“Hindi muna ba talaga ako kakausapin?,” hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili na harapin si Benedict ng tatlong araw na silent treatment niya sa akin. Dadalawa lang kami rito sa mansiyon at wala akong ibang makausap. Ang hirap din palang buong araw at gabi may kasama ka nga pero parang ikaw lang din mag-isa. Sana’y din kasi akong kasama si Yaya Fely sa ancestral home sa probinsiya. Kahit dalawa lang kami ay wala namang araw na hindi kami nagkakausap. Kaya’t hindi talaga napapalis ang laway ko sa pananahimik. Hindi katulad rito na wala akong ibang ginawa kung hindi ilagay na lamang sa kaloob- looban ng puso’t isipan ko ang gusto kong ipabatid. Buhat ng lunch date namin ni Benedict sa aming mga magulang ay naging tahimik na ang pakikitungo sa akin ng asawa ko. Akala ko nga ay aa

