AUGUST 11 NAKASAMBAKOL NA ANG mukha ni Sara. “Ang tagal mo naman, eh!” tungayaw nito. Nakaupo ito sa isang gilid sa lobby habang kararating ko lang mula sa pagkuha ng midterm. “Ang bagal-bagal. Mangangako tapos hindi tutuparin. Aasa na naman ba ako?” anito na nanunukso na lang. Tumayo na ito at inihagis ang sariling bag. Ako ang nagbitbit ng bag namin palabas ng school at pasakay ng jeep hanggang makarating sa bahay ni Kaye. Malakas ang loob kong ihatid siya sa kanila sa pagbabaka-sakaling maabutan ko si Kaye. Hindi pwede si Cielo dahil pumasok ito sa trabaho nito. Hindi na rin ako tumatanggap ng tabaco mula sa kanya. Tinawagan niya ako kanina at pinakiusapan kung pwede kong ihatid si Sara sa tinutuluyan nito. Pumayag ako agad dahil tumining sa isip ko ang pangalan ng babaeng sinaktan

