Chapter V

4994 Words
Cloud's POV: "Are you ready?" Tanong ni Hestia sa akin matapos niyang ma zip ang isang malaking maleta. Sinuri ko naman ang mga gamit namin para masigurong wala kaming nakalimutan. Well, it's not like we won't come back here next month.Ang ibang gamit ko na pinamili namin ni Hestia ay balak ko nang iwan dito sa bahay para naman hindi na ako mahirapan pang magdala sa susunod. "Yup. I think we're ready." Sagot ko dito. Binalingan ko siya ng tingin, she was busy on her phone messaging her dad telling him that she's able to go to the grand ball. Akala ko nga ay hindi ito sisipot dahil sa dami ng naging trabaho niya sa isa sa branch nila dito sa Vegas and there's Mr. Lincoln who's been bothering Hestia. Nakakapagod pa lang sumama sa mga lakad niya lalo na't business ang dahilan, sumasakit ang ulo ko sa pakikinig sa usapan nila. "This Lincoln guy," Panimula ko ng makita kong ibinaba ni Hestia ang cellphone at umupo sa paanan ng kama. "Yes?" Her voice is weak, alam kong pagod na pagod na ito at gusto ng magpahinga, but we have a flight this day. "May gusto ba iyon sayo?" tanong ko. She rolled her eyes, "Yes." simpleng sagot niya kaya napasimangot ako. Pati ba naman Foreigner ay kaagaw ko sakanya. "Don't be jealous of him." she squinted her eyes at me kaya napilitan akong ngumiti. "Hindi naman ah." napakamot ako sa batok ko ng pandilatan ako ng mata ni Hestia. "Let me take a nap first. Just wake me up when the Jet arrived." Hestia yawned and crawled up on the bed. "Okay, babe. Ako nang bahala dito." Sagot ko naman at hinayaan na siyang matulog. Lumabas muna ako ng kwarto upang mag timpla ng kape sa kusina. Habang nagtitimpla ay naalala ko kung paano umamin si Hestia na gusto niya ako. A smile crept on my face on that day. Dalawang araw na ang nakakalipas but we didn't have the chance to talk about it yet dahil sobrang busy niya and work demanded her so I let her be muna. We haven't established what's between us or kung ano na ang status ng relasyon naming dalawa. Sa mga nakalipas na araw ay wala namang binanggit si Hestia tungkol dun. Sana naman ay hindi niya ito kinalimutan, o baka naman nagsisisi na siya sa mga nangyari? But I doubt that. Simula nung araw na yun mas naging malapit kami ni Hestia. Naging komportable kami sa isa't isa. I think we're still on the getting to know stage. Two weeks ago walang kasiguraduhan ang mapapala ko sa plano kong pagsunod sakanya dito sa Vegas. Two weeks ago, if someone would tell me that Hestia likes me, I would've knock the f**k out of them for lying. But now, wow! Talagang nasa side ko ang tadhana. At dahil wala akong magawa ay napag desisyonan kong manood na lang muna ng netflix sa sala. Sayang naman kasi ang pagka laki-laking TV ni Hestia kung hindi magagamit. I was enjoying the movie when my phone vibrates out of my pocket. Hestia, 10:35am Where are you? Cloud, 10:36am Downstairs. Miss me? Hestia, 10:36am Come up here. Tumayo na ako at pinatay ang TV saka pumanhik sa taas. "Let's sleep." Turan nito pagdating ko sa kwarto. Yung mata niya ay halatang inaantok pa. She tapped on her side, motioning me to lay down beside her. At dahil masunurin akong tao ay humiga ako sa tabi niya. "Shouldn't we get going already?" "Later." Tumagilid ito paharap sakin at pumikit muli. Umupo lang ako at sumandal sa headboard at pinagmasdan lang si Hestia. Maya maya ay bahagya ng bumigat ang paghinga nito indikasyon na muli na itong nakatulog. I internally laughed. Anong dahilan at pinapunta niya ako dito kung tutulogan din naman niya ako. Walanghiyang babae naman to. Wala na akong nagawa kundi kunin ang cellphone ko at manood. Minutes passed and Hestia is still asleep like a baby. Deserve naman niyang magpahinga because of her hard work. Payapa lamang akong nanonood dito ng biglang naramdaman ko ang biglang pagdapo ng kung bano sa aking kaibigan sa gitna. Sa gulat ko ay napaigtad ako. Nang tignan ko kung ano iyon ay ganon na lamang ang takot at kaba ko ng makitang braso iyon ni Hestia. Napalunok ako ng laway. Behave! Mantra ko sa aking isip ngunit may sariling utak ang katawan ko lalo na iyong kaibigan ko dahil nagising ito sa pagkaka tulog. Langya. Natutulog yung kalaro mo, matulog ka na din muna please. Pakiusap na hiling ko sa aking galit na galit na kaibigan. Nanlalapot na ang pawis ko sa noo sa pagpipigil ko ng sarili. Walang kamalay malay si Hestia na hinahalay na siya ng aking utak. Kung bakit naman kasi at iyong kaibigan ko pa ang niyakap niya! Ramdam ko pa naman ang malambot na braso nito dahil sa sobrang nipis ng aking suot na gray pants. Sinubukan kong itaas ang braso ni Hestia ngunit bigo ako. Mas lalo pa nitong iniyakap sa akin ang kamay niya. I felt my shaft twitched. Lagot na. I heard Hestia groaned. Tinignan ko ang mukha niya para silipin kung gising na ito. Nakakunot ang noo niya pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Then her arms moved. s**t! Not a good spot. Not a good timing. Kinapa kapa ng palad niya ang ari ko tapos ay marahang pinisil pisil. I groaned at napapikit ako sa sarap. Bakit naman ganito ang parusa mo, Lord? Dasal ko. I opened my eyes at the same time Hestia opened hers. Nanatiling nakakunot ang noo niya habang ang mata ay tumungo ito sa palad niyang nakadapo pa din sa kaibigan ko. "Ha?" Maang na anas nito saka tumingala sa akin, tas bumalik ang tingin sa kamay nito at balik ulit sa akin. Sa gulat niya ay bigla nitong naiwaksi ang ari ko na kanina ay hawak hawak niya. She yelped, "f**k!" I bit my lower lip and stared at my now standing pole. "Oh god. I'm so sorry." Natatarantang sabi niya atsaka natutop ang bunganga nito. Her eyes were wide in disbelief. Nahihirapang tinignan ko ito. Nakikiusap ang mata kong panindigan niya ang ginawa niya. Umiling iling siya saka mabilis na tumayo at lumayo sa akin. "Please?" Pakiusap ko. Namula naman ang pisngi niya. "Puputulin ko 'yan!" Banta niya. "Naman kasi. Ba't naman kasi ang kulit mong matulog?" Sisi ko sakanya tsaka nag mamaktol na humalukipkip. Pinandilatan niya ako ng mata. "Tumigil ka nga." kinuha niya iyong unan sana tinapon sa crotch ko. "Takpan mo nga yan!" Saka nagdadabog na umalis ng kwarto. Naiiyak na ako dahil kamay ko na naman ang kalaro ng kaibigan ko. Kala ko naman makaka score na ako, pero napaka tibay ng babaeng iyon dahil kahit anong landi ang gawin ko sakanya ay hindi tumatalab. ——— Naabutan ko si Hestia na may kausap sa phone. Hinayaan ko lang muna dahil mukhang importante ang usapan nila. Hindi pa ako nito napansin dahil nakatalikod ito sa akin. Tumungo ako sa kusina upang uminom ng tubig. Napagod ako. "Dad sent us his private Jet. I don't know why." Ani Hestia nang pumasok ito sa kusina. Humarap naman ako sakanya at nakita ko siyang ngumiwi. "Are you okay?" Maingat na tanong nito saka bumaba ang tingin sa kaibigan ko. Umirap naman ako, "I should be." Sagot ko lang dito at umupo. "Nagtatampo ka ba?" Lumapit ito sa akin at sinuri ako. I sighed. "I'm not. I'm just tired." "The limo's here. Let's go to the airport." Tumango ako saka tumayo na. May mga pumasok na guard ni Hestia upang ibaba yung mga gamit namin sa kwarto. Nauna na kaming sumakay sa limo saka umalis na. Susunod na lang yung mga gamit namin na lulan ng mga kotse sa likod. Hindi ko mapigilang mamangha sa sekuridad ni Hestia. I'm overwhelmed dahil sa tanang buhay ko hindi ko pa nararanasan ang ganito. We're not rich, we're not poor either. We're somewhere in the middle, yung kaya naman namin mabuhay at kumain ng tatlong beses sa isang araw. But we were never this rich, iyong may nakabuntot sayong mga bodyguard at iyong kung makapag waldas ka ng pera eh parang kayo yung gumagawa ng pera. "Don't tell me you're still upset about earlier?" Basag ni Hestia sa katahimikan. Hindi naman ako galit, parang tanga. Nag iisip lang naman ako, isa pa iniisip ko kung anong meron sa amin ngayon. Yes, she likes me but we still haven't talked about that yet. "You said you like me, yes?" I asked instead. Nakita ko naman ang bahagyang pagka tense niya sa tabi ko. "Yeah." Aniya sa mahinang boses. I sighed a breath of relief. Baka kasi ay hallucination ko lang ang lahat. "At least that's what I think I feel." dagdag pa niya. "What do you mean?" I looked at her, siya naman ay nakatunghay lang sa labas ng window. "It's my first time feeling this way and I really don't know how to interpret this. So I guess I like you." Okay, she thinks she likes me pero hindi siya sigurado. I'm a bit disappointed but at the same time I feel hopeful dahil sa sinabi niya. Ang sabi niya dati ay hindi pa nito nararamdaman ang mag mahal, so she's very innocent when it comes to a romantic feelings. "Anong nararamdaman mo tuwing nakikita mo ako?" Binalingan niya ako ng tingin, umirap ito. "Inis." sabi niya saka binalik ang tingin sa labas ng bintana. Nasapo ko ang noo ko sa sinabi niya. Bwesit, ang tino niyang kausap minsan eh. "Happy." Bulong niya ngunit hindi ko iyon dinig dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi. "Come again?" Inilapit ko ang mukha ko kay Hestia upang mas madinig ko ito pero hindi ko inaasahan ang biglang pag harap nito sakin. Her eyes went wide at napaatras ito but she's on the very edge at wala na itong aatrasan pa. "H-hoy." nauutal na sambit niya. Tila nahihipnotismo ako sa mga mata niya and it felt like there's a magnet between us that keeps pulling me to her. Iyong isang kamay niya ay dumapo sa dibdib ko upang itulak ako papalayo but I stayed on my ground. My eyes traveled on her pointed nose down her kissable lips. Napalunok ako at bahagyang umawang ang aking bibig. "Cloud.." Bulong ni Hestia. "Bakit ba ayaw mong halikan kita?" Bulong ko dahil ilang beses na niyang ginagawa ito sakin. But who am I to demand, right? "I've never been kissed before." nanghihinang saad niya. "I don't know what to do." "But we kissed that night." Tinignan ko ang namumungay nitong mata. Palapit ng palapit ang labi ko sa labi niya. Tumigil na din ito sa kapipigil sa akin, ngayon ay nakatingin na ito sa labi kong bahagyang nakaawang. Our upper lips touched and then, "We're here, lady Hestia." I squeezed my eyes shut at lumayo na kay Hestia. Lumabas na ako ng limo at inalalayan siyang lumabas. "Let's go." inilahad ko ang aking kamay sakanya ngunit hindi pa din ito gumagalaw at nakatulala lang sa kawalan. "Hestia?" Tawag ko dito. Her eyes landed on me, she swallowed. Inabot niya ang kamay ko at tahimik na lumabas. "Dad?" I looked over where Hestia's line of sight. There's a man standing at the door, waving at Hestia. Bumaba ito ng hagdan. Nakangiti ito habang nakangiti, visible ang wrinkles nito sa mata. Nagmamadaling lumapit si Hestia sa lalaking iyon at yumakap. Kahit na may edad na ito ay matikas pa din ang tindig nito at ang tangkad talaga. Kaya naman pala matangkad ang magkapatid na Dela Frontera, may pinagmanahan pala. Nahihiyang lumapit ako sakanila, "Hi sir." Bati ko dito at nagmano. Narinig ko ang impit na pag tawa ni Hestia sa gillid. Tumingon ako sakanya habang ang kamay ko ay hawak hawak padin ang kamay ng matandang Dela Frontera. "Tignan mo to Hestia, marunong mag mano. Hindi tulad mo na walang galang sa nakakatanda." Pabirong sabi ng dad ni Hestia. Umismid lang ang huli, "You must be Cloud. You're cute." Puri niya sakin. Napakamot ako sa batok ko dahil hiyang hiya ako sa harap nito. "Salamat po." "Let's get inside." Sumunod kami ni Hestia sa loob. Literal na napanganga ako sa tanawin. "Wow!" "Is this your first time?" Tanong sakin ng matanda, marahang tumango lang ako. "Come sit here." Turo niya sa kanyang harap kung saan nakaupo na si Hestia. Syempre sumunod ako, alangan naman diba? "Pwede mo namang sabihin sa akin na ayaw mong makipag date." dinig kong sermon niya kay Hestia. "You didn't have to lie to me." He looked at me and I got tensed. "Dinamay mo pa tong si Cloud." Dagdag pa niya. Pilit akong ngumiti at napakamot sa batok ko. "Oo nga po. Paraan lang daw po niya yun para itali na ako sakanya." Natatawang sabi ko pero nakapaigtad ako ng maramdaman ko ang pagsiko ni Hestia sa tagiliran ko. The old man laughed, "Is that so?" He asked. "I bet she just don't want to be teased by her cousins." Tumingin ako kay Hestia na ngayon ay nakasimangot sa kanyang ama. "Bakit naman po?" "They thought Hestia will die as a virgin. Their term is 'tatandang hukloban'" Mr. Dela Frontera and I laughed. Wala namang pakialam si Hestia sa usapan namin ng kanyang ama ngunit kita sa mukha nito ang pagkairita. "Madalas kasing sabihin nito na wala siyang natitipohan sa kahit na sinong iharap sakanya ng mga pinsan niya." Hindi naman matapos tapos ang kwento niya and I'm enjoying every bit. "Hestia's pride is off the roof, Cloud. I hope you can manage that." "You talk as if I'm not in front of you." Inis na turan ni Hestia. Hinawakan ko ang kamay niya and squeezed it. She blushed, how cute. Agad na binawi nito ang kamay saka nangalumbabang tumingin ulit sa labas. "So, what is the real score between you two?" "Ah, eh." Napakamot ako sa gilid ng kilay ko. Hindi ko naman kasi alam kung paano sasagutin yung tanong na yun. "I like her." Napalingon kaming pareho ni Mr. Dela Frontera kay Hestia at ganon na lang ang kabog ng dibdib ko sa tinuran niya. Pero halos wala lang kay Hestia yun dahil hindi man lang ito tumingin sa amin. "Paniguradong ikaw ang magiging target ng mga pinsan mo pag nalaman nila kung gano ka kabilis nagkagusto kay Cloud. And what about you iha?" Baling sakin ng ama niya, napalunok naman ako. "I-uh..." Tumingin si Hestia sa akin at nag aantay ng sagot ko. Come to think about it, hindi ko nga pala nasabi sakanya ang nararamdaman ko. Napangiti ako. I stared at Hestia sabay kamot sa sentido ko, "Like is an understatement, sir." sagot ko, kita kong natigilan si Hestia sa sinabi ko. Ngumiti ako sakanya. Bumaling ako ng tingin sa matandang Dela Frontera. Hindi naman makikitaan ng negatibong reaksyon ito kaya naman nagka lakas loob akong harapin siya. I cleared my throat, "I'm gonna take this chance to tell you my intentions, sir." Panimula ko kahit sobrang kabado ko ay nilakasan ko ang loob ko. It's now or never. Wish me luck. "I followed your daughter in Vegas in hopes that I will get a chance to have her." I swallowed the lump in my throat. Sobrang kabado na ako sa mga pinag sasabi ko. Ramdam ko ang titig ni Hestia sa gilid ko, kita ko din ang pagkunot ng noo nito. Baka isipin nilang masama akong tao. "You're the sister of Ava, right?" Tumango ako. Ineexpect ko naman na pina imbestigahan na ako nito and I know he knows everything about me. "It's my daughter's employee, right?" Tumango ulit ako. "And I'm guessing you know Hestia through her?" Tanong niya. "Kinda." Sagot ko. "Nagkataon po kasing nasa building niyo ako para sunduin yung kapatid ko and I accidentally bumped into Hestia." Lumingon ako kay Hestia, her eyebrow creased at tila inaalala iyong nangyaring iyon. Onti-onti itong tumingin sakin, "It was you." Kinuha ko sa bag na dala dala ko yung ballpen na nahulog nito noon. I gave it to her. "This is yours, right?" Kinuha niya ang pen at sinuri. Her name is engraved in it in gold. "Yes. It's safe to say that you are my stalker." Tumayo na ang matandang Dela Frontera, "I'll let you two be." Umalis na ito at may pinasukang silid. Tumikhim ako upang basagin ang katahimikan. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nag inform na ang piloto na lilipad na. "Oh, god. Here we go again." Mahinang anas ko ng magsimulang gumalaw ang jet. "You're afraid?" Tanong ni Hestia, tumango lamang ako. I heard her laugh at me kaya inirapan ko siya. "Mabuti naman at tuwang tuwa ka sa sitwasyon ko." Sarcastic na turan ko dito. "Ang lakas ng loob mong sundan ako dito tapos takot ka sa eroplano." "I'm not afraid of airplanes, Hestia. I'm afraid of heights." Pumikit ako ng maramdaman ko ang onti onting pag angat namin. But that didn't last when I was pulled by my collar and a soft pair if lips landed on trembling one. Ramdam ko ang pag kamay nito sa likod ng leeg ko at mas lalo pa ang hinapit papalapit sakanya. My eyes widened in shock when I realized what was happening. Hestia? Hestia is kissing me! Teka lang! Di ako prepared! Nakalapat lang ang mga labi namin. I chuckled internally. She's never been kissed, alright. I took the liberty of moving my lips against hers. I heard her soft moan escaped her lips. Iyong mga daliri niya ay bumaon sa buhok ko. She began moving her lips, copying mine. Parang natural na lamang ito pagkaraan ng ilang segundo. We only parted when our lungs demanded air. We were panting as our foreheads touched, her eyes still closed until it opened slowly. She stared into mine, ngumiti ako. "Thank you." I whispered. Marahan akong itinulak ni Hestia sa aking dibdib gamit ang isang kamay niyang nakatukod dito. "Use my car and get back here tomorrow." Yun ang sabi ni Hestia ng makadating kami sa mansion nila. Ang sabi ko dito ay uuwi muna ako sa amin dahil miss na miss na ako ng kapatid ko. Buti nga at napaki-usapan ko siya, wala sana itong balak na pauwiin ako sa amin. Gusto akong solohin. "Wag na. Magta-taxi na lang ako." tanggi ko naman. Alas otso y media na din ng gabi ng makadating kami dito, ang matandang Dela Frontera ay tumungo na agad sa kwarto nito at magpapahinga. Kami naman ni Hestia ay nag desisyon munang kumain. "Use my car and come back here tomorrow morning." Ulit nito sa utos niya. I sighed, kahit kailan talaga ay hindi ako mananalo sa isang Hestia. Napakamot na lang ako sa batok ko. "You do have license, right?" Tanong niya. Umiling iling ako. Wala naman kasi akong balak na kumuha nun, bukod sa mahal ay wala naman akong imamanehong sasakyan. Kumunot ang noo ni Hestia, "Whatever. Just use my car." She insisted. Dahil alam ko namang hindi ako mananalo sakanya ay pumayag na ako. "Can I get a goodnight kiss?" Biro ko sakanya ng makasakay na ako sa kotse nitong mamahalin. Hindi naman bago sa akin ang magmaneho ng ganito dahil may kaibigan akong ubod ng yaman at minsan ay ginagawa ako nitong driver. Umirap lamang si Hestia sakin at humalukipkip. "Namimihasa ka na." She said. I frowned, "Isa lang naman. Smack lang, kahit sa cheek ko lang." Hirit ko pa pero dahil sobrang tigas ng babaeng to at walang kasweet-an sa katawan ay umirap lang ito saka tumalikod na. "Drive safe. Text me when you get home." Iyon lamang at tuloyan na siyang pumasok sa loob. "Ang damot talaga." Natatawang sambit ko na lang saka pinasibad ang kotse. "Ulap! Akala ko'y wala ka ng balak na uwian ako." Lumalabing salubong sa akin ni ate at saka niyakap ako. Natawa lang ako sakanya dahil napaka dramatic niya minsan. "Ano ka ba naman ate. Hindi ka ba masaya? I got what I wanted." Excited na turan ko dito. My heart couldn't contain how much happiness I'm feeling right now. "Finally, gusto na ako ni Hestia." Pakiramdam ko'y may ningning sa aking mga mata. I sighed happily at hinayaan ang sariling bumagsak sa sofa. "Hindi ba't parang napaka bilis naman nyan, Cloud?" Nagtatakang tanong ni ate. "Parang two weeks lang naman kayong nagkakilala tapos sasabihin niyang gusto ka niya?" Dagdag pa niya. Umirap ako, "Wala naman sa tagal ng panahon yan ate." Rason ko, "May love at first sight nga." Sabi ko pa. Umiling iling si Ava na umupo sa kahoy na lamesa namin sa sala paharap sa akin. Kami na lamang dalawa ang magkasama ngayon. Sina inay at itay ay sumakabilang buhay na, matagal na panahon na ang nakakalipas. Si ate Ava ang nag taguyod sa aming dalawa upang mabuhay kami sa pang araw araw. I started working part time jobs when I was fifteen. Isang malaking tulong din ang pagiging scholar ko sa University na pinapasokan ko. Isa pa ay nagkaroon ako ng mga kaibigan na handa akong tulongan pag dating sa pera. Kaya naman ng makaluwag luwag kami at nagkaroon ng sapat na ipon ay ipinaayos namin ang bahay kubo na tinitirhan namin noong buhay pa ang mga magulang namin. "Mag iingat ka, bunso. Baka ay nadala lang si Hestia sa pagod ng pagiging isang successful na business woman at nakahanap lamang siya ng libangan." Kunot ang noo kong tumingin sa aking kapatid. "Ang sakit mo naman mag salita, ate." Kibit balikat itong tumayo, "Ipagti-timpla na kita ng gatas at nang makapag pahinga ka na." "Nga pala ate. Aalis ako bukas." Paalam ko. "Saan ka naman pupunta? Aba'y pumirme ka naman sa bahay, Ulap. Kauuwi mo lang eh aalis ka naman." Sermon nito sa akin. "Kay Hestia. Gamit ko iyong kotse niya ngayon." "Ano?" Sigaw ni Ava mula sa kusina. "Sabi ko gamit ko iyong kotse niya." Pabalik kong sigaw. "Aba'y mahiya ka naman! Wala ka pang lisensya!" "Nagpumilit eh." natatawang sambit ko. Naalala kong dapat ko nga palang itext si Hestia. But my phone is already ringing. Naka silent pala ito, s**t. I was about to answer pero na-end na yun. 4 missed calls. s**t! Nag ring ulit ang phone ko at agad ko na itong sinagot. "Hello?" Maingat na sabi ko. "Are you safe?" She asked, nawala ang kaba sa aking dibdib ng mapagtantong hindi naman galit ito. "Yes, babe. I'm sorry, got caught up talking with my sister." "Okay." "Matutulog ka na ba?" Tanong ko. "Yes. Hinintay lang kitang makauwi." Kinilig naman ako sa sinabi niya. I bit my lower lip to suppress my smile. "Okay. Goodnight, love." "Goodnight." ———— "Saan kita ihahatid?" Tanong ko nang makadating ako sa mansion nila Hestia. Hindi na ako nito pinapasok at pinag hintay na lamang ako sa labas ng gate. "Hera's condo. Alam mo naman siguro kung san ang Aragon's Suites?" She asked as she put on her seatbelt. "Yes." Sino ba naman ang hindi makakakilala sa building na iyon. It was awarded as the top 1 Suites in the Philippines and 3rd to the highest in the US. "Pupunta ako ng University ngayon." Sabi ko. Tumango lamang siya at tahimik na nagche-check ng emails niya. "Iiwan ko itong kotse mo tas magpapa sundo na lang ako sa kaibigan ko." "Who's friend?" Tanong niya ngunit ang atensyon ay nasa cellphone pa din nito. "Hindi mo naman kilala yun." Natatawang sabi ko. "Name." She demanded. "Monique." "A girl." Tumango lang ako, "Use my car." "Magpapa sundo nga ako." Giit ko. This time she looked at me at kita ko ang inis sa mata niya. Napatiklop naman ako sa tingin na iyon. "Fine." Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sakanya. "Don't forget about the grandball later." Paalala niya. Ilang beses na ata niya itong sinabi sa akin, halos memorize ko na nga ang buong detalye. "Eh diba sasabay ka sa pinsan mo?" "Yes." "Then why do I have to go?" "Sasamahan mo si dad." "Okay we're here." Sabi ko. Bumaba na ako ng kotse at ipinagbukas ng pintuan si Hestia. I kissed her cheek saka nagpaalam na sakanya. "Ang tagal mong nawala, Ulap!" Salubong sa akin ni Monique. Monique is my bestfriend at isa siyang tagapagmana ng isang modelling company. She is a model herself. Ang kanyang mukha ay nagkalat sa mga malls sa Pinas, maging sa ibang bansa. She is an endorser to some known brands. "Namimiss ka na ng mga babae mo dito." She teased. Napatawa lang ako. Not to brag but girls are fond of me here, hindi ko naman alam kung bakit. They're aware of my sexuality, iyon siguro ang dahilan. "Let them be. I got my Hestia, now." Proud na ipinaalam ko iyon kay Monique. She gasped dramatically, "You mean Hestia Cybil Dela Frontera of the Dela Frontera group?" Hindi makapaniwalang sambit nito. I chuckled, "The one and only." "Oh my god! Can you get me her autograph, please? My brother really has a huge crush on her." Napasimangot naman ako, hindi lingid sa kaalaman ko ang pagka gusto ni kuya Ivo kay Hestia. "Ayoko." Tipid na sagot ko. She bumped me on my shoulder, "Sige na, please? I've been crushing on her since I was a kid too!" And yes, Hestia is Monique's ultimate girl crush. Oh, diba? Ang daming nagkaka-gusto sa isang Hestia Dela Frontera. "Eh diba nakakasalamuha mo naman siya minsan kapag sumasama ka sa meetings nila with your mom?" Tumango siya, "Edi ikaw na mismo ang kumuha." Bagsak ang balikat niya sa sinabi ko, "Ang hirap kaya niyang iapproach, parang mangangain ng tao. Ni minsan ay hindi ko pa ito nakitang ngumiti man lang. Tapos nakakatakot pa ang aura niya." Natawa naman ako dahil para itong bata kung mag sumbong. Naglalakad na kami ngayon papunta sa registrar's office dahil may kukunin si Monique dito. Sasamahan ko lang siya tapos ay gagala kami kasama yung iba pa naming kaibigan. This is Montreal University, which is the long time rival of the Dela Frontera University. That's the reason why I didn't bother telling Hestia where I'm studying but I bet she knows it already. Ang mga Montreal ang kaisa-isang kompanya na naglakas loob na kalabanin ang mga Dela Frontera sa larangan ng business. And I heard that the son of the CEO, Mr. Gaston Montreal have been pursuing Hestia pero bigo ito. "Tahimik ka?" Tanong sa akin ni Pria, isa sa mga kaibigan ko. Tulad ni Monique ay isa din siyang modelo. Monique is 5'7. Pria is at 5'6. Si Monique ay balingkinitan ang katawan, maputi at mahaba ang brunnette niyang buhok. Makipot at matangos ang ilong, at kapansin-pansin sakanya ang kanyang mga mata na kapag ngumingiti ay pati ang mga ito ay ngumingiti din. Si Pria naman ay morena at may pagka kulot ang buhok. Her natural black hair na may pagka curly sa dulo nito. May pagka singkit din ang mga mata nito at nawawala kapag ngumingiti. Besides that, she is running for magna c*m laude in our school. Kaya naman halos lahat ng mga lalaki sa paaralan namin ay inggit na inggit sa akin dahil napapalibutan ako ng mga nag gagandahang dilag. But they're nothing compared to my Hestia. She's a literal goddess, mapapaluhod ka talaga sa taglay nitong kagandahan. We are currently at the bowling station sa isang mall. Isa ito sa libangan naming tatlo kung gusto naming magpahinga sa mga school works. "Wala. May iniisip lang." Sagot ko sakanya. "Is it Miss Hestia?" She teased, ngumiti lamang ako. She knows Hestia too, they've met once, kwento nito. "You're one lucky bastard for pulling a Dela Frontera." "Of course! Sino bang hindi maaakit sa itsura kong to?" Pagmamayabang ko. Nakatanggap naman ako ng batok mula sa aking likuran. "Aray ha." Reklamo ko kay Monique. "Dadalo ka sa grand ball?" Tanong niya. Tumango lang ako. "Sabay ka na sa amin." Pag aaya nito. "I can't. Dala ko iyong kotse ni Hestia and I'm going to accompany sir Albert." "I heard he's a kind man." It was Pria. "Yes. He once helped my mom for the venue of the shoot for our models." Si Monique. "Alam mo ba, Hestia's ex suitor?" "Oh ano? Madami naman iyong suitor." Sabi ko. "Hindi. Iyong si Mr. Gaston." "Ano na naman?" Tanong ko. Si Pria talaga iyong chismosa sa amin. "Dadalo iyon mamaya. At taon taon niyang binibigyan ng bulaklak si Hestia doon. Tapos ay kakanta pa ito sa harap ng madaming tao, and will ask her to be his girlfriend." Pria laughed, hindi na ako nakitawa pa. "Taon taon din siyang naba-basted." Nag tawanan si Monique at Pria sa kwentong iyon. "Heads up, Ulap. Iyon ang matutughayan mo mamaya." Sabi ni Monique. Tumango na lang ako. "May isa pa akong chika." Sabi ni Pria. "Ano na naman?" Iritang sagot ko dito. "There's this one lucky guy who Hestia had given a chance to court her. At ang bali-balita ay balak itong sagutin ni Hestia once she got back from Vegas. Kaya nga laking gulat namin nang malaman ang namamagitan sa inyo." Kinabahan ako sa sinabi ni Pria. Meron nga ba? Akala ko ba ay wala pa itong natitipuhang lalaki? I thought she's never been inlove? "Impossible. Hestia told me she never have had feelings for anyone before." Giit ko. "Rumors lang naman iyon but I sometimes see them outside. Sa mga restaurants." "Sino ba iyon?" Tanong ko. "Sir Lance Montreal, cousin of sir Gaston Montreal." Ang gulo naman nun. "He will be at the ball as well. Ang alam ko ay dun niya hihingin ang sagot ni Miss Hestia." Sabi pa ni Pria. "Kabahan ka na." Monique teased. Dapat nga ba akong kabahan? Pero hindi ko alam kung anong mayroon sa aming dalawa. May karapatan ba akong mag tanong sakanya? Paano kung sagutin nga niya iyong lalaking yun? She said she likes me. Pero sapat ba iyong dahilan para piliin niya ako kesa sa lalaking iyon? Maybe. Like is just nothing compared to anything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD