MARIE / MHARIMAR Hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit ko nang makita kong may kahalikang ibang babae si Mayor. Gustong basagin ang mukha ng malanding babae kaya kahit hindi totoo ay sinabi kong girlfriend ako nui Mayor. Bahala na kapag nalaman ni Mayor, itatanggi ko na lang. "Ano ba kasing nakain nitong amo mo at naglasing ng bongga?" inis kong sabi kay Kuya Jhay. "Broken hearted ngani." natatawang sagot ni kuya Jhay. "Sino ba kasi yung babaeng yon sabihin mo sa akin para kakausapin ko ng hindi tayo ang pinapahirapan nito. Ang bigat bigat pa naman, imbes na natutulog na ako nanunundo pa ako ng lasing." reklamo ko kay kuya Jhay. Wala naman siyang ginawa kundi ang tumawa lang ng tumawa. "Ano bang nakakatawa kuya kanina kapa tawa ng tawa." sita ko sa kanya. "Paanong hindi ako mat

