Cloud's POV:
"Let's break up."
Parang may time bomb yung puso ko, ang bilis ng t***k nito. Bawat pitik ay ang bawat segundong nakalipas mula ng bitawan niya ang salitang kinatatakot ko.
"H-ha?" Nauutal ang labi ko, ni hindi ko alam ang dapat na mamutawi roon. Ni hindi ko alam kung anong dapat na isipin ng utak ko.
Sabi nila, utak ang dapat na paganahin pag nakakaranas ng break up. Pero bakit hindi gumagana ang utak ko sa oras na to?
"I said we need to break up." Ulit niya.
The time has come, the bomb has exploded. Para akong nabingi.
Kumunot ang noo ko at sinubukang lapitan siya ngunit umatras lamang ito, indikasyon na ayaw niya lumapit ako sakanya.
Ubos na ba ang swerte ko?
"Why? What happened?" I said helplessly. Sa dinami-daming gustong gawin ng katawan ko, tumunganga lang at kaawa-awang tumingin lang kay Hestia.
"Ayaw ko ng lokohin pa ang sarili ko at paniwalaing may nararamdaman pa ako sayo." Aray!
Pinilit kong tumindig ng maayos, pinilit kong balewalain ang mga mumunting karayom na tumutusok sa puso ko. I stood there ready to fight the battle I've already lost.
"Since when?"
Bahagyang tumingala ito and pinched the bridge of her nose. She sighed.
"Last week." Sagot niya.
"Is this because of Hugo?" Lakas loob kong tanong.
Her gaze became dark and I've never seen her like that before, it made me actually scared. Napaatras ako ng ka-onti.
"Don't drag Hugo into this." She said through her gritted teeth. "This has nothing to do with him."
Another stab in the heart. f**k!
"What happened to us? I thought we were inlove." Akala ko lang pala iyon.
It was good while it lasted. Now it's bad that it ended. Paano ba i-express ang feelings? I've never been in this situation before. Hestia is my first ever love.
Gusto kong magwala, sumbatan siya, murahin siya pero wala. All I did was stare at her lovingly, helplessly.
"I fell inlove with you so desperately fast." She said, her beautiful face was void with emotion. "And now my feelings are fading, I'm really sorry, Avery."
That's the first time she said my second name and probably the last.
She didn't even let me react as she turned around gracefully and started to walk away from me leaving me staring at her gorgeous back.
"What about how I feel?"
I muttered under my breath and sighed. Well, it is what it is, I guess. The love whom I cherished just walked out of my life and I couldn't even do anything about it.
I helplessly stared at her car leaving me completely alone.
"I love you." I whispered through the air.
Why did I even bother assuming that I can make the great b***h Hestia Cybil Dela Frontera fall in love with someone like me?
When she's out of my sight, my eyes landed on the motorbike she gave me.
"What am I gonna do with you?"
"You should probably sell that." Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko.
"Rien?" Ngumiti siya saka lumapit sa akin at pinat ako sa likod.
"I didn't know what my sister is thinking for breaking up with you." She heard... "But that's the worst decision she ever made."
Bumuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan. It's dark and peaceful.
"You don't know that." Sagot ko.
"Hoy! Anong ginagawa niyo dito?" Sulpot ni Hera. When she saw Rien's hand on my shoulder, she did the same. Ngayon ay parehas nang nasa balikat ko ang kamay nilang dalawa.
It's surprisingly calming.
"Broken to." Patawa tawang inform ni Rien kay Hera. Tumingin naman agad sa akin ang huli sa nanlalaking mga mata.
"Hestia broke up with you?" Di makapaniwalang tanong niya sakin.
Nagkibit balikat ako at ngumiti, "Yes."
Their presence comforts me in some unknown reason.
"Welcome to the club!" Hera spreads her arm while smiling widely at me and welcoming me.
Rien snickered, "Seryusohin mo naman yung pagiging broken niya." She said.
"Welcome to the club!" Now Hera's face turned serious, I could only shake my head at their antics.
"I'm gonna bounce." Sabi saka ko kinuha ang helmet at sinuot yun. Sumakay ako sa motor at pinaandar yun. "See you around." Itinaas ko ang kamay senyales ng pagpa-paalam.
"Wag magpapakamatay ha?" Ngiting ngiting paalala mi Hera. Umismid ako dahil don. I'm not a suicidal type of a person.
Rien waved her hand at me, "Ingat! Hanap tayo ng chics mo bukas." Natatawa ding turan niya.
Napailing iling na lang ako sa mga Dela Frontera'ng mga to. Diko alam kung kadugo ba talaga nila si Hestia eh.
Kinabukasan ay dali dali akong naligo at gumayak dahil balak kong puntahan si Hestia sa office niya. Sa pagkaka-alam ko ay maglalagi siya doon ngayong buong araw na to.
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang lunchbox na pina prepare ko kay ate saka nilagay sa bag ko.
"Aye, Renzo!" Bati ko sa security guard ng building na to. Renzo and I had become a great friend simula ng sinasama sama ako ni Hestia dito.
Nag salute naman siya saka lumapit sa akin.
"Oh, Cloudio!" Bantot ng nickname ko sakanya bwesit! "Wala pa si ma'am jan eh." Paalam niya sakin. Ngumiti lang ako, wala kong balak magpakita sakanya kaya inagahan ko ang punta ko.
Kinuha ko sa bag yung lunchbox na dala ko saka binigay kay Renzo.
"Ano to?" Tanong niya.
"Bomba, Renzo. Pakain mo kay Hestia." Natatawang sumbat ko saka isinukbit ulit yung bag sa likod ko.
Napakamot na lang siya sa batok niya, "Ba't di mo na lang ihatid sa taas? Uutusan mo pa ako eh." Reklamo niya.
"Kaya mo na yan. Sige na, aalis nako at may pasok pa ako eh." Sabi ko.
Lumiwanag ang kanyang mukha, "Nakapasok ka sa kompanya ni idol Hera?" Tumango ako saka ngumiti. "Congrats, Cloudio!"
"Salamat! Osya, alis na 'ko!"
Pumasok na ako sa building ng Heraic Firm (Heroic). Pagdating ko doon ay dumiretso ako sa drafting table ko. Mukhang wala pa si Hera dahil hindi ko nakita ang sasakyan nito sa parking lot sa baba.
Nagtimpla na muna ako ng kape sa maliit na kitchen counter at the far right corner— it's where the employees rest when they want to. Libre ang mga snacks na nandun, pati na ang kape at may sarili pang coffee machine, iyong gamit ng mga barista sa coffee shop. Hindi nga lang ako marunong gumamit non, napaka useless.
Pag balik ko sa table ay sinet ko na ang aking gagawin. Wala pa akong fixed client kaya gumawa na muna ako ng drafts for future work.
Mag iisang oras na yata mula nung nag start akong mag draft. Hinilot ko ang batok ko dahil medyo nangangalay na iyon, just then I saw Hera approaching and boy, the rumors were right.
She's really the opposite when she's here. Napaka cold ng aura at akala mo walang taglay na kamanyakan sa katawan eh no. Naka shades ito upang itago ang pilya niyang mga mata. Hindi rin ito sumasagot sa mga bumabati sakanya habang naglalakad siya. Hera's really unapproachable, maging ako ay matatakot pag nakasalubong ko ito.
If I didn't know her, I'd probably quit this job and find another company.
Nakita kong napatingin ito sa gawi ko and a smirk appeared on her flawless skin bago ito pumasok sa opisina niya. I rolled my eyes.
When she's out of sight, everyone looked at me with disbelief in their eyes.
Oh boy.
"Nakita niyo ang ngiti ni boss diba?" Tanong ng isang babaeng di katangkaran at medyo chubby.
"Oo nga. At dahil yun sa rookie." Sagot naman ng payat na lalaki na akala mo nakakita ng multo sa pamumutla nito.
Rookie?
Kunot noo akong tumingin sakanila saka pinilig ang ulo ko dahil sa pagkalito.
Ano bang problema ng mga to?
"Girlfriend ka ba niya?" Tanong ulit nong chubby na babae.
Muntik ko ng maisuka ang ininom kong kape dahil sa tanong na iyon.
Fucking hell?!
"What the f**k?!" Bulalas ko. "Of course not!" Parang nanindigan lahat ng balahibo ko sa katakot takot na bintang nila. "Hera is my friend." I said defensively.
Shet, nakaka-kilabot talaga.
Mukhang hindi naman sila naniwala sa sinabi ko dahil nakatitig lang sila sa akin. Napahilamos nalang ako sa mukha.
"Bahala nga kayo." I said at pinagpatuloy ang pag plan.
Narinig ko pa ang mga bulong bulongan ng mga ito bago bumalik sa kanya kanyang trabaho.
Is it really that of a big deal that Hera smiled? That wasn't even a smile, it was a smirk.
First day of work and this happened, kamusta naman sa mga susunod pa? Wala pa nga akong kakilala dito eh.
"Hi." Isang mahinhin na tinig ang nadinig ko sa bandang gilid ko, tumingin ako sakanya.
Maputi ito at may mahaba at tuwid na buhok. Her hair is dyed ash gray na bumagay naman sa kulay niya. She has a nice set of white teeth though.
"Hello." Ngiti ko sakanya.
Inilahad niya ang kamay, agad ko namang tinanggap yun at nakipag shake hands dito.
"I'm Sabine." Pakilala nito.
"Cloud."
Umurong siya papalapit sakin.
"Oh, wow. I like your name."
"Salamat. Matagal ka na ba dito?" Tanong ko. Dahil wala naman akong ibang gagawin eh napag desisyonan ko na lang na makipag usap kay Sabine.
"Isang buwan pa lang. Parang gusto ko na ngang mag quit eh." Pabiro nitong sabi.
Mahaba haba din ang amin kwentuhan at hindi na namin namalayan ang oras. Nalaman kong unica ija lamang si Sabine at galing siya sa Japan at dun namalagi ng ilang taon kasama ang mga magulang niya. She left her parents abroad to work in the Philippines alone and save up some money upang maiuwi niya na sila.
"Bakit dito pa? Mas malaki ang opportunity sa Japan." Sabi ko.
Uminom siya ng kape bago sumagot, "I got accepted in this firm eh, isa pa compared to other companies even in Japan, Dela Frontera's salary level is top notch. Dagdag pa ang mga benefits."
Napatango tango ako sa tinuran niya. Kunsabagay, hindi naman talaga tinitipid ng mga Dela Frontera ang mga empleyado nila at isa yan sa rason kung bakit madami ang pinapangarap na mag trabaho sakanila.
Naalala kong icheck ang phone ko upang tignan ang oras, pasado alas onse na pala. 30 minutes more at lunchtime na.
"San ka magl-lunch?" Tanong ko habang chine-check ang messages ko.
"Sa canteen. Sabay ka?"
Renzo, 10:34am
Cloudio, hindi tinanggap ni ma'am yung bigay mo eh. Pasensya na.
Nasaktan man ay talagang inexpect ko na yun.
Nag reply muna ako kay Renzo na siya na lang ang kakain non para hindi naman masayang. I sighed.
"Are you okay?" Tanong ni Sabine sabay hawak sa noo ko.
Ngumiti ako, "Of course! Tara na?" Yaya ko sakanya. Hinawakan ko ang kamay niya at maingat na inalis sa noo ko.
"What are you two doing?"
Napaigtad ako sa gulat at nabitawan ko ang kamay ni Sabine saka napalingon sa nagsalita.
"Ma-ma'am." Nauutal na turan ni Sabine. Bakas sa mukha nito ang takot.
"Hey, it's okay. Mauna ka na sa canteen." Sabi ko sakanya na kanya namang tinanguan.
"Excuse me po, ma'am." Paalam niya kay Hera. Hindi man lang umimik o tumango tong ugok na to. Bwesit.
Tumayo ako at sinimangutan siya, "Ano bang ginagawa mo?" Naiinis kong sabi sakanya.
Pansin ko ang bulong bulongan sa paligid and they're looking suspiciously at us. I huffed in annoyance. Baka ay iba na naman ang nasa utak ng mga to.
Napansin yun ni Hera kaya naman hinila niya ako papasok sa opisina nito saka ni-lock ang pinto.
"May pinalit ka na agad sa pinsan ko." Husga niya. Inirapan ko naman siya saka umupo sa couch niya.
"Mapanghusga." Saad ko.
She sat in front of me saka nilapag doon ang isang paper bag. Nilabas niya mula don ang dalawang lunchbox, kumunot ang noo ko.
"Ano yan?"
"Aso."
"Bwesit."
Tatawa tawa siya habang inaayos sa mesa yung dalawang lunchbox tapos ay kumuha ito ng maiinom sa ref niya sa tabi ng table niya. Sosyal!
"Dahil nandito ka na, may kasama na akong kakain." She said and give me a bottle of orange juice.
"Sino naman ang naghanda nito?" Tanong ko dahil as far as I can remember, Hera lives alone.
Binuksan ko ang lunchbox na bigay niya sakin at sobrang natakam ako. Yum! Paborito ko to ah! It's tempura and Calamares!
"I know." simpleng sagot niya saka bumalik sa pagkaka upo. "Dig in."
I need not to be told twice dahil inumpisahan ko na ang paglantak sa pagkain.
"God. This is so good!"
"Hayp, ang hype mo naman." Natatawang turan niya. "Ay teka, nakalimutan ko yung sinigang na hipon." Tumayo siya saka may kinuha sa ref na bowl. Tumaas ang kaliwang kilay ko.
"Bobo ka ba? Ba't mo nilagay sa ref?"
Umirap siya, "Para hindi mapanis."
"Edi ang lamig nyan. Bahala kang kumain nyan." Sabi ko. Parang tanga eh.
Pinandilatan niya ako ng mata animo nanay ko na sinusubukang takutin ako. Lol, utot niya.
"Magagalit si-" Natigilan siya sa sasabihin kaya tinignan ko siya ng may pagtatanong sa mga mata. She smiled awkwardly, "Magagalit kako si Lord kung hindi natin uubusin." Kumunot ang noo ko. Halata naman kasing nagsisinungaling siya kaya hinayaan ko na lang.
Hindi ko na lamang siya pinansin at patuloy na kumain.
"Kamusta ka?" kapagkwa' y tanong niya.
"Oks lang." Sagot ko sabay lamon.
"Patay gutom ka nga." She crossed her arms against her chest and leaned on the chair. "Puso mo, kamusta?"
Ininom ko na yung juice at inubos yun, "Hurting." Honest kong sagot saka nilapag yung bote sa mesa saka hinimas himas yung tyan ko. "Wow! I'm so full!"
"Halata nga." taas kilay nyang turan. "Anyway, aalis si Hestia ng bansa."
Natigilan ako.
"San?" tanong ko at dumagundong ang t***k ng puso ko. "Kailan?"
She sighed, "Bukas, kasama si Hugo." My heart breaks into a million pieces all over again.
Bagsak ang balikat ko sa sinabi niyang yun, I looked down on my lap.
"Ganon ba?" Sabi ko na lang. Hugo is really important to Hestia. Hindi na ako magtataka pa kung ibalita sakin ni Hera na couple na sila.
"Naka schedule ang operasyon ni Hugo sa makalawa. She didn't tell us until when."
"Okay." Tumayo na ako saka pinagpag ang pwet ko, "Thanks for the meal. Babalik na ako sa table ko." Paalam ko at pilit na binabalewala ang sakit sa aking dibdib.
"I'm sorry."
"Wala kang dapat ihingi ng tawad." Sabi ko sakanya at ngumiti. Nakatingin lamang ito sa kawalan.
"I'm sorry for what Hestia did. Alam kong masakit, sana ay kayanin mo."
"Oo naman!"
Lie. Gusto ko ng maiyak pero I keep on making myself believe that I'm fine.
----------
Isang linggo na din ang makalipas matapos yung usapan namin ni Hera sa opisina niya. Sa isang linggong iyon, walang oras na hindi ko naiisip si Hestia. Sobrang miss ko na siya, kulang na lang ay sundan ko ito sa America upang mayakap ko siya.
Every night I try my hardest to fall asleep as quickly as possible pero hindi ko magawa dahil sa sakit na nadarama. Literal na parang hihimatayin ako sa sakit. Ganito pala ang pakiramdam ng break up.
So this is a feeling of being broken and can't do anything about it.
Akala ko sobrang oa lang ng mga taong umiiyak dahil sa pag ibig. Akala ko lang pala. This is so difficult. Napakahirap.
Inside that week, all I did was to keep myself busy with work, then eat, and sleep. Yan lang ang naging cycle ng buhay ko.
"Lunch time." Narinig kong sambit ni Sabine sa tabi ko. Itinigil ko na ang ginagawa ko at nag stretch.
"Hindi ko namalayan ang oras." I said as I yawn.
"Halata nga." she giggled.
Sabine and I became close. We're always together maliban pag lunch time na dahil si Hera ang lagi kong kasabay.
And oh, there are rumors that Hera and I are dating and Hera haven't said a word for that issue to shutdown. Ilang beses ko na itong sinabihan ngunit para siyang bingi, o talagang trip niya akong bwesitin.
"Kitakits na lang mamaya." Paalam ni Sabine saka umalis na. Tumango lang ako sakanya.
"Talaga ngang ginawa mo ng career ang pagiging nanay ko." Bungad ko kay Hera.
Nakahanda na ang kakainin namin sa mesa habang siya'y tahimik na nag hihintay sa akin. Umupo ako sa harap niya.
"Pasalamat ka nga at inaalala kita." Sabi naman niya saka kinuha ang phone and texted someone.
Hinayaan ko lang siya at nag umpisa ng kumain. Ito na ang naging routine ko. Napaka boring. Hindi sapat para kalimutan si Hestia. Kamusta na kaya ito?
"I'm going at Rien's on friday. Wanna come?" Tanong niya.
"No, thank you." I declined.
"I missed the part where I must tell you, you don't have a choice but to say yes." Sabi niya.
I knitted my brows together and looked at her suspiciously.
"I have work, Hera. You can't just pull me and drag me anywhere." Sabi ko sakanya.
"Actually, I have all that right. I am your boss."
Umirap ako, "Ayaw kong uminom." Pauna ko dito. Natawa lamang siya.
"Who says about drinking?"
"I know the likes of you. Lasinggero ka eh." Sabi ko.
"The almighty young business tycoon— Hestia Dela Frontera has been spotted with CEO Lance Montreal in a fancy restaurant in New York. The two were spotted eating peacefully while—"
Hera turned the TV off. Tumingin ako sakanya.
"Don't believe everything you see in TV." Saad niya. "Say something."
I could see worry in her face as she talks to me about something. I can see her lips moving but I couldn't hear everything. And then my eyes got blurry.
"Gosh, come here." Iyon ang nagpabalik sa ulirat ko. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit sa akin ni Hera at tahasang hinila ako upang yakapin ako.
That's when I burst out crying. I didn't even notice it. Ang sakit.
"Hold on, Cloud. You'll get through this." Hera said in trying to comfort me. Hinahaplos pa nito ang likod ko upang maibsan ang bigat na nadarama ko.
Hikbi lamang ang mga sumbat ko sa mga sinasabi niya. I'm trying very hard to stop myself from crying pero pilit kumakawala ang luha sa aking mata.
"I'm fine." I said between heavy breaths. "You can let go of me now."
Ngunit hindi ako binitiwan ni Hera. She just stood there and hugged me until I calmed down. Nang masiguro niyang tapos na akong umiyak ay saka lamang siya kumawala sa pagkakayakap niya sa akin.
Bumalik siya sa pwesto niya kanina.
"You should probably take some rest, Cloud." Suhestyon niya. Umiling ako.
"Tempting but I'm okay. Ayokong mag mukmok." Ngiti ko.
"It's probably a business meeting." Sabi niya. Nagets ko naman agad kung anong ibig sabihin nito.
"Probably. Sorry for crying."
"It's fine. You needed someone to vent out to."
"Yes. Naipon lamang yung emosyon sa dibdib ko and seeing her on TV is the trigger point." Pag explain ko.
"Go home. Bumalik ka na lang bukas."
————
"Oy! Ulap!" Rien rushed to me and hugged me. "Napadalaw ka?" Tanong nito.
"Binibisita ko yung asawa mo. Namimiss ko si ma'am eh." Pabirong sabi ko sakanya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na crush na crush ko si miss Vera and she's cool with it.
"Tumigil ka, magkaka-anak na kami." Natatawang sabi niya.
She guided me to sit down on the couch. Nanonood ito ng cartoons, natawa ako.
The great goody two shoes Andrienne Dela Frontera is a baby at heart. Napangiti ako, at least someone out here is happy.
"I heard from Hera that you have a girl in her company na ha." She bumped my shoulder, teasing me.
"What girl?" Tanong ko. And then I remembered Sabine. Eh siya lang naman ang kakilala ko doon maliban kay Hera. "Oh! You mean Sabine?" Sabi ko sakanya.
Ngumisi siya, "So meron nga." She concluded.
"Nah, she's just a friend." Tanggi ko.
"I saw her photo. She's beautiful ha, boto ako sa inyo." Sabi niya sabay thumbs up pa.
Tinignan ko lang siya, "Sabine is a friend." Ulit ko.
Nagkibit balikat lamang siya saka nilantakan yunh popcorn na nasa mesa.
"Hestia is not dating Lance, Cloud. The media just speculated things." Bigla ay salita nito.
I think something just lifted our of my chest dahil nakahinga ako ng maluwag. Maybe it's the indirect assurance of Rien.
"Your sister broke up with me. Hindi mo kailangan mag explain." Sabi ko.
"I care about your feelings and telling you the truth is the least I could do to make you feel okay."
"Salamat." Buong puso kong pasasalamat sakanya.
Paglabas ko kanina sa building ni Hera ay dito na ako dumiretso. I just miss this place.
"Can I go to our room?" Tanong ko referring to the room Hestia and I use whenever we're here.
"Of course! You're always welcome naman."
Tumayo na ako saka umakyat upstairs kung saan ang kwarto ni Hestia.
Pagpasok ko doon ay sinalubong ako ng amoy niya. I inhaled deeply.
Wala namang nagbago sa kwartong ito, baka ay hindi na nahaharap ni Hestia ang mag lagi dito dahil sa sobrang hectic ng schedule niya.
Lumapit ako sa bedside table and saw our picture together. Kinuha ko ang frame saka ininspeksyon iyon. Walang alikabok, the maids must be cleaning this regularly.
Tumitig ako sa larawang iyon. Kuha ito sa Vegas, in our house.
I was leaning on Hestia's shoulder, closed eyes as my arms wrapped around Hestia's torso. Hestia's hand rested on my arms as she kissed the side of my head.
We looked so happy.
"I guess you don't need this anymore." Kinuha ko yung photo sa frame saka nilapag iyon sa mesa ng nakataob. I put the picture on my pocket.
I opened the drawer, nandun pa iyong packs of condoms na hindi gamit. Namula ang mukha ko sa mga naalala ko. Agad na isinirado ko ang drawer saka nagbukas ng isa pa.
Dito ko nga pala nilagay iyong simpleng note na bigay ni Hestia sa akin.
In case you fell out of love... Please, remember the time you bumped into me was the time I let you inside my heart. Before you choose to leave me, remember how you love me from the very start.
My tears fell.
"Sayo dapat to. You fell out of love." Bulong ko.
I neatly folded the note and put it on my wallet. She doesn't need this anymore and besides, I don't think she'll notice dahil hindi naman na iyon importante.
I wiped the tears on my face saka nagpatuloy.
Natawa ako sa sunod kong nakita sa drawer ni Hestia. It might be gross to someone but Hestia cherished this.
This is a ripped piece of the sheet we used when we first did it. There was a blood stain on it.
She told me, "The proof that I love you so that I willingly shed blood for you."
Pero bakit hindi tumagal iyong pagmamahal na yan?
I kept it again on my pocket. Just like the two things: She doesn't need this anymore.
Umupo ako sa bed saka humiga. Hinayaan ko na ang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata.
Sobrang miss na miss na kita. Your warm hugs, your sweet kisses, your smiles and your giggles.
Why did we end up like this?
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa kama na iyon. Nagising ako ng mag a-alas otso na ng gabi. Agad na bumangon ako saka balak na sanang umalis ng may maalala ako.
Kinuha ko yung sheets sa kama saka dinala ko downstairs where their laundry area is located. Naabutan ko si Rien sa labas at nanonood.
"Oh gising ka na pala. Have some dinner." Sabi niya nang malingonan niya ako. Her eyes drifted to the sheets I was holding. "What's that?" Inosenteng tanong niya sakin.
"Our bed sheets. Ipapalaba ko lang, dumikit kasi ang amoy ko dito eh." Explain ko.
Hestia was addicted to my scent to the point she didn't want to change sheets dahil baka mawala daw ang amoy kong nakadikit roon. At alam na alam niya ang amoy ko. In fact, she told me she could tell if I'm near her because of my scent.
So I'm doing her a favor of removing my smell on the sheets.
"Oh, okay. Just leave it here so you can eat." Turo niya sa sofa sa tabi niya.
"Di na kailangan. Ihahatid ko na lang sa Laundry Area." Sabi ko saka iniwan na siya doon.
Naabutan ko si manang Esme doon at may isinasalang na mga damit sa washing machine.
"Manang." Tawag ko dito, napaigtad ito sa gulat kaya natawa ako.
"Jusko namang bata ka. Papatayin mo ako sa nerbyos!" I laughed.
"Ipa-palaba ko lang po sana ito." Tukoy ko sa hawak ko, kumunot ang noo niya saka tinignan ang hawak ko ng mabuti.
"San mo nakuha ito?" She asked.
"Ugh, sa kwarto ni Hestia."
"Hay naku kang bata ka! Ibalik mo iyan! Masisisante ako ni ma'am." Sabi niya.
Nagulohan naman ako, "Ho? Bakit ho?" Tanong ko.
"Kabilin bilinan niya bago siya umalis na wag na wag papakialaman ang kwarto niya. Kaya nga puro walis at punas lang nagagawa namin doon."
"Eh manang, sige na." pilit ko pa din.
Bumalik na siya sa paglalagay ng mga damit sa machine.
"Hindi nga pwede."
"Sabihin niyong ipinag utos ko." Pilit ko pa.
"Napakulit mo talagang bata ka. Hindi nga pwedeng labhan ang mga gamit niya doon."
"Bakit nga po?"
"Hindi niya sinabi ang dahilan."
"Lagi po ba siya dito sa mansion?" Tanong ko na lang.
"Oo naman. Gabi gabi siyang dito natutulog. Nagtataka nga kami't bakit hindi ka niya kasama."
Natigilan ako. So she didn't tell them yet, huh. Napakamot ako sa batok ko.
"Eh hiwalay na po kami manang eh."
Gulat na napalingon ito sa akin at di makapaniwalang tinitigan ako. I chuckled.
"Bakit? Aba'y hindi pwede iyon. Wag mo akong pinagloloko ha. Mahal na mahal ka ni ma'am Hestia."
My heart skipped a beat at that. If only that's still true.
"Ay naku manang. Nakakasakit ka na ng loob ah." I feigned hurt, "Kailan ka ba maniniwala sa akin?"
"O sya sya. Amin na yan at lalabhan ko na."
"Yes! Salamat manang!"
"Oy Rien! Aalis nako ha?" Agad na paalam ko kay Rien at umalis na.
Third's Person's POV:
"Dumating na pala ang napaka ganda kong pinsan." Nilapitan ni Hera si Hestia sabay yakap dito, ganon na rin si Rien.
Nasa mansion sila ngayon at kasalukuyang nag hahanda dahil may night out sila ngayon kasama ang barkada.
"Hestia my dear sister! Tagal nating hindi nagkita ah?" Ngingiti ngiting turan ni Rien. "Isang buwan! Kamusta naman?"
Hindi man lang ngumiti si Hestia dito, bagkus ay umirap lamang siya.
"Fine. Where are you going?" Tanong niya ng mapansin na abala ang dalawa sa pag gayak. "Iiwan mo asawa mo?" Tanong pa niya.
"Nandito si Miss Alison, tsaka madaming maid. Ngayon na nga lang niya ako pinayagang lumabas eh." Rason ni Rien.
"Of course. Your wife is pregnant, that means you have responsibilities now."
Nag salute si Rien, "Ma'am, yes ma'am!"
Hestia rolled her eyes at her sister's antics.
"Rien! Nandun na daw sila." Pinakita ni Hera ang phone nito kay Rien pagkatapos ay dali daling kumuha ng jacket si Rien.
"Mag pahinga ka na. May night out kami eh." Rien informed her sister saka naglakad na para umalis.
Hindi pa man nakakalayo ay dinig ni Hestia ang sinabi ng kapatid.
"Wow, ang ganda naman pala ng chics ni Ulap."
Napalingon si Hestia sa papaalis na kapatid ngunit wala na ito sa paningin.
What did she say? Chics? Sisiw?
Nasa isip isip niya.
Babae.
She clenched her fist without knowing. Hindi niya mawari ngunit naiinis siya sa narinig.
She shouldn't be feeling like this anymore dahil wala na itong nararamdaman para sa taong iyon. Isang buwan na ang nakakalipas at ni minsan ay hindi ito sumagi sa isip niya.
Pumanhik na lamang siya sa kwarto upang magpahinga. Pagbukas ng pinto ay natigilan ulit siya.
Something changed.
Luminga linga siya sa loob ng kwarto at inisip kung ano ang nagbago dito.
Caron Poivre.
"Manang Esme!" Sigaw na tawag niya sa katulong.
Umahon ang inis sa kanyang dibdib. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nun ang kanina pang hinihintay.
"Ma-ma'am." Yuko ng may edad ng katulong. Batid kasi nito ang pagka disgusto sa magandang mukha ng amo.
Hestia crossed her arms against her chest as she stares down at the poor maid.
"The smell changed."
Napa "huh?" na lamang ang katulong sa sinabi ng amo. Hindi kasi nito maintindihan ang ibig sabihin nito.
"This room's smell changed. Did you wash the sheets?"
Pilit na pinakalma ni Hestia ang boses. She never yelled at anyone before. Yes she admits of being a b***h but not this kind of b***h who maked everyone's life miserable.
She's a professional b***h.
"Ah, o-opo ma'am."
"What!" Dumagundong ang boses ni Hestia sa buong silid. Napaatras si Esme.
"Utos p-po ni Cloud, ma'am."
Her jaw clenched.
She can't sleep here. The smell's gone. Tila naging estranghero sakanya ang sariling kwarto.
Nagmamadaling lumapit si Hestia sa bedside table nang may maalala ito. She tucked some lose strands behind her hair and opened the drawer.
The letter's gone.