HER POV “Pack your things!,” sabi pa ni Benedict kinabukasan pagkagising ko na parang wala lang nangyari kagabi. Tumutulo pa ang tubig sa ulo nito. Tanging puting tuwalya lamang ang nakapulupot sa baywang nito. Shocks! Umagang- umaga ay tila pinawisan ako kaagad dahil sa sobrang hot ni Benedict. Sunod- sunod ang aking paglunok. Tila bumara ang lalamunan ko. Kailangan ko ng malamig na malamig na tubig. Bigla- bigla akong nauhaw. Hindi pa nga ako nakasagot sa kanya ay ngumisi na ito ng nakakaloko. “I like the way I made you blush and stared at me, open-mouthed and drooling.. my dear wifey!,” tudyo pa nito. Agad naman akong napatikom ng aking bibig at tarantang pinahid ang magkabilang gilid ng aking labi. Bakit ba ako nagkakaganito sa kanya? Bakit hindi ko mapigilan ang aking sariling m

