Tatlong araw na simula nang bumisita si Phoebus sa bahay nila Mina. At mula nang araw na iyon ay hindi na muling nakita ni Mina ang lalaki. Tanging ang apat na lalaki nalang at ang bata. Ngayon nasa tapat sila ng eskwelahan at nakabantay sa kanilang pwesto doon. Maraming napapabili sa kanila dahil sa apat na lalaki na nakatambay doon. "Magkano ang benta mo dito, Stella?" Tanong ni Zion. Nakilala na ni Mina ang apat na lalaki na ito. Paano ba kasi ay palaging nakatambay sa pwesto nila. Minsan nga ay nauuna pa ang mga ito kaysa sa kanya. "Hay naku, Zion. Ilang beses ko na bang sinabi na Mina ang pangalan ko at hindi si Stella. Napakakulit mo talaga." Sikmat ni Mina. Sa palaging pagdukit nang apat sa kanya ay nakapalagayan niya na ito nang loob. Mukhang mababait naman ang apat, may mg

