CHAPTER 7

1214 Words
MARIE/MHARIMAR Araw ng Lunes, maaga akong gumising para pumasok sa university. Grade 12 na ako ngayon, at ilang buwan na lang ay gagraduate na rin ako. Alas otso ang pasok ko, kaya alas sais pa lang ay gising na ako para maligo. Mabagal akong kumilos, kaya naglalaan talaga ako ng oras para hindi ako nagmamadali. Pagkatapos kong magdasal, uminom agad ako ng isang basong tubig. Ang sabi ng mga kaklase ko, mainam daw ito para sa katawan, kaya sinunod ko naman. Alas sais y medya ng matapos akong maligo, nakatapis lang ako ng tuwalya nang lumabas sa banyo. Pagtingin ko, nakahanda na ang uniform ko sa aking kama. Hindi ako marunong magplantsa, kaya nakisuyo ako kay Manang Fe kagabi na baka pwede niyang plantsahin ang uniform ko. Napangiti ako dahil napakabait sa akin ni Manang Fe, para siyang si Nanay Tasing. Namiss ko tuloy bigla ang mga kasambahay namin sa hacienda pero ang turing ko sa kanila ay kapamilya na. "Tok...tok...tok...." dinig ko habang nag bibihis ako. "Sino po yan?" malakas kong sigaw. "Marie, Iha, pinapatawag kana ni Mayor at mag aalmusal na daw kayo." malakas din na sigaw ni Manang. "Sige po Manang, susunod na nagbibihis lang po." ani ko. Mabilis na akong kumilos, ayaw kong pag hintayin ng matagal si Mayor baka mainis na naman sa akin. Hindi ko pa nakakalimutan ung ginawa niyang pag buhat sa akin habang nakapanty. Mabuti na nga lang at mabango ang flower ko at di amoy bagoong. Natatawa tuloy ako habang binabalikan ko ang nangyari kahapon. Sumunod na din agad ako kay Manang sa may dining at nakita ko na si Mayor na humihigop ng kape. "Good morning! Mayor," bati ko sa kanya. Tumingala naman siya sa akin at bumati din. "Good morning! Eat your breakfast before going to school. Anong oras ang labas mo mamaya at ipapasundo kita sa driver?" muli niyang tanong. "Ah, Mayor huwag 'nyo na po ako ipasundo, kaya ko naman po umuwi mag isa." Nakangiti kong sabi. "No! Ipapasundo kita at baka kung saan - saan ka na naman pumunta." maawtoridad niyang sabi. Nagkibit balikat lang ako at ininom ang chocolate drinks ko saka ko kinain ang sandwich, ilang kagat lang ang ginawa ko saka ako tumayo at nagpaalam na. "Are you done? Ang konti pa lang ng nakain mo?" nagtatakang tanong niya. " Akala ko po kasi almusal, di naman ako na inform na misa pala ni Father. Ang aga pa Mayor sagana na ako sa sermon sayo." paang aasar ko sa kanya. "Marie, learn to respect me!" may gigil na sabi niya. "Luh, binastos po ba kita Mayor? Ang galang ko nga po sayo, alam mo po gwapo ka sana ang init lang lagi ng ulo mo." pang aasar ko. "Bye! Mayor see you later!" paalam ko sa kanya. Umakyatb na ako sa aking silid para mag toothbrush, nang matapos ako ay inayoas ko na ang aking sarili at ng makuntento na ako ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng aking silid. Pag bukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makasalutong ko si mayor na nakabihis na din, "ang bilis niya naman mag bihis" sabi ng isip ko. Hindi ko na siya pinansin at diretso na akong bumaba ng hagdan, palabas na lang ako ng pinto ng tawagin ako ni Manang. "Marie, iha!" malakas na tawag ni Manang, lumingon ako para tignan siya. "Iha, kunin mo tong sandwich, para may kainin ka mamaya kung sakaling magutom ka sa school mo." malambing na sabi sa akin ni Manang. "Thank you po, Manang, your so sweet naman po. Sana po lahat sweet, hindi yung umaga pa lang muka ng biyernes santo ang mukha." nakangiti kong sabi sabay tingin kay Mayor na nasa likuran ko na. "Tara, ihahatid na kita sa school mo?" aya sa akin ni Mayor. Napatingin na lng ako sa kamay niya ng hawakan niya ako sa aking kamay at hinila papunta sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok, yumuko pa siya at kinabahan ako dahil akala ko ikikiss niya ako pero nakahinga na lang ako ng kinuha niya ang seatbelt at ikinabit sa akin. Kahit kinakabahan ay hindi ako nagpahalata sa kanya. "Thank you po, Mayor." pasasalamat ko sa kanya. Isinara niya na ang pinto at umikot siya papunta sa driver seat. Habang lulan kami ng kotse niya ay napakatahimik at para akong nabibingi kaya ako na ang unang nagsalita. "Mayor, can I ask you something?" "Go on, just ask anything you want." seryoso niyang sagot habang ang mga mata niya ay nakating ng diretso sa kalsada. "Bakit po wala ka pang asawa? May girlfriend na po ba kau?" may pagka taklesa kong tanong. Narinig kong parang nahirinan si Mayor kaya medyo kinabahan ako. "Mayor, okay lang po ba kayo? Ito po, inom po muna kayo ng tubig?" sabay abot ko sa kanya ng isang bottled water. "Bakit mo ba kasi natanong yan?" hindi ko alam kung naiinis na siya sa akin. "Nagpaalam naman po ako sa inyo, kung pwede magtanong at umoo naman po kayo." Katwiran ko pa. "Next question, huwag mong pag-initan ang love life ko." seryoso niyang sabi. "Kasi nga po, Mayor, madaming may crush sayo sa university namin kapag nalaman nila na ikaw na ang guardian ko tiyak na kukulitin nila ako." paliwanag ko sa kanya. Bigla ko naman naisip na pwede kong gamitin si mayor sa masungit kong teacher sa math para hindi niya na ako pahirapan pa. "Mayor, naiisip mo ba ang naiisip ko?" pangit ngiti kong sabi. "Hindi, ano ba yon?" "Pwede kitang gamitin kay Miss Santos para hindi niya na ako pahirapan sa subject niya. Malaki ang pagkakagusto sayo noon, balita balita yon sa campus. Tyak na kapag sinabi ko sa kanya na sa bahay muna ako nakatira ay magiging mabait siya sa akin." tumatawa ko pang sabi. "May balak ka pang ibugaw ako sa teacher mo?" seryoso niyang sabi, "Hindi naman sa ganun, Mayor, gagamitin lang kita para bumait siya sa akin. Masyado kasi siyang masungit at lagi akong pinag iinitan kahit wala akong ginagawa sa kanya." "Baka nama kasi sobrang bully mo? Ang sabi sa akin noon ng daddy mo ay lagi daw sila pinapatawag sa school dahil madalas may binubully ka?" "Mayor, that was before pero hindi na ngayon mabait na nga po ako. Pwede na nga ako magka jowa eh." seryosong sabi ko sa kanya. "Huwag mo munang isipin yang pag jojowa mo, ang isipin mo muna ay ang makatapos ka ng pag aaral mo. Madaling magka boyfriend kapag naka graduate kana at matured kana." pangaral sa akin ni Mayor. "Kung madali po pala ang mag ka jowa kapag nakatapos na? Eh bakit po ikaw wala pang asawa o kahit man lang jowa? Balik tanong ko sa kanya. Bigla siyang prumeno ng malakas at muntik na akong napahalik sa front glass ng kotse niya sa sobrang lakas ng preno niya. "Pikon ka, Mayor! Nagtatanong lang naman ako? Practice what you preach, Mayor." sabi ko sa kanya habang malakas akong tumatawa sabay baba ng kotse niya. Hindi ko pa agad isinira at gusto ko pa siyang asarin. "Mayor, huwag masyado kakain ng sariwang karne baka atakehin ka po mahirap na." pang aasar ko pa sa kanya bago ako nag paalam at tuluyan ng isinara ang pinto ng kanyang Kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD