MARIE
Pagbaba ko ng kotse ay agad akong sinalubong ni Zhel.
"Marie, sino yung naghatid sayo?" tanong niya habang papalapit siya kay Marie.
"Hulaan mo?" pilya niya ding sagot.
"O..m..g!" namimilog ang matang sabi ni Zhel. "My God friend, si- si Mayor ba 'yon?" kinikilig na tanong ni Zhel.
"Tumpak, plakak, korak!" sagot ni Marie habang ang kamay niya ay kinukumpas kumpas niya pa sa hangin.
"So, totoo nga? Na si Mayor na ang bago mong guardian ngayon?" hindi pa din makapaniwala na tanong ni Zhel kay Marie.
"Trukuk ka jan! Sya na nga at wala ng iba?" malakas na tawa ni Marie, kaya pati si Zhel ay nahawa na din sa kanyang kaibigan.
Magkasama ng pumasok ang magkaibigan sa loob ng room nila. Bigla na lang nagtilian ang mga kaklase nila ng makita na siya sa may pinto.
"Marie, mabuti naman pumasok kana? Condolences nga pala sa pagkawala ng parents mo!" sabi si Icy, ang bakla kong kaklase. Bigla akog nalungkot dahil sa sinabi niya. Bigla ko naalala ang mga magulang ko. "Aw, sorry! Marie, napaka insensitive ko." nahihiya na sabi ni Icy,
"No, it's okay!" ani ko kasabay ng isang pilit na ngiti. Hindi naman nila kasalanan na maging malungkot ako, nagkataon lang na binati niya ako at wala naman masama doon. "Ano ba kayo, okay lang ako, huwag kayong mag alala." nakangiti ko nga sabi. Ayaw ko na pati sila malungkot ng dahil lang sa akin. "Cheer up! Ako yung nawalan ng magulang pero bakit kayo ang malungkot." pinasaya ko na ang boses ko dahil pag hindi ko ginawa baka bigla na lang ako umiyak dito na parang baka. Nakakasira ng ganda ang pag iyak.
"Good morning, class!" narinig naming sabi ni Miss Santos. Bigla kaming umupo sa kanya - kanya naming upuan at biglang tumahimik ang buong class. Bata pa naman si Miss Santos tingin ko nga ay kaedaran lang siya ni Mayor, pero ang kasungitan niya daig pa ang menopause.
Nag start na siyang mag discuss sa lesson namin at ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanya. Kahit naman minsan pasaway ako pero pag dating sa pag aaral ko ay seryoso ako. Consitent honor student ako at kahit kailan ay wala pa akong binagsak na subject ko. Kahit madalas ipatawag noon si mommy at daddy dito sa school mga maliliit na bagay lang naman yon.
Natapos ang klase sa amin ni Miss Santos na puro seatwork lang ang pinagawa. Narinig namin na tumunog na ang bell kaya mabilis akong nagligpit ng gamit ko.
"Miss Mercurio, please stay here! I have something to tell you," seryososyong sabi ni Miss Santos sa akin.
Nagpaalam na ang mga kaklase ko sa akin, sabi ko hintayin na lang nila ako sa canteen at iorderan na din nila ako ng pagkain babayaran ko na lang sila.
"Bakit po Miss Santos? May nagawa po ba akong kasalanan?" kinakabahan kong tanong.
"Don’t be nervous, Marie. I just have a question for you. Is it true that the mayor is now your new guardian?" Miss Santos asked with a smile.
"Bingo! Sabi ko na 'yon ang itatanong niya kaya niya ako pinaiwan dito sa classroom." sabi ko sa isip ko. "Yes, Miss Santos! May I ask? why are you asking po?" pilyang tanong ko sa kanya.
"Wala naman! Gusto ko lang sanang humingi ng favor sayo. Pwede mo ba akong tulungan na mapalapit kay Mayor kahit ipakilala mo lang kami." She said it in such a kind voice.
"Nakakain ba ng panis na kanin to si Miss Santos? Sobrang bait yata ngayon ng tono ng boses niya". Habang pinagtatawanan ko siya sa isip ko ay kita ko pa sa mata niya na parang nakikiusap sa akin. Pero dahil binigyan niya ako ng hindi fair na grade noong last grading period, kailangan gumanti din ako.
"I will try my very best, Miss Santos. But I’m not making any promises because the Mayor can be a bit grumpy with me. We’re not close yet." I said to him with a smile. Nagpaalam na ako sa kanya na susundan ko na ang mga kaklase ko pero bago ako lumabas ay nakita ko pa siya sa gilid ng mata ko na tumaas ang kanyang kilay. "Attitude si anteh mo, hindi lang napagbigyan sa wish nagtaas na ng kilay, bahala ka jang mangisay" inis kong sabi sa sarili ko.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako papunta sa canteen, pag pasok ko sa pinto ay agad akong kinawayan ni Gerald. Nagtilian ang lahat ng mga nasa canteen, alam kasi nila na matagal ng nanliligaw sa akin si gerald pero hindi ko pa sinasagot. Lumapit ako sa mga kaibigan ko at umupo sa tabi ni Zhel, lumapit naman sa akin si Gerald at umupo din sa tabi ko.
"Marie, pwede ka bang manood mamaya ng laro namin sa volley?" hindi agad ako sumagot, nakita ko sa mukha niya na umaasa na panoorin ko siya sa game nila mamaya.
"Pwede bang pag isipan ko muna," pabiro kong sagot sa kanya. Mabait naman si Gerald at never naman siyang nag take advantage sa akin maski noon pa. Tiwala sa kanya si daddy kaya pag siya ang kasama ko ay pinapayagan niya agad ako.
"Okay! Pero mas magiging magaling ako kung makakapanood ka sana." may halong lungkot na sabi niya.
"Uyy.... Bakit ka sad? To naman masyadong seryoso, sige na manonood ako mamaya pero pag matagal matapos hindi ko na siya matatapos. Ayos lang ba yon?" tanong ko kay Gerald.
"Walang problema! Ang mahalaga sa akin ay nanonood ka, pero mas magiging happy ako kung manonood ka hanggang dulo syempre." parang kinikilig niya pang sabi.
Narinig na namin ang bell, eksakto naman na tapos na akong kumain sabay sabay na kaming tumayo at bumalik sa room namin.
"Gurl, ano nga pala ang sinabi sayo ni Miss terror kanina?" Tanong ni Icy.
"Meron pa bang ibang itatanong yon? Syempre alam muna, kailangan pa bang imemorize yarn," sabay sabay kaming nagtawanan na mag kakaibigan.
Bago mag lunch break ay narinig kong pinatawag ang pangalan ko sa gate. Nagpaalam naman ako sa teacher ko bago lumabas ng room at pumunta sa gate. Nakita ko si Kuya jay, na nakatayo katabi ng guard kaya kumaway ako sa kanya.
"Kuya, may problema po ba? Bakit ka po nandito?"
"Inutusan kasi ako ni Mayor, Miss Marie, na ihatid ito sayo. Baka daw po kasi hindi kayo kumain ng lunch kaya pinaorder niya na lang ako at pinahatid dito." sabi ni kuya Jay.
"Naku nakakahiya naman po, kuya, meron naman pong canteen dito sa school kaya may kakainan naman po ako." nahihiya kong sabi. Nag effort pa talaga siyang bumili ng pagkain ko. Ang sweet naman pala ni Mayor, maswerte talaga ang makakatuluyan niya. Gwapo na, mabait pa, total package na talaga siya. Sinabihan ko si Kuya Jay, na sabihin kay Mayor na huwag na akong ipasundo dahil manunood ako ng game ng varsity mamayang hapon.
Pag sapit ng alas singko ay uwian na namin, niligpit ko na ang mga gamit ko at inilagay sa locker ang mga books at notebook na hindi ko kailangang iuwi.
"Zhel, manonood ka ba ng laro ng volleyball?"
"Baka hindi eh, kailangan kong umuwi at may pinapagawa sa akin si Mama. Alam muna kailangan kong mag deliver ng mga tinahiyang damit para may pambaon ako bukas." sagot niya. Hindi naman kasi mayaman sila Zhel, naka scholar lang siya kaya nakakapag aral siya dito sa University. Matalino si Zhel minsan nga lang bumababa ang grades niya kapag may mga project siyang hindi nagagawa. Kaya bilang kaibigan niya kapag alam kong kapos siya ay ako na nabili ng project niya para naman hindi bumaba ang mga grades niya.
"Icy, ikaw manonood kaba?" tanong ko.
"Naku girl, hindi ako pwede ngayon alam mo naman ang pudang ko pauwi pag nalaman niyang late ako nakauwi yari na naman ang beauty ko." pabiro niyang sabi.
"Okay sige, next time na lang. Ako, na lang muna ang manonood, naka oo na kasi ako kay Gerald, nakakahiya naman kung di ako pupunta." nakangiti kong sabi sa mga kaibigan ko.
"Oh, siya, mauna na kami nito ni Bading. Ingat ka Marie, huwag ka ng magpapagabi delikado na sa daan ngayon." paalala ni Zhel sa akin.
Dumiretso na ako sa volleyball court, malayo pa ako ay dinig ko na ang mga hiyawan ng mga nanonood na estudyante. Pag pasok ko ay agad akong sinalubong ni Gerald at pinaupo sa harap.
"Akala ko hindi kana pupunta?" sabi niya.
"Pwede ba naman yon, diba umoo na ako sayo." nakangiti ko namang sagot. Nagpaalam na siya sa akin dahil mag uumpisa na ang laro nila.
"Goodluck! Galingan mo." nakangiting sabi ko sa kanya. Kinindatan niya naman ako kaya ang mga babae sa likuran ko na nakakita ay nagtilian na naman.
Dahil sa ganda ng laban ay hindi ko namalayan ang oras na gabi na pala. Mag aalas otso na ng matapos ang game nila Gerald, masayang masaya ang lahat dahil panalo ang team nila. Magkasama kaming lumabas ng auditorium at naglakad papunta sa gate.
Bigla akong kinabahan ng makita ko ang galit na mukha ni Mayor...............