aking ilong. “Uhmnnn… hindi na ah… ako na lang!,” agap ko sa kanya. “Nope… stay here, isn’t it you have your period?,” balik nito sa akin. Napatango- tango ako. Kahit hindi naman totoo. Sinabi ko lang nama

