NOT DATED MABILIS ANG TAKBO ng mga araw. Hindi ko na matandaan kung kailan nangyari ang isang nararapat na pahina para sa kwentong iyon. Ginawa ko lahat ng pinapagawa ni Evan. Nang magsulat ako ng maikling liham para kay Kaye ay nakatanggap ako ng tawag mula sa huli. Muli ay humihingi ng paunmanhin dahil hindi nito gustong saktan ako ngunit tinapat niya ako, sa pangatlong pagkakataon. Na may iba na siyang gusto. Marupok ako. Alam na alam at kabisado ko na ang bagay na iyon pero isinasawalang-bahala ko. Nang muli kong marinig iyon ay nanghina na naman ako. Katulad ko ay hindi rin sumuko si Evan. Isinunod niya ang pangatlong plano para sa panliligaw ko kay Kaye. Oplan portrait. Noong mga bata kami ay ako ang mahilig magsayang ng papel at lapis, kahit pader ay pinatulan ko na, para lamang

