August 13 KAGABI AY TINURUAN ako ni Evan mag-ukulele. Madali lang pala. Sumasablay lang ako kapag sinasabayan ko na ng kanta. Nagpuyat ako sa kakatugtog dahil wala namang pasok kinabukasan. Ngayong araw ay ni-record ko ang dalawang kantang ibinigay sa akin ni Evan. Ang ‘La Vie En Rose’ at ‘Can’t Help Falling In Love’. Ni-record ko siya sa cassette tape. May maliit akong tape player kaya naisipan kong mag-back to basic. Dumaan lang ako saglit sa dorm para ipahatid ang tape at ang cassette player. Anniversary ng store ngayon at kailangan kami lahat sa morning shift. Kahapon ay naihanda na namin ang mga dekorasyon na ididikit pati playlist na patutugtugin. May mga binago kaming ayos sa bookstore para lalong lumaki ang pwesto kung sakaling dagsain ng tao ngayon. Naabutan kong nakadikit na an

