Matamlay na ipinatong ni Stella ang ulo sa may hapagkainan nila. Kakadating palang nila galing airport. Inihatid pa kasi nila sina boss sungit at mountain Andew. Ayaw kasi sumama ni Andrew. Muntik pa silang hindi natuloy kanina buti nalang napakiusapan niya ang bata kanina. Ilang balde muna ang niluha ng bata kanina bago ito bumitiw sa kanya. "Ang boring...." Ani Stella saka naghikab. "Bored ka?" Tanong ni patay gutom na si Zion. "Tara sa garden manghuli tayo ng palaka." Suhestyon nito saka malakas na tumawa. "Tara ano, G ka?" Stella rolled her eyes, "tigil tigilan mo ako diyan, patay gutom ka. Hindi maganda ang araw ko kaya huwag mo inaasar diyan at baka lumipad 'tong kamao ko sa pagmumukha mo. Makikita mo talaga hinahanap mo." Itinaas naman kaagad ni Zion ang dalawang kamay sa

