CHAPTER 2

1141 Words
MAYOR RAYVEN Dahil sa pagkawala ng aking kaibigan ay nagkaroon ako ng isang obligasyon, obligasyon na alagaan ang kanyang kaisa isang anak na babae at tiyaking maibigay ang lahat ng pangangailangan nito. Sa ngayon naka confined pa siya dito sa ospital, hindi ko pa masabi sa kanya ang tungkol sa kanyang magulang dahil wala pa din siyang malay tao. Dahil sa naging abala na ako may mga bagay na kailangan kong isakripisyo. Hindi ko inaasahan na ang kaibigan naming si Harold at ang kasintahan kong si Tina ay dating magkarelasyon o mas tamang sabihin na hanggang ngayon sila pa din. Hindi ko gusto naparang lagi akong nakikipagpaligsahan para lang makuha ko ang pagmamahal ni Tina. Kaya noong kinausap ako ni Harold ay sinabi ko nang kung sino ang pipiliin ay maluwag kong tatanggapin. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko kay Tina pero nakita ko din kung paano nadurog ang puso at pagkatao noong akala niya ay patay na ang kanyang kasintahan na walang iba kundi ang babaeng mahal ko. Nagpaubaya na ako kahit masakit ay tinanggap ko na lang na hindi pa talaga siya ang babaeng nakalaan para sa akin. Ako na ang gumawa ng paraan para muli silang magkalapit ni Harold, habang ako ay tinanggap ko na ang aking bagong responsibilidad na maging guardian ni Marie. "Mayor, ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Jay, ang aking body guard na naging kaibigan ko na din. Siya ang nakakaalam ng lahat ng sikreto ko. Nandito ako ngayon sa bahay na tinirahan ni Tina ng halos isang taon, ang bahay na tanging naging saksi kung gaano ko siya minahal. Masakit pala kahit sabihin na masaya ako para sa kanya, masakit pa din ang maiwan. Ngayon ko mas nararamdaman ang sakit, ngayong wala na siya ng tuluyan sa piling ko. Iiyak lang ako ngayon para bukas tapos na at panibagong araw na ang haharapin ko. "Mayor, tumawag po ang ospital, gising na daw po si Miss Marie." narinig kong muling sabi ni Jay. Pinahid ko ang luha ko at ibinaba ang alak na iniinom ko. "Let's go, Jay; we need to see Marie and check how she is doing." sabi ko sabay tayo at nauna na akong naglakad palabas ng pinto. Problemado ako kung paano ko ba sasabihin sa bata na ang mga magulang niya ay wala na. Na sa akin na siya titira pag labas niya ng ospital, na ako na ang magiging guardian niya. Agad na pinatakbo ni Jay ang sasakyan papuntang Ospital at pagdating namin doon ay nakita kong nagkakagulo sa kwarto ni Marie. "Palabasin 'nyo ako dito! Nasaan ang Mommy at Daddy ko? Dalahin ninyo ako sa kanila!" narinig kong sigaw ni Marie kasabay ng malakas niyang pag iyak. Hindi siya mapigilan ng mga nurse maging ng Doktor na tumitingin sa kanya. "What happened here?" tanong ko sa doctor pag pasok ko sa kwarto niya. "Mayor, nagwawala po kasi at gusto niya makita ang parents niya." sabi ng nurse. Lumapit ako sa kanya at pinilit siyang pakalmahin. "Marie, calm down, hindi makakatulong sayo kung mag wawala ka." ani ko sa kanya. "Where are my parents? I want to see them. Please take me to them." pakiusap niya sa akin habang patuloy pa din ang kanyang pag iyak. "Please, Mayor, I want to see my parents, please." paulit - ulit niyang pakiusap sa akin. Nadudurog ang puso ko na makita ko na ang isang batang kagaya niya ay umiiyak dahil gusto niyang makita ang magulang niya. Hindi ko alam kung paano ko siya pakakalmahin para masabi ko na ang mommy at daddy niya ay kasalukuyang nakaburol ngayon sa isang funeral chapel. Napakahirap para sa na sabihin kay marie na ang pareho niyang magulang ay iniwan na siya. Hindi ko alam kung saan ba ako mag sisimula. "Tahan na, huwag ka nang umiyak? Hindi matutuwa ang mommy at daddy mo na makita ka nilang malungkot." "Mayor, tell me the truth, where are my parents? Please po, gusto ko malaman ang totoo. I promised kakayanin ko kahit gaano pa yan kasakit." matapang na sagot niya sa akin. "M-Marie, forgive me. I'm so sorry to tell you this, but your mom and dad are gone. They didn't survive the injuries they sustained in the accident." nauutal kong sabi, pakiramdam ko ang daming plema ang nakabara sa aking lalamunan habang nag sasalita. "Mayor, gusto ko pong makita ang mga magulang ko. I want to be with them, gusto ko silang makasama kahit sa huling sandali." puro hikbi ang naririnig ko sa kanya kasabay ng pag agos ng masagang luha sa kanyang mga mata. Sa batang edad niya pa lang ay naulila na siya sa kanyang magulang, nakakaramdam ako ng awa sa kanya hindi ko alam kung paano niya kakayanin ang mga susunod na araw na siya na lang mag isa. "I will ask your doctor, if pwede ka ng lumabas at puntahan ang mommy at daddy mo. Stay here, and be a good girl, okay. I will come back." tumangolang sila sa akin saka yumuko at tahimik na umiiyak. Kita ko sa mukha niya na sobra siyang nasasktan. Wala naman ako magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Naglakad na ako palabas ng room niya at kinausap ko ang attending physician niya. Kinumpirma naman sa akin ng doctor na pwede naman siya lumabas. Puro minor scratches at bruises lang naman ang natamo niya. Agad akong bumalik sa kwarto niya at inabutan ko siya na natutulog na. Tumabi ako sa tabi niya at marahan kong hinaplos ang buhok niya. "Marie, pangako aalgaan kita at hindi ko hahayaan na masaktan ka. Ako na ang bagong guardian mo kaya gagawin ko ang lahat para maging masaya ka." mahina kong bulong sa kanya habang ingat na ingat akong magising ko siya. Dahil sa kanya nawala ang tama ng alak sa akin, gusto kong maligo at magpahinga na din dito na ako magpapalipas ng gabi para bukas ng umaga ay maaga kong maasikaso ang bill ni Marie para makalabas na siya at makasama ang magulang niya sa huling sandali. "Mayor, mayor, gising na po." narinig kong tawag sa akin, umaga na pala at sa sobrang pagod ko kagabi ay di ko na namalayan ang oras. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si Jay. "Jay, bumili ka nga ng makakain natin at dalahin mo dito." utos ko. "Mayor, makakalabas na po ba ako ngayon? Gusto ko na po makita sina mommy at daddy." bakas na naman sa mukha niya ang lungkot kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Sabi ng doktor mo pwede kana daw lumabas, aayusin ko lang mamaya ang bills mo at iba pang kailagan para mabigyan kana ng clearance. Siya nga pala pag nailibing na ang mommy at daddy mo sasama kana sa akin at simula ngayon ako na ang magiging guardian mo. Sa akin kana titira at ako na ang magiging pamilya mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD