Tapos nang patulugin ni Mina ang anak nasi Verron. Alas-onse na pero hindi parin siya dinadalaw ng antok. Wala pa din ang asawa niyang si Orion galing sa laot. Kapag ganitong oras na hindi makatulog si Mina ay tumatambay siya sa upuan nilang nasa tapat lang ng bintana. Maliwanag ang sinag galing sa buwan na nagsisilbing ilaw nang kapaligiran. Rinig ang mga mumunting huni nang mga insekto. Pinaglaruan ni Mina ang singsing na pinakatatago niya. Hindi niya iyon sinusuot dahil natatakot siyang mawala iyon. May naka-ukit na letra sa loob ng singsing. "SA & PA..." Basa ni Mina sa mga letra na naka-ukit doon. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nang mga titik na iyon. Tanging ang singsing nalang na iyon ang bagay na meron siya simula nang imulat niya ang mga mata kaya pinakaaalagaan

