MARIE/MHARIMAR
Naglalakad ako papasok ng Funeral Chapel, paglapag pa lang ng paa ko sa lupa pag labas ng sasakyan ay ang bigat na ng loob ko. Nag uunahan ng tumulo ang masaganang luha ko, hindi ko kayang kontrolin ang emosyon kong nag uumpisa nang magwala dahil sa pagkawala ng aking magulang.
Hinawakan ako ni Mayor sa aking balikat at tinapik iyon, "Marie, allow yourself to mourn the loss of your parents. Don’t hold back your tears because crying can help lighten how you feel." narinig ko bulong ni Mayor sa akin. Iginiya niya ako palapot sa puting kabaong na nasa harap na napapalibutan ng mga puting bulaklak. May mga taong matamang tinitignan ako at nagb ubulungan. Ang iba sa knila ay nakikilala ko mga kaibigan at business partner sila nila papa sa negosyo. Ang iba naman ay mga tauhan namin sa aming hacienda. Ang bawat makasalubong ko ay nagpapabot sa akin ng pakikiramay.
Lalong bumuhos ang aking luha ng makalapit ako sa kabaong ng aking mga magulang, gusto kong maglupas ng iyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Mommy......! Daddy........!!!!" malakas kong sigaw "Mommy.....paano na po ako? Bakit niyo po ako iniwan ni Daddy? Nangako ako sa akin na isasama ninyo ako kahit saan kayo pumunta pero bakit ngayon iniwan ninyo ako. Sino pa po makakasama ko sa debut ko? Sino na aakyat sa akin sa stage sa graduation ko?" walang patid na pag iyak ko habang paulit ulit ko silang kinakausap at umaasang isang masamang panaginip lamang ito.
Nilapitan ako ni Mayor at binigyan ng tissue para pamunas sa aking masaganang luha. Hindi ko alam kung kailan ito titigil sa pagdaloy, iba ang sakit kapag magulang mo ang nawala. Parang wala na ding saysay na mabuhay ako, sana sinama na lang nila ako para magkakasama pa din kami.
"Marie, stop crying na hindi matutuwa ang mommy at daddy mo na nakikita ka nilang mahina at umiiyak. You are a strong lady, and I know you will make your parents proud someday." pilit akong napangiti sa sinabi ni Mayor sa akin. Nakakapagpagaan ng pakiramdam ang mga sinasabi niya hindi man tuluyang nawawala ang lungkot pero kahit paano nababawasan na ito.
Ilang araw din namin pinaglamayan ang labi ng mga magulang pero dahil wala na naman kaming hinihintay ay nagdesisyon na akong wag na silang patagalin pa. Gusto ko ng magpahinga sila alam kong pagod na din sila. Iniisip ko pa lang na ililibing ko na sila ay napapaiyak na ako. Parang hindi ko kayang mawala ang mga magulang ko sa tabi. Ang sakit lang na habang buhay ko na silang di makakasama at mamumuhay na akong mag isa simula bukas.
"Marie, kailangan munang magpahinga, umidlip ka muna ako muna ang bahala sa mga bisita. You need to rest, baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Utos ni Mayor.
"Hindi na po mayor, dito lang po ako sa tabi ng mommy at daddy ko. Ngayon ko na lang po ila makakasama bukas ay ihahatid ko na sila sa bago nilang bahay at maiiwan na akong mag isa." humihikbi kong sabi habang ang dalang kamay ko ay pinupunasan ang mga luha kong nag sisimula na namang dumaloy sa aking mga pisngi.
"Don't worry, Marie. I'm here with you. Tito Rayven will take good care of you." napaka gwapo namang tito nito, wala sa sariling nasabi ko. Mabuti na lamang at hindi niya narinig. Tumango na lamang ako at kinabig niya ako papunta sa kanyang dibdib. "Bukas, pag naihatid na natin ang magulang mo sa kanilang resting place pag uusapan naman natin ang iyong paglipat sa bahay ko at ang pagiging guardian ko sayo." Muling sabi ni Tito Mayor.
Umupo ako sa tabi ng kabaong ng mommy at daddy ko habang nakayuko at nakatitig sa kanila.
"Mom, Dad, you can now rest. I will take care of myself, and I promise you that I will fulfill all your dreams for me. I will study hard so that when I graduate, I will be the one to manage all our businesses, including the hacienda that you both love so much." naiiyak kong sabi sa mga magulang ko. Parang hindi ko kayang ihatid sila, sana man lang may naiwan na isa sa kanila para hindi ganun kasakit ngayon ang nararamdaman ko. Pero kahit anong iyak pa ang gawin at pakiusap sa Diyos hindi na babalik ang mga mahal ko sa buhay. Mananatili na lang silang alaala sa akin na babaunin ko habang buhay. "Mom, Dad, please help me get through this. Tulungan po ninyo akong makaya ko ang sakit ng pagkawala ninyo, kung pwede ko lang ipagpalit lahat ng meron ako including my life para lang makasama kayo muli gagawin ko. Mom, Dad, mahal na mahal ko po kayong dalawa. Wala ng maghihintay sa akin, wala ng magagalit sa akin kapag matigas ang ulo ko. I miss you so....so....much Mom, Dad." muli kong sabi habang ang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag iyak. Pinaupo ako ng kasambahay namin at binigyan ng tissue. Yumuko ako sa ibabaw ng kabaong nila at pumikit.
"Marie, anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng mommy mo. Kahit saan ka man mag punta baunin mo ang pagmamahal namin sayo. Hindi mo man kami makakasama na sa ngayon ang pagmamahal namin sayo ay mananatili magpakailanman. Lagi ka namin babantayan mula sa taas at mag che-cheer sa bawat tagumpay na makakamit mo. Mag-iingat ka lagi our baby kapag namimiss mo kami hanapin mo lang kami sa puso mo at matatagpuan mo kami ng mommy mo. Untill we meet again, anak." nakangiting sabi sa akin ni Mommy at Daddy.
"Marie, marie, gising...." narinig ong sabi sa akin ng isang boses, habang habol hininga akong biglang nagdilat ng aking mata.
"Mom, Dad, mayor nandito po sila Mommy nakita ko po sila nandito sila." umiiyak ko na namang sabi.
"Marie, nananaginip ka lang, anjan sila oh nakahiga." sabi sa akin sabay turo sa kabaong na nasa harapan ko.
Kinabig ako ni Mayor papunta sa kanyang dibdib at mahigpit niya akong niyakap.
"Sssshhhhh..... Everything will be alright, we just need to trust God. He has a better plan for you and to your parents. Hindi kaba masaya hindi na sila makakaramdam ng kahit na ano mang uri ng sakit. Sabi sa akin ni Mayor habang ang kamay niya ay humihimas sa aking likod para aluhin ako.
----------------------------------->
Matapos namin maihatid sa kanilang resting place ang mga magulang ko ay umuwi ako sa aming Hacienda. Pag pasok pa lang ng sasakyan sa loob ay nag uumpisa na naman akong maluha. Para kong naririnig ang boses nila Mommy at Daddy na tinatawag ako. "Mom, Dad, I really miss you" bulong ko sa kawalan.
Tahimik akong bumaba ng sasakyan at binati ng mga tauhan namin, ngumiti lang ako sa kanila at agad na pumasok sa kabahayan. Sinalubong ako ni nanay Tasing at sinabing naka handa na ang dining at pwede na akong kumain.
"Nay, magpapahinga na lang po muna ako, wala pa po akong ganang kumain." malungkot kong sabi. Saka ako dumiretso sa hagdan at pumasok sa aking kwarto. Hindi ko maiwasan ang mapaiyak sa tuwing maalala kong ang aking magulang. Sila lang ang tanging nakasama ko at nagmahal sa akin ngayong wala na sila paano na ako. Paano ko papatakbuhin ang lahat ng negosyong naiwan sa akin? Paano ko pasasahurin ang lahat ng empleyado namin? Lalo na ang mga mahihirap na umaasa sa mga magulang ko.
Sa dami kong iniisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising ako dahil sa malalakas na katok na nag mumula sa aking pinto. Pupungas pungas na tumayo ako at naglakad papunt sa pinto para pag buksan kung sino man ang taong nasa labas nito.
"Ma'am, magandang hapon po, pasensya na po kung naistorbo ko ang inyong pagtulog. Pinapatawag po kasi kayo ni Mayor at ni Attorney nasa baba po sila at kailngan daw po nila kayong makausap." sabi sa akin ni Ate Tere.
"Sige po ate, pakisabi po bababa na po ako." inaantok kong sagot.
Naligo at nagbihis lang ako para naman maging maaliwalas ang pakiramdam ko bago ako bumaba. Kahit paano naman ay sinanay ako nila daddy na makipag usap noon sa abogado namin kaya hindi na ako naiilang. Pinagtataka ko lang ay bakit nandirito si Mayor seryoso ba talaga siya na ampunin ako at siya ang maging guardian ko? Malayo pa ako ay nakita ko na si Mayor at Attorney na nakaupo sa living seryoso silang nag uusap kaya hindi man lang nila napansin na parating na ako.
"Good afternoon po, Attorney, Mayor," magalang kong sabi.
Tumayo sila at isinenyas sa akin ang daan papunta sa library kaya tahimik akong sumunod sa kanila. Naupo kami sa iang glass table na sakto lang ang laki. Dito ginaganap ni dati ang mga meetings niya sa mga tauhan niya dito sa hacienda.
"Iha, nandito ako para basahin ang Last Will ng Mommy at Daddy. Since minor ka pa nakalagay dito na ang lahat ng ari - ariang makukuha mo ay pansamantalang pamamahalan ni Mayor Rayven bilang siya ngayon ang tumatayo mong Legal Guardian. Kapag umabot kana sa edad na 25 at nakapagtapos na ng iyong pag aaral saka mo makukuha ang buong karapatan para pamahalaan ang inyong negosyo. Ito ay ibibigay sayo ni mayor nga walang pag aatubili at pag aalinlangan. Pero kalakip nito ang kundisyong sa kanya ka titira hanggang sumapit ka sa edad na 23. Kailangan mong sundin lahat ng gusto ng iyong Guardian at siya ang tatayong magulang mo mula sa araw na ito. Sa kanya ka titira until sumapit ang ika 23 mong kaarawan." paliwanag sa akin ni Attorney.
Gusto kong mag protesta at tumutol sa mga sinasabi niya pero kapag ginawa ko yon ay baka lalo akong mahirapan. Kahit labag sa loob ko dahil parang mawawala ang kalayaan ko ay pikit mata akong sumang ayon sa gustong mangyari nila daddy. Mula bukas sa bahay na ako ni Tito Mayor titira at makakasama ko na araw araw ang hot at sexy na Mayor ng San Isidro..