MARIE Nandito ako ngayon sa may garden at nagdidilig ng halaman, maaga pa naman kay ako na ang nag prisintang magdilig. Wala din naman akong ginagawa dito sa bahay ni Mayor. "Marie!" narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako. "Bakit po Mayor, mag kailangan ka po ba?" "Gusto mo bang mag summer job, para kahit paano ay natututo ka nang magpatakbo ng negosyo ninyo?" "Saan po ba ako mag summer job?" "Gusto mo ba sa office?" tanong niya sa akin. "Sa munisipyo po ba?" balik tanong ko. "Hindi, sa company ko, papasok ako doon ng one week baka lang kako gusto mong sumama sa akin para mag OJT. Parang training mo na din kahit one week lang." ani sa akin ni Mayor. Naisip ko na maganda ding opportunity yon para matuto ako, wala din naman akong ginagawa dito sa bahay. Sigur

