Cloud's POV:
"They've been planning a get away next week."
I nodded. We're currently striding in a mall to buy some things for Hugo. We've been here for hours at hindi pa tapos sa pamimili si Hestia.
"Sasama ka ba?" Tanong ko ngunit nagkibit balikat lamang siya.
"I don't know yet. Hugo will have his chemo anytime next week."
Hugo again.
"Nandun naman si Miss Eunice at ang parents niya. Why do you need to be there?" Tanong ko, hindi ko maiwasang sabihin iyon.
Hestia and I rarely sees each other now. Lagi siyang busy, be at work or with Hugo. Doon na lamang umiikot ang mundo niya.
No, hindi na ako sumasama sa meetings niya. I'm busy with my on going application for work. Gusto nga niyang doon ako mag trabaho sa kompanya nila but I refused. Gusto kong magkaroon ng trabaho nang ako lang.
"Because he needs me." And I need you. Gusto kong idagdag pero diko magawa. "C'mon, love. We've talk about this." She sighed.
Hindi na lamang ako umimik pa sa tinuran niya dahil alam ko namang wala din iyong magiging silbi. Hestia is Hestia, hindi na mababago ang isip niya sa isang bagay.
These past couple of days, we've been distant, nawawalan na siya ng oras sa akin. It's always Hugo this, Hugo that. Hugo everything. I'm trying to be as understanding as I could pero darating din pala sa point na mapa-pagod ka.
I want to demand her time but I can't. Baka pag aawayan lang namin yun. Just like the last time I tried to stop him from seeing Hugo because I want to sleep beside her pero wala. Grabe ang galit na inabot ko, ni hindi ko siya malapitan ng ilang araw.
Kung hindi pa siya kinausap ni Miss Vera ay baka hanggang ngayon ay hindi pa kami nag u-usap.
Pumasok kami sa isang shoe store.
"Hugo always wanted one of these." Sabi niya habang pinapakita sa akin ang isang signature sneakers. A Kyrie Irving signature shoes. "But couldn't because work demanded formal shoes."
Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ni Hestia at hindi makasagot dahil hindi ko naman alam paano sasagot sa mga sinasabi niya.
She knows a lot about Hugo, that make sense because he is her bestfriend and they've been together for God knows how long.
I don't want to feel jealous because of this but I can't help myself. Tell me, how to not be jealous of Hugo?
Kinuha niya iyong isang pares ng sapatos at tumungo sa counter. Sunod lamang ako ng sunod sakanya.
"How's your day been?" Tanong niya habang pina-punch ng cashier yung sapatos.
Great! Naalala din niyang ibaling ang usapan sa akin. Good job, Hestia.
"Been great. Monique wanted me to sign with her agency." Kwento ko. "There's a vacant position in PR team. Eh hindi naman iyon ang grinaduate ko." I chuckled.
I graduated architecture.
"Why don't you sign with them?" Hestia suggested.
Umiling iling ako. "I already applied at my dream company, Hestia."
"Okay. I'll message Hera."
"Don't." Pigil ko sakanya. "If I were to get in, I wanted it to be because of my effort, Hestia."
Hera owns an architectural firm. She started that firm on her own without the help of her family. And I want that kind of dedication too, I want to stand on my own, to make my name on my own.
Hestia smiled, "I love you."
My heart melted at that. A simple I love you means everything to me. Minsan lamang maging sweet ang babaeng to kaya naman iba ang epekto sa akin.
Ngumiti din ako, "And I love you more."
------
I heard a groan at my back at agad naman akong napangisi. She's finally here.
"How's Miss Vera?" Tanong ko nang makaupo ito sa tabi ko. Halata ang pagod sa kanyang mukha.
"She's finally asleep now." She said with a sigh.
"Why don't you hire additional helper around here, Rein?" Suhestyon ng kanyang pinsan na. Agreed.
"Vera doesn't want girls around here. Sino pa bang iha'hire ko?" Pagod na pagod nitong sabi.
Napatawa lang kaming dalawa ni Hera sa tinuran niya.
"A boy helper." Singit ko.
Tumingin sakin si Andrienne at inirapan ako, I chuckled.
"Not needed. They're just going to ogle at my wife, magkakasala lang ako."
It's the weekend now and every friday night, we always have a drink. Nakagawian na namin ito simula nang ipakilala ako ni Hestia sakanilang dalawa.
Yes, they already know everything about Hestia and I. Mula sa una naming pagkikita until now except for the fact that she fell quickly. Wala eh, ma pride ang lola niyo.
"Nasan na ba si Aubrey? Lagi na lang late ang babaeng yun." Tanong ni Hera.
"She might not come tonight. Prof. Alison is sick." Sagot ni Rein.
"Kailan ba tayo pupunta sa totoong bar?" tanong ko. Hindi pa kasi kami nakakapaglagi doon dahil hindi naman pwedeng lumabas si Rein because her wife is pregnant.
"Kailan ka matutotong uminom?" Tabla sakin ni Hera saka ngumisi, inirapan ko lamang siya.
"Saka na pag broken na ako." Biro ko naman na nagpatawa sa dalawang ugok na kasama ko.
"Be careful what you wish for, bitch." Natatawang turan ni Rein. "Oo nga pala. Next weekend ha, mag'beach naman tayo." Dagdag pa niya. Uminom siya ng alak sa baso saka nag salin ulit.
Ako naman eh juice lang ang ini-inom. I told you, mababa ang alcohol tolerance ko.
"Let's go. Sa isang isla ko na lang." suhestyon ni Hera. Taray talaga ng mga ugok na to, sobrang yayaman!
"Hoy Hera. Ano nga itong nadinig kong nagiging mahigpit ka na sa mga empleyado mo?" Tumingin kami kay Hera sa dahil sa tinuran ni Rein. Kumunot ang noo ko.
Hera smiled sheepishly at napakamot sa kilay niya, "Wala yun. Bingi ka lang." She chuckled.
"Umayos ka Hera, magta-trabaho ako sa kompanya mo, baka nakakalimutan mo." Banta ko sakanya.
"At ako pa ang tinakot mo. Eh kung hindi ko tanggapin ang application mo?"
"Subukan mo nang maging abo ang buong building mo." Banta ko ulit. "Besides, your HR already hired me. You can't do anything about that unless-" Hindi ko pa naituloy ang sasabihin ko ng itaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsusurrender nito. Natawa ako.
"No, no. Hestia is too much to handle. Hindi ko siya tatablahin."
We laughed.
"Wala na ba talagang pag asa sa inyo ni France?" Tanong ko, "Kung wala may irereto ako." Taas baba ang kilay kong sabi sakanya.
Para namang tanga tong si Hera at bumilog pa ang mga mata sabay may pag ningning pa ang mga iyon. Ipinagsaklop niya ang dalawang palad saka tumingala na parang tanga.
"Thank you, Lord! Tangina, may utak pala ang ulap." Panalangin niya.
Binato ko lamang siya ng chips saka tumawa. I fished my wallet and pulled out a calling card she gave me. Ibinigay ko iyon kay Hera na agad naman ding hinablot sa kamay ko.
Napailing lamang si Rein sa pinsan niya saka tahimik na uminom lang ng alak.
"Malandi ka talaga." Bulong niya.
"Patricia Monique Aragetti?" Basa niya sa calling card na binigay ko. "Isn't this the model?" She asks.
"Yes. The one and only."
She hummed saka tumingin sa akin ng mataman.
"Is there any reason why her?"
Nagkibit balikat lamang ako, "Well, she has a huge crush on my wife and Andrienne pero dahil taken na ang dalawa, sabi ko kay sayo nalang."
Hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin ng masama. "Parang no choice na no choice ah."
Tumawa ako, "Oo nga. Alangan namang si Dom o si Shawn eh wala na sila dito."
Umirap siya, "Teka nga. Their agency went to my office last wednesday for sponsor eh." Naalala niyang sabi, "I remembered signing the contract. Hestia did too. What about you Rein?" Baling niya sa pinsan.
"Nah, Hestia handled that already. Siya na ang bahala doon."
"Is this some type of merging? Para san ang mga yan?" Clueless na tanong ko sa dalawa.
"No. We do sponsors like this to help. That's the one rule our great grandpa taught us." Sagot ni Rein.
"That means hindi lang sila ang ini-sponsor-an ninyo?" Tanong ko pa.
"Yes. There's a lot." Sagot pa niya.
"Enough with that. I didn't see Hestia earlier today when I visited her office. Lumabas ba kayo?" Tanong ni Hera.
Kumunot ang noo ko, "No. I was at your firm." Sagot ko.
"But you know where she was?"
Umiling ako, "She never mentioned anything to me." Totoo naman, hindi kasi nagpapaalam sakin si Hestia kung sang lupalop siya naglalagi. "Let me check her location." Naalala kong sagot.
St. Louis Hospital
I didn't know pero pakiramdam ko ay bumagsak ang mood ko. Mali ba akong makaramdam ng ganito?
"She's with Hugo." Simpleng sabi ko na lang sakanila.
"Uh-oh." It was Hera, "Until now?" Tanong niya saka tiningan ang oras sa watch niya. "It's quarter to midnight, already."
"Hindi ba niya sinabi sayo?" Tanong ni Rien.
Umiling ako saka pinagtuunang pansin na lang ang chips at kumain na lang.
"You should probably call or text my sister. She's not the kind of woman who texts often where she's going eh." Suhestyon ulit ni Rien.
"Nah, it's okay. She'll tell me tomorrow." Sabi ko na lang kahit hindi naman ako sigurado sa mga pinag sasabi ko. I don't even know if we'll meet tomorrow since she's very busy for this week.
What is this feeling...
Ramdam na ramdam ko na ang gap sa pagitan naming dalawa ni Hestia. Para bang may pinto akong bawal pasukin na tanging si Hugo lang ang pwede.
I am jealous.
------
"Ulap! Buti at nakarating ka." Salubong sa akin ni Rien ng makababa ako sa motor ko: A Ducati 959 panigale 2017.

This is what Hestia got me on my graduation day. Sabi ko ay ibabalik ko sa dealership na pinagbilhan niya pero katakot takot na galit lang ang natamo ko. But I don't use this often dati dahil hindi pa naman kasi ako sanay pero ngayon, I think I got the hang of it. Isa pa, sobrang angas nito. lahat napapalingon.
Rien and I handshake. Nakaparada na din dito sa driveway ang sasakyan nilang mag asawa, pati na din ang sasakyan ni Hera, nandito na.
Ang gagara talaga ng mga Dela Frontera'ng to.
"I promised." Ngiti ko sakanya. Wala naman akong balak na sumama pa sa get away nila dahil hindi makakasama si Hestia pero wala eh, I'm a man of my word.
"Nasa loob na si Hera at sila Aubrey."
Pumasok na kami sa mansion nila at nakita ko sina Hera, Aubrey, Jake, Joey, Mila at Selene na nag uusap usap sa sala habang nag kakape.
"Where's tito?" Tanong ko kay Rien sa tabi ko.
"Away for business trip."
"Bitches!" Bati ko sakanila ng makalapit ako.
"Oyy, nandito na ang ulap." Excited na bati ni Aubrey saka isa isa silang nakipag handshake tas yung iba bumeso.
"Where's ate Hestia?" Tanong ni Aubrey at tumingin sa likod ko.
"She's busy. She can't come." Sagot ko lang tas binalewala ang lungkot.
"Good morning Miss Vera, Miss Alison." Bati ko ng makababa sa hagdan ang dalawang nag gagandahang mga anghel.
Ngumiti ito sa amin at bumati din. Hindi ko mapigilan ang pagka mangha sakanilang dalawa sa taglay nilang aura at kagandahan. Kita naman kung sino ang favorite ni Lord.
"Kumurap naman kayo!"
Natatawang sita sa amin nina Jake at Joey. Para naman kaming natauhan lahat. Hindi lang pala ako ang napatulala.
"Hestia will follow us there." turan ni Miss Vera sakin.
"Talaga po?" Di makapaniwalang tanong ko dito. She nodded. "Didn't she tell you?" Takang tanong naman niya.
"Uhh," dali dali kong kinuha ang phone ko sa bag na dala ko saka chineck kung nagtext o tumawag man lang si Hestia.
My heart skipped a beat when I saw that she did.
She remembers me.
"Opo. Nagtext po siya." Sabi ko kay Miss Vera.
Hestia, 7:07am
Be there later. Take care.
It was just a simple text. No I love yous or whatsoever. I felt dejected ngunit hindi ko na lamang pinahalata iyon.
Why do I have a bad feeling...
"Okay. Let's go."
3 hours later...
Hindi namin maitago ang mangha sa mukha namin ng makadating kami sa Isla ni Hera. Napaka ganda! Literal na napanganga kami sa tanawin dito. Mula dito sa shore ay kita namin ang beach house which is standing proudly in the middle of this island.
Breathtaking!

Isa isa kaminf bumaba lahat sa beach sand. I inhaled deeply to clear my lungs with salt air. Napaka refreshing, muntik ko nang makalimutang may problema ako.
"Well, this is it." Sabi ni Hera saka inilibot ang tingin sa paligid. "Sinabihan ko silang linisin ang bahay, so no worries. Just settle then let the party begins!" Ang hyper naman ng ugok na ito.
Nonetheless, everyone excitedly went to the house to settle our things. Kinuha ko ang phone ko para itext sana si Hestia pero syempre, walang signal. Damn, I forgot this is a secluded area.
"Don't worry. Hestia will be here tonight." Rien tapped my shoulder and walk off.
I sighed saka sinundan nalang sila sa loob.
It's already quarter to 5 at abala kami ngayon sa pagse-set up ng grill sa tabing dagat. Yung iba naman ay inaayos ang mga mesa at mga sun lounger dahil balak mag babad ng mga Dela Frontera sa araw.
"Hoy ulap!" Lumingon ako kay Hera na naglalakad papalapit sa akin, "Idol pala ako ni Aragetti eh." Pagmamayabang nito saka umakbay sakin. Umirap naman ako dahil sa laki ng ngiti sa mukha niya.
"Really? Kasi ang sabi niya sakin napaka sungit mo." Natawa naman siya.
"I'm only like this in front of someone I trust." Sabi niya at biglang nawala ang mga ngiti sa labi. Now I'm staring at her eyes at tila nawalan iyon ng buhay.
Kumunot ang noo ko at nag alala.
"Hoy, ayos ka lang ba?" Tanong ko dito.
Bigla naman siyang napatawa. "See? I'm like this when I'm sorrounded with people I don't trust." Tangina, nababaliw na ata to. Binatukan ko siya dahil sa ginawa niya. "Aray!" Reklamo niya saka hinaplos iyong napurohan.
"So, you don't trust Mon?" Tanong ko.
"Syempre, hindi pa. Ang bubbly ng personality tas maya maya napaka sungit. Akala mo bipolar."
I chuckled. "Yep. That's Monique. Only few people could keep up with her. She's full of energy ngunit mabilis maubos yun."
"Binigyan mo pa ako ng iintindihin." Rrklamo ulit niya.
"Kesa naman mag mukmok ka sa bahay niyo." Sabi ko. Totoo naman, if it's not friday or wala kaming lakad eh hindi siya lumalabas.
Nasa condo niya lang o nasa opisina niya tapos mag rereklamo yung mga empleyado niya na napaka sungit niya at parang laging may kaaway. And then rumor has it that she's unapproachable which is the total opposite of what we know.
She's really affected by her failed relationship, huh. Poor Hera.
"Para makaiwas ako sa mga taong gustong mapalapit sakin." Sabi niya, "Mahirap na, baka makabuntis ako." She laughed.
"Rason ba yan? Hindi ka naman ganyan dati. Sabi sa akin ni Rien eh kulang na lang magkaroon ka ng tulo sa kaka ano mo eh."
Tumawa lang ito, "Hoy!" Sigaw na naman niya. Bwesit talaga. "Look! I think it's Hestia." Sabay turo sa Helicopter na papalapit sa isla. Tumingala naman ako.
Lumapag ito sa heli pad na nasa rooftop ng beach house ni Hera. Agad ko namang iniwan yung ginagawa ko dun upang salubungin siya.
Nang makadating ako sa rooftop ay sakto namang papalabas palang ng helicopter si Hetia.
This woman.
She never fails to take my breath away everytime I see her. She's really beautiful, and beautiful is an understatement. Her hair is flawlessly dancing against the air as she gracefully walk towards me.
This feels magical.
Napalunok ako ng tumitig lang ito sa akin habang napaka sophisticated na naglalakad.
"You're here." I said breathlessly, she kissed my cheek. I hugged her tight dahil sobrang nami-miss ko na siya. This is the first time I've seen her in a while, my heart clenched.
"Let's go." Yaya niya sa akin and pushed me gently. Ni hindi niya ibinalik ang yakap ko.
Ouch.
She started to walk past me at wala akong nagawa kundi sundan lang ito ng tahimik.
There's this feeling again...
"Hestia." salubong ni miss Vera at miss Alison sakanya saka nakipag besohan. I saw Hestia smiled genuinely at them.
Bagsak ang balikat kong inalis ang tingin sakanila saka bumalik sa pwesto kanina. Nandun din si Aubrey, Hera, Selene, Mila at Rien na abala sa pag uusap at pag grill ng karne.
Ang bango...
"Okay ka lang?" Takang tanong sa akin ni Aubrey ng mamataan niya ako. Tumango naman ako at pilit na ngumiti.
Mukhang may gusto pa itong sabihin ngunit hindi na itinuloy. She looked over my shoulder.
"Oh, ate Hestia's here." Sabi niya. "Ate!" Sigaw niya, lumingon naman yung tatlo sa amin. Hestia smiled and waved at us.
"Nasan sina Jake at Joey?" Tanong ko sakanila.
"Nag ha-hanap ng mga kahoy. May bonfire mamayang gabi." Sagot ni Rien.
Tumingin ako sa pwesto nila Hestia sa may sun lounger. They're busy talking about something at parang napaka seryoso ng pinag uusapan nilang tatlo.
"Nga pala. Bakit hindi natin kasama si sir Alistor?" Dinig kong tanong ni Mila.
"He's out of town." Sagot ni Rien.
"Ayos ka lang ba? Sunog na yang niluluto mo." Agad akong napatingin sa karneng nasa grill. I flipped it on the other side para hindi lalong masunog.
"Salamat." Pasalamat ko kay Selene, ngumiti lamang siya.
Kumuha siya ng food tong saka inalis sa grill iyong mga luto na tapos ay pinalitan ng isda.
Yung iba ay nag umpisa ng bumukas ng mga beer saka uminom. Inabutan ako ni Hera ng isa pati na kay Selene.
"You know I don't drink, Hera." Nayayamot kong paalala sakanya. She chuckled.
"I guessed you could use some." Sabi niya saka itinaas ang bote ng alak saka uminom. Napailing lang ako.
Umupo sila ni Rien sa upuan na ipinuwesto nila sa harap ng grill. Sumunod naman si Mila sakanila saka masayang nakipag kwentuhan.
I sighed.
"Lalim non ah." Selene muttered beside me. "Ayos ka lang ba talaga?"
"Oo naman."
"Mali ang tanong ko." She chuckled saka humarap sa akin. "Bakit ka malungkot?" Napatitig ako sa mga mata niya.
"I don't even know." Sagot ko dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
I guess I'm sad because Hestia and I are being distant now. Napadapo ulit sakanila ang mata ko at sakto namang nakatingin ito sa akin ngunit agad na iniwas ang tingin.
"Nag aaway kayo?" Tanong ulit ni Selene.
Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman alam kung nag aaway ba kami o hindi. Ang alam ko lang eh parang iwas na iwas siya sakin.
Pagkatapos naming magluto at mailagay sa long table ang mga pagkain ay nagsalo salo na kami.
Katabi ko ngayon si Hestia tas sa left side ko naman si Hera. Selene is on Hera's side, tapos si Mila tas si Joey. Sa harap naman ay sina Joey, Rien, Miss Vera, Miss Alison and Aubrey.
Maingay ngayon sa hapag dahil masaya silang nag uusap usap. Kami ni Hestia ay tahimik lamang na kumakain. She's occassionally putting food on my plate which make me a little bit better.
"Thank you." Pasalamat ko nang maglagay ito ng shrimp sa plato ko. She knows my love for shrimps and seafoods.
"You're welcome." Sagot niya.
Gusto ko sanang mag tanong kung okay lang ba kami pero mukhang hindi ito ang tamang oras. Pinagkasya ko na lamang ang aking sarili sa panaka nakang pag sulyap ko sakanya.
Sa harap namin ay ang napaka sweet na couple. Todo subuan tas landian pa. Nakaka umay.
Nakakainggit.
Hera nudged me, "Eat more."
"Ano ka nanay ko?" Sumbat ko sakanya. She chuckled.
"Nanjan yung mommy mo oh. Pasubo ka sakanya." Biro niya, "Hestia! Subuan mo nga tong baby mo." She teased. Tumawa naman sila.
"Behave yourself, Hera." Sagot ni Hestia na binalewala lang ang pagbibiro ni Hera.
Lumapit ang huli sa akin at bumulong, "Nire-regla yata. Buntisin mo na kase."
"Tangina mo." Tulak ko sakanya ngunit ramdam ko ang pamumula sa pisngi ko na siyang kinatawa naman ng ugok na to.
"Behave." Narinig konh sermon ni Hestia sa tabi ko kaya tumahimik na lang ako.
We circled around the bonfire that the boys built. Sakto lang ang init nito to keep us warm against the cold breeze.
Katabi ko pa din si Hestia. We are seated on a folding chair. Wala naman kaming masyadong ginagawa kundi mag relax lang. Si Hestia at Miss Vera ay busy sa pagku-kwentuhan sa tabi ko pati na din si Miss Alison.
Hestia's left hand is on her lap kaya marahan kong pinatong ang palad ko dito.
But oh boy, my heart reallly clenched when she retreated her hand away from mine. I stared at her ngunit hindi ito nakatingin sa akin.
I swallowed the lump on my throat and retracted my hand and put it on my lap.
Tangina, yun lang pero ang sakit.
------
"Hoy! Jetski tayo!" Sigaw ni Jake kasama si Joey sa dalampasigan.
Tumungo kaming lahat don maliban sa tatlong mala Dyosa ang ganda na ngayon ay kumakain sa loob ng beach house. Apat lang maman ang Jetski na dala dala namin kahapon kaya yung iba eh, a-angkas na lang.
Sina Jake at Joey sa isang Jetski tas si Rien at Aubrey sa isa, Si Hera at Mila naman sa isa tas ako at si Selene.
"Ano, race?" Hamon sa amin ni Rien habang todo ngiting nakatingin kay Hera. Ngumisi naman ang huli.
"Prepare to get you ass beaten, Andrienne." Maangas nitong hamon din sa pinsan. Bumaling ito sa akin, "Sali ka?" Tanong niya.
I looked behind my shoulder, "Kaya mo ba?" tanong ko kay Selene.
Iniyakap niya ang dalawang braso sa bewang ko tas pinag lock ang mga kamay sa tyan ko.
"Always am." Sagot naman niya.
Nag thumbs up ako kay Hera.
"Nice. Hoy Jake! Kayo ang referee. Pumwesto kayo kung san niyo gusto." Utos ni Hera sa dalawa.
Agad naman na tumilima sila saka umalis na papunta sa gitna ng karagatan, hanggang sa parang langgam na lang sila kaliit sa pananaa namin. Tumabi tabi kaming tatlo, ako sa gitna at sa magkabilang gilid ko yung dalawang Dela Frontera.
"Ready?" Tumango kami. "On three!"
"One! Two! Three!"
Agad na bumarurot kami, dinig ko ang pag hiyaw ng mga angkas namin kaya tawang tawa ako sakanila. Hindi naman nagkakalayo ang pagitan naming tatlo ngunit ako ang nangunguna.
Tawang tawa ako sa mga itsura ng dalawang kalaban ko dahil mukhang wala naman sila pake kung ako ang nasa unahan, ang importante eh kung sinong mauna sakanilang dalawa. Hinayaan ko na sila at nag focus na lang akong iwan sila.
"Woooooh! Tangina mo ulap, mapapasalangit nawa tayong dalawa!" Sigaw ni Selene.
Humagalpak ako ng tawa ng makadating kami sa pwesto ni Jake at Joey na tudo kaway sa amin. Pinalibutan ko muna silang dalawa saka ako tumigil sa tabi nila.
Padating na din naman sila Rien at Hera pero si Rien ang nauuna.
"Tangina, ang daya!" Reklamo ni Hera na ngayon ay basam basa ang mukha.
Tawa lang kami ng tawa dahil natigil si Hera kalagitnaan ng race dahil napainom ito ng tubig dagat sa kagagawan ni Rien.
"Wala. Talunan." Kutya pa ni Rien na mas lalong nagpalukot sa itsura ni Hera.
"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Selene na nasa likod ko. Tumango siya. "You want to try?" Tanong ko.
"Pwede ba?" Excited niyang tanong. Tumango naman ako saka lumundag sa tubig at hinayaan siyang pumwesto sa jetski.
Umakyat ako ng makapwesto siya. Tinuruan ko siya kung paano i-operate ang jetski at nang medyo alam na niya ang gagawin ay pinasibad na niya ito ngunit dahan dahan lang iyon.
Inalalayan ko lamang siya hanggang sa makaabot kami sa shore.
"Diba? Madali lang?" Ngiting tanong ko dito habang siya ay todo tango. Mukhang gusto pa yata pero natigilan kami ng may magsalita.
"I think that's enough."
Napalingon kami sa nagsalita. Si Miss Vera pala, kasama niya yung dalawa.
Hestia is not looking at me, of course. Mula kagabi ay hindi na kami nag usap o nagkaroon ng pagkakataon. She went sleep before me kaya pag pasok ko sa kwarto ay mahimbing na ang tulog niya.
Bumaba na ako sa jetski saka ko inalalayan si Selene.
"Maya na lang ulit." Sabi ko sakanya.
"Tuturuan mo ako ulit?"
"Oo naman."
"Cloud," Tawag sakin ni Miss Alison.
"Miss Alison?" Tanong ko dahil iilang beses lamang kaming nag usap nito. Parehas silang dalawang nakatingin sa akin, si Hestia naman ay naglalakad na paalis.
Hindi ko naman maintindihan yung expression ng mukha nilang dalawa.
"Pumasok ka na." Tumango na lang ako at pumasok na.
-----
Our weekend get away ended in an instant. Nandito na kami ngayon sa mansion ng mga Dela Frontera at isa isa ng nagpa-paalam sa isa't isa.
After I said goodbye ay lumabas na ako. Hindi ko na hinintay pa si Hestia dahil simula ng gabing iyon ay hindi na kami nag usap pa. Ni lumapit lang sa akin ay hindi niya magawa. Maybe it's safe to say that Hestia and I are drifting apart.
Sumakay na ako sa bike ko nang bigla akong tinawag ni Hestia.
"Cloud."
Lumingon ako sakanya, she's just staring at me ng walang kaemo-emosyon. This will be the first time she initiated a talk, at wala pa man ay kinakabahan na ako.
Bumaba ako sa motor at hinarap siya.
"We need to talk." Umpisa niya.
Hindi na ako lumapit pa sakanya. May pakiramdam akong hindi maganda ang sasabihin niya kaya napako ako sa kinatatayuan ko. I put my hand inside my pocket at ikinuyom iyon upang maibsan ang kaba sa aking dibdib.
She stared directly in my eyes.
"Let's break up."