Hestia's POV:
(The night after the break up. Thought it makes sense to add this scene.)
Bumalik ako ng mansion dahil tinawagan ako ni Alison at may importante raw kaming pag uusapan. Kasalukuyan kaming nasa pool area ng mansion, kasama ko si Vera habang hinihintay si Alison.
"I'm gonna commend Cloud's tolerance level of pain ha." Biglang salita ni Alison sa likod ko while Vera sits on a lounger dahil sa pagod nito sa byahe.
Kumunot naman ang noo ko sa binanggit ni Alison. I looked at her,
"What do you mean?" I asked.
"Well," Alison sat beside Vera's lounger, "I heard you broke up with her earlier." She casually said and started to put lotion on her skin. Gabing gabi na eh saka pa nila naisipang mag swimming.
Sabagay, we didn't get the chance to swim when we were at the beach due to some conflicts.
"Kanino mo naman narinig ang balitang yan?" I asked despite the obvious shock I have on my face. I never told any of my friends about the break up yet.
Did Cloud tell them?
"No, she didn't tell me." Alison chuckled, reading the obvious question on my mind. "I told you, I heard it."
Parang wala namang pakialam si Vera sa usapan naming dalawa at prenteng nakahiga lang ito at nakapikit habang himas himas ang lumulubo na nitong tyan. Malapit lapit na din naman ang due nito
"You were snooping?" I accused.
"Guilty."
"f**k you."
"Aubrey's been doing a great job in that matter. So, no thank you." Alison chuckled again.
Napaismid naman ako sa narinig. But there's something I wanted to know about what she said.
"Can we go back to what you said earlier?" I asked again, referring to what Alison told a while ago.
Alison smiled, "If someone is broken, they tend to get away with it with an outlet."
"Outlet?"
"Yes, something or someone they can vent onto. Or better yet, they tend to vanish and self destruct."
"People do that?" I asked, genuinely confused.
"You must have forgotten Andrei, huh." Alison reminded. At the mention of Vera's wife, Vera looked at the both of us, confused.
"What is it?" She asked.
"Remember when she thought Vera and her ex boyfriend got back together? She freaking vanished."
There was an 'oh' in my lips as I started to understand her point, while Vera rolled her eyes remembering how stupid that was.
"Just get to your point." Naiiritang utos ko as I felt like I was being talked around the bush.
"I'm saying, she must be madly, deeply in love with you to be still around after you broke her heart with no apparent reason."
No apparent reason? Is falling out of love not a valid reason enough?
"We just broke up earlier. What are you talking about?" Naguguluhang tanong ko.
Alison laid down the lounger and closed her eyes. There was a quiet moment and the only sound you can hear is the sound of crickets and peaceful evening breeze.
Hindi naman gaanong kalamig ngayon. I crossed my arms against my chest.
"Oh, forgot to mention, before she went home earlier. She told us she's going to win you back."
My forehead creased, "She said that?" Tumango lamang si Alison, "At dahil lang dun, bilib ka na sakanya?" Tuya ko.
This time, siya naman ang napa-kunot ang noo, "Why do I sense some irritation, Hestia? Are you mad at her?"
Umiling ako, "No." simpleng sagot. I really don't know what I feel.
"You broke up with Cloud?" Vera finally spoke.
I rolled her eyes. I don't want to hear it over and over again.
"I did." I said and sat down, finally resting my feet.
"Is there any reason to that?" Vera again asked.
"Yes." I said, putting some lotion over my exposed skin as I was only wearing a bikini. "I fell out of love." Walang ganang sagot ko.
"Tough love for Cloud." Vera commented while Alison snickered.
"Tough love." Sunod nito sa sinabi ni Vera.
"Can you two shut up?" I said irritatingly. It will be unfair to Cloud if I stayed in our relationship knowing my feelings has faded. I refused to be the bad guy here. Just because I fell out of love doesn't mean I'm automatically projected as the wrong one here.
I'm just saving her for future heartbreak because I know, I can never make her happy with me. Masasaktan at masasaktan ko lamang siya. So I decided to cut ties with her.
Just then Vera's phone buzzed against the table indicating a notification. She picked it up and read the message from her wife.
"Oh. They're planning to go to a bar later. Lalasingin si Cloud." She said, informing us. "They must've known about the break up by now." Vera chuckled.
"Cloud don't drink." I said without even knowing I did.
"Well, she will." Sagot naman ni Alison. "They must have forced her, knowing how much of a party person Hera is." Dagdag pa nito.
"Her alcohol tolerance is next to none." Sagot ko naman nang maalala ko ang nangyari sa Vegas.
"I'm sure she'll get used to it. Kasama naman niya ang asawa ko at sila Hera. They can be trusted." Sagot ni Vera, "But I'm going to tell them to postpone it since they're all tired."
"Ginawa nilang excuse ang pagiging broken ni Cloud para makapag party." Alison concluded as she giggled and Vera nodded.
"Yeah. It's been awhile since I let Andrei drink in a bar. Hera must be behind this."
"Let them be. They deserve to have fun. I'll text Aubrey to behave, though. Marami pa naman ang nahu-humaling sa babaeng yun." Alison chuckled but I know deep down, she wanted to choke everyone who tries their way with her girl.
"I trust Andrei." Sagot ni Vera.
"What bar ba?" I asked.
Vera shrugged, "I don't know dahil wala namang sinabi si Andrei na lugar."
"They can do whatever they want." I said with finality in my tone. Wala naman akong pakialam kung anong gagawin ng mga ito. Malalaki na sila at kaya na nila ang sarili nila.
Besides, I can trust my little sister to be responsible with them. Andrienne's a responsible drinker, isa pa ay buntis ang asawa nito and for sure hindi niya iiwanan ang asawa na mag isa ng matagal.
I think I need a cold bath upang mawala ang nag uumpisang init sa aking ulo because of an unknown reason, hoping it will clear my mind.
Tumayo ako and stood at the edge of the pool. I dive down as I felt my body getting enveloped by the cold water. Bago pa man tuluyang lumubog ang katawan ko ay dinig ko ang mga salitang namutawi sa bibig ng kaibigan ko.
"I hope you won't regret this, Hestia."
------------------
Present time (A month later)
Cloud's POV:
"Oyy! Tagal niyo. Kanina pa kaming nandito!" Pasigaw na salubong ko kina Rien at Hera na kararating lang dito sa bar.
We shake hands and hugged tapos ay nagsi-upuan na kami. Nagkalat ang naubos na naming mga beer sa ilalim ng mesa.
Yes, I do drink now. Ikaw ba naman, lagi mong kasama si Hera matututo ka talagang uminom. Maybe it's safe to say that I am a professional drinker now. Note on the word professional, I only drink when I'm needed. And they need me everytime.
"Biglang dumating si Hestia eh." Sagot ni Rien sakin. Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan na iyon.
Isang buwan na din mula ng huling makita ko siya at matapos ang relasyon namin. I always visit their mansion, though. Her father don't seem to have moved on from our relationship. Lagi akong pinapatawag sa mansion and since Rien and Hera are always with me, halos maubos namin ang mga alak ni Miss Vera sa mini bar na pinagawa ni Rien.
"Pangalan pa lang ang nabamggit, tulala ka na." natatawang tukso ni Aubrey sakin na agad ko namang kinatawa.
"Won't deny that." Sagot ko nalang sabay kamot sa batok ko.
"Mag move on ka na kasi." Hera said.
"Ang hirap. Ikaw ba naman makatikim ng dyosa, makaka move on ka?" Biro ko.
Rien throws a piece of chips on me kaya napahagikgik ako.
"Where's the chic you're talking about, Hera?" Tanong ni Rien at nag umpisa na ding uminom.
"What chic?" Tanong ko, "Don't tell me you're still looking for other girls, Hera? Malilintikan ka sakin." Banta ko sakanya dahil alam ko ang namamagitan sakanila ng kaibigan ko.
Hera just laughed at me, "We're talking about Sabine, dude."
"What about her?" Tanong ko.
"Yeah, what about her?" Segundo naman ni Aubrey kahit wala naman itong kaalam alam eh nakikisingit sa usapan. Parang tanga.
"I told them na nililigawan mo si Sabine." Tawa niya.
"Gago ka ba? Sabine and I are just friends!" Di makapaniwalang sambit ko sakanya. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang likaw ng utak ng ugok na to eh.
"Don't worry. Sinabi ko lang yun para marinig ni Hestia bago kami umalis kanina sa mansion."
Natahimik ako. I want to know her reaction to it pero ayaw kong umasa. I know it doesn't really matter to her.
"I want to meet her." Biglang sabi ni Aubrey,
"Bakit?" Tanong ko.
"Ako din. I want to meet her." Singit ni Rien. Kumunot ang noo ko.
"Tumigil nga kayo."
"Bakit hindi mo yayain sa sunod?" Suhestyon ni Aubrey.
Rien snapped her fingers and clapped her hands as if napaka bright idea ng suggestion ni Aubrey. Napairap na lang ako.
"Yes! Next friday, right? Hera?"
"Sure!"
"God help me." Sabi ko nalang saka napahilamos sa mukha ko.
Fast forward (Friday Night)
"And who is this beautiful young lady?" Biglang sumulpot si tito Albert sa garden kung san kami nakatambay ngayon.
"Dad." Bati ni Rien sa ama saka nag mano, sumunod naman kaming lahat.
"God bless you all."
"This is Sabine, dad. Bagong nililigawan ng ating Ulap."
Literal na nanlaki ang mata ko at itatanggi ko sana iyon ngunit tinakpan ni Aubrey ang bunganga ko.
Pota!
"Oh! Galing pumili. Manang mana sa tito." Natatawang puri niya sakin. Sumesenyas ako sakanya na hindi totoo ang sinasabi nila pero wala, parang tanga talaga tong mga Dela Frontera eh!
"Useless lang ang pag palag mo jan. Hayaan mo na." Bulong sakin ni Aubrey. Si Sabine naman ay parang awkward na ngumingiti na lang sa matanda.
Mukhang pati siya ay nagulat sa sinabi ni Rien at gusto ding tumanggi ngunit di magawa dahil sa takot at hiya.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako pumunta pa. Ni hindi ko alam na nandito pala si Sabine. Kagagawan to ni Hera eh.
"Aubrey, let go of Cloud." Utos ni tito ng mapansin ang ginagawa ni Aubrey.
"Tito! Wag kang maniwala sakanila. Hindi toto—"
"Don't worry, Cloud. Alam ko iyan." Natatawang sambit niya. Pinagtawanan naman nila akong lahat dahil don. Puta talaga.
Si Sabine naman ay mukhang nabunotan ng tinik.
"Hi, sir. I'm Sabine Ryu. Lady Hera's employee." Nag bow naman si Sabine kay tito Albert.
Inabot ni tito Albert ang kamay ni Sabine at nakipag shake hands, "No need for formalities, dear. Call me tito as well."
"Okay po ti-tito." Nahihiyang sabi ni Sabine.
"Osya, I'll leave you all here." Lahat kami ay nagpaalam na kay tito pero bago ito umalis ay binilin muna niya si Rien, "Yung asawa mo, Rien. Wag pababayaan." Tumango si Rien sa kanyang ama.
"No worries, dad. This is still my free time tas nandun din naman si Alison." Sabi ni Rien.
Araw araw kasi ay binibigyan ni Vera si Rien ng oras nito upang makapagpahinga naman. Diba? Napaka thoughtful ni Miss Vera. Kaya crush ko siya eh!
"Lady Hera?" Aubrey snickered beside me, saka lang namin napagtanto ang sinabi nito nang punahin iyon ni Aubrey.
"Lady Hera except she has a male part." Tawang tawa si Rien at maluha luha pa ang kanyang mga mata.
"Pag inggit, pikit." Naiinis na turan ni Hera sa pinsan nito.
----------
Maingat kong sinundan ang kotse ni Hestia na ngayon ay papalabas na ng kanyang kompanya. Upang hindi ako mamataan ni Hestia ay ibang motor ang ginamit ko.
I used my sister's old motorbike na ngayon ay naka tingga na lamang sa garahe namin. Sayang naman kung hindi gagamitin.
This is not the route on her house.
Dumiretso lamang sila ng daan at nilampasan ang palikong daan kung san papunta iyon sa mansion.
Lumipas ang halos dalawampu't limang minuto ay pumasok ang kotse nito sa isang bahay. Nagtataka man ay tumigil ako ng halos sampung metro at nag park sa gilid kung san matatakpan ako ng puno sa gilid.
Bumaba si Hestia sa kotse na may dala-dalang paperbags. Kumunot ang noo ko. Ito ba ang bago niyang bahay?
Wala namang nababanggit sa akin si Hera ay Rien tungkol dito. Umalis na ang kotse ni Hestia, ibig sabihin ay dito siya matutulog.
Lumapit ako sa gate upang sumilip sa loob, nagba-bakasakaling may makita ako. The curtains are surprisingly open and I could see a woman inside, kausap nito si Hestia.
Ilang saglit pa ay may sumulpot na isang matangkad at may kapayatan na lalaki. Yumakap ito kay Hestia at nakita ko ang pag halik niya sa pisngi nito.
I saw how Hestia smiled at him.
Binalot ng selos at sakit ang puso ko sa nasasaksihan. Siya ba ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal sakin ni Hestia?
I endured the pain of looking at them. The guy looked unhealthy... Hugo?
Is that Hugo? That must be Hugo.
Matapos silang mag usap saglit ay umakbay ito kay Hestia habang ang huli naman ay inalalayan ang lalaking maglakad. Hanggang sa hindi ko na sila makita pa.
Ouch.
Bagsak ang balikat ma tumalikod ako at tinungo ang motor kung san ito naka park.
Hestia looked so happy talking to him. Hindi tulad pag ako ang kausap niya, wala man lang kangiti ngiti sa mukha. Everytime I approach her ay agad na nakakaalis ito saka ako titignan na para bang hindi ako nito kilala.
Or worse, na para bang balewala ang relasyon namin dati. Maybe she regrets being in a relationship with me.
Wala akong nagawa kundi umuwi na lamang sa bahay. Hindi maalis sa mukha ko ang lungkot na nadarama. Mabuti na lamang at tulog na si ate sa mga oras na iyon dahil gusto kong mapag isa at magpaka lunod sa sariling utak.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko at kasabay non ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata na kanina pa ay pilit kong pinipigilan.
Another night of crying again, Cloud. Isang buwan na. Isang buwan na akong ganito.
Kinabukasan...
"Renzo!" Tawag ko sakanya ng makadating ako sa kompanya ni Hestia.
"Cloudio!" Kumakaway at malawak ang ngiting salubong niya sakin.
Ibinigay ko sakanya ang paper bag na may lamang lunchbox para kay Hestia.
"Meron na bang para sakin" Tanong niya. Tumango lang ako saka ngumiti.
"Ikaw din naman kakain nyang ibibigay ko kay Hestia eh." Pabiro kong sabi kahit na ngayon ay umaasa akong tatanggapin na niya yung lunchbox na bigay ko.
Ilang araw ng ganito ang routine ko. Araw-araw ay hindi ako pumapalyang dalhan siya ng pagkain niya.
Araw-araw din niyang hindi tinatanggap ito kaya ang ending, si Renzo ang kumakain.
"Ayaw mo bang akyatin muna?"
"Wag na. May pasok pa ako eh." Sagot ko na lang. "Osya, alis na ako ha? Salamat ulit Renzo!" Sabi saka tinapik ang balikat niya.
"Text na lang kita mamaya pag nabigay ko na."
"Salamat!"
Pagdating ko sa kompanya ni Hera ay nadatnan ko ito sa table ko at mukhang kanina pa siyang nag hihintay doon. Tahimik naman ang buong paligid at tila takot na maka likha ng kahit kaonting ingay.
Paano ba naman kasi ay nakasimangot ang kumag na ito habang naka halukipkip. Akala mo mamamatay tao ang itsura eh.
Nang makita niya ako ay agad niya akong hinila papasok sa opisina niya. Ni hindi man lang ako nakabati sa mga katrabaho ko. Kumaway na lang ako kay Sabine saka nagpatianod kay Hera.
"Problema mo?" Tanong ko kay Hera ng nasa loob na kami ng opisina niya.
"Hestia called." My heart skipped a beat at tumalon sa saya ang puso ko sa tinuran niya.
Ngumiti ako sakanya, "Talaga? Bakit daw?" Masayang tanong ko pero agad napawi ang ngiti sa aking labi sa sinabi niya.
"Tigilan mo na daw siya at hindi na siya natutuwa. She wants you to move on, Cloud." Malungkot na sabi niya.
Tumuwid ako ng tayo saka inilagay sa bulsa ang kamay ko.
"Ayoko."
Hera sighed, "You know how much I support you and my cousin but maybe it's time to let go, Cloud."
"Ayoko."
"Give her time. Maybe she needs that. Maybe once you stopped chasing her, she'll have time to think and realize."
Seryosong tumingin ako kay Hera.
"Ayoko." Matigas na ulit ko. "Is that all? May trabaho pa akong dapat tapusin."
Hindi ko na hinayaang makasagot pa ito at iniwan siya don. Wala akong pakialam kung boss ko siya. Wala akong pakialam kung tama siya. Basta ayoko.
Ayaw ko muna.
-------------
Ilang araw ko din pinag isipan ang pinag usapan namin ni Hera nung nakaraan. Ilang araw ding nagtalo ang utak at ang puso ko.
"What are you doing here?" Taas ang isang kilay niyang nakatingin sa akin at halata sa ekspresyon nito na ayaw niya akong makita.
Pinilit kong ngumiti. I stared at her beautiful face that never fails to leave me in awe. Napakaganda niya.
"Just wanted to see you. You look gorgeous." Puri ko sakanya.
She rolled her eyes at inalis ang tingin sakin saka binalik ang atensyon sa mga papeles na nasa harap niya. She started working, completely ignoring me as if I don't exist.
Maybe I don't exist.
"I missed you." I said.
Walang reaksyon.
"I planned on following you the day after you left. Kung hindi lang sana ako pinigilan ng kapatid at ng pinsan mo." Patuloy ko pa.
Umupo ako sa sofa sa gilid ng silid at malaya siyang pinagmasdan.
"How are you?" She didn't answer. I sighed, "I love you—"
Bigla itong tumingin sa akin. Nasindak ako sa paraan ng pagkakatitig niya dahil ramdam ko iyong iritasyon at pagka inis.
"Leave."
Napakamot ako sa batok ko saka pinilig ang ulo.
"Can I stay a little longer?" Hirit ko sakanya, magsasalita pa sana ito but I beat her into it. "5 minutes. Promise behave ako then I'll go after." Itinaas ko pa ang isa kong kamay.
Hindi na ito sumagot at ipinagpatuloy na kanyang ang ginagawa.
5 minutes. I'm trying to memorize every corner of her face, baka kasi ay hindi ko na ito mapag mamasdan pa.
4 minutes. Mukhang kailangan kong patatagin ang loob ko sa mga susunod pang mangyayari sa buhay ko.
3 minutes. Iba talaga ang ihip ng hangin sa America. Mas lalo pang gumanda si Hestia, or maybe it's just I love her so much that she's getting more beautiful each time I look at her.
2 minutes. Tingin ko naman ay hindi na ito apektado sa presensya ko. Tingin ko ay masaya naman siyang wala ako. Of course! What do I expect?
1 minute. Well, it's time to go. Mukhang tama nga si Hera. I need to let go.
Tumayo na ako saka pinagpag ang pwet ko saka tahimik na nilisan ang opisina nito. Bawat hakbang ay kay bigat. Pilit na nagtatalo ang puso at isip ko. I want to stay, yet I need to leave. Hestia clearly doesn't want me here.
Pigilan mo naman ako, Hestia. Hiling ko. Isang salita lang mula dito, babalik at babalik agad ako ngunit hanggang sa paglabas sa opisina nito ay wala akong narinig pang salita mula dito.
Sana ay hindi na ako umasa pa.
Pag labas ko ng building ay siya ring paglabas ko sa buhay ni Hestia. Ito na ang pinaka mahirap na desisyong ginawa ko sa tanang buhay ko.
Losing I dearly love is like losing my parents all over again. Ang sakit sakit. Ngunit ang kinaibahan lamang ngayon, no matter how my heart cries, walang luhang lumalabas sa aking mga mata.
I walked towards the parking lot ngunit natigil ako. Dinukot ko mula sa aking bulsa iyong susi ng ducati na bigay sa akin ni Hestia at tinitigan iyon.
"Pano ba yan. Ibabalik na kita sa nagmamay ari sayo." I whispered.
Pumunta ako sa guard post upang tignan si Renzo doon ngunit ibang guard ang narito. Pwede na rin, kilala naman ako nito.
"Good afternoon, Cloud." Bati niya. Ngumit ako saka bumati din sakanya.
"Pakibigay naman to kay Hestia," Pakiusap ko saka ko binigay yung susi sakanya.
Kinuha naman niya iyon at hindi na nagtanong pa. Nag pasalamat ako sakanya saka nag umpisa ng maglakad pa-palabas ng gate.
Nag abang ako ng taxi sa labas.
-----------
Third Person's POV:
"So," Umpisa ni Cloud ng makaupo ito sa tabi ni Sabine.
"Yes?" Sabine giggled.
"I went to Hestia's office earlier." Nawala ang saya sa mukha ni Sabine sa tinuran ng kaibigan, bagkus ay napalitan iyon ng pag aalala.
Humarap siya kay Cloud at marahang hinawakan ang kamay niya in attempt of giving comfort. Natawa si Cloud dahil sa ginawa ng kaibigan.
"Wala eh. Wala na talagang pag asa." One thing Cloud is good at, is making people believe she's okay even if she's not. "I left her office broken saka iniwan ko na din yung ducati don sa parking lot niya." Kwento niya.
Mapupungay ang mga mata ni Sabine habang nakatingin kay Cloud, wari mo ay iiyak na ito.
"Hoy! Okay ka lang?" Natatawang tanong ni Cloud sa kaibigan ng mapansin ang luha sa mga mata.
Sabine wiped the tear in her eyes tapos ay suminghot ito. Natatawa na lamang si Cloud dito.
"Eh kasi broken ka."
Cloud shuffled Sabine's hair while she smiles at her. Inaamin niyang na-touch siya dito.
"Napaka balat sibuyas mo talaga." Sabi na lang niya sa kaibigan.
Hindi namalayan ng dalawang magkaibigan ang pagtitig ng kadarating lang na tao.
Everyone gasped when they saw who it was except for the two people na busy sa pag lalandi.
She ignored them and went straight to Hera's office with a visible scowl on her beautiful face.
"Hestia?" Gulat na turan ni Hera ng makita sa opisina nito si Hestia na prenteng nakaupo sa swivel chair niya at nakaharap sa glass window. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya nang hindi sumagot ang pinsan.
Tumayo si Hestia saka humarap kay Hera.
"Dad wants me to take your signature." Walang kaemo-emosyong turan naman niya pero pagdating sa pinsan ay normal na lang ito.
Ang hindi normal ay ang makita itong nakangiti. At ang huling beses na nakita niya itong nakangiti ay noong magkasintahan pa sila ni Cloud.
"For?" Hera asked.
"Fund for marathon for a cause charity." Simpleng sagot niya.
Tumango naman si Hera saka lumapit sa pinsan, kinuha nito ang papel kung saan nakasulat ang contract at cheque.
Hera knows about that fund. Ginaganap iyon yearly para mag raise ng fund for the orphans. Next month will be for animal welfare naman.
Umupo siya sa swivel chair na kanina ay inuupuan ni Hestia.
"Pwede mo namang utusan yung secretary mong pumunta dito." Sabi ni Hera habang pumipirma. "Nagpagod ka pa."
Hindi sumagot si Hestia. When Hera finished signing, kinuha niya ang folder.
"I didn't know you allow PDAs in your workplace Hera." Masungit na turan niya sa kanyang pinsan.
Hera leaned on her swivel chair as she stared at her cousin. Hestia crunched her nose in disgust,
"This is a firm, not a motel."
Ngumisi si Hera saka tumingin sa labas ng opisina kung saan direkta niyang nakikita si Cloud at Sabine. Her office is designed where you could see outside the glass window pero hindi ka makikita mula sa labas.
Cloud and Sabine is laughing like it's their last day on earth. Parang wala silang kamuwang muwang sa paligid nila.
I wonder what they're laughing about. Sa isip isip ni Hera.
Bumaling ang mata ni Hera sa pinsan nitong kanina pa naiirita. Nagkibit balikat lamang siya.
"I see no PDAs here, Hestia. What are you talking about?" Maang na sabi ni Hera.
Hestia rolled her eyes and said nothing more to her cousin as she turned around and strutted her way outside the office.
Hindi man lang namalayan ni Cloud ang pag daan ng babaeng matagal na niyang sinusundan ng palihim just to make sure she got home safe.