JULY 30 BALI-BALITA ANG kumakalat na anonymous letter sa pamantasan. Noong una ay walang nakaaalam kung ano ang buong detalye ng laman ng liham. Ipinadala ito sa opisina ng presidente. Narinig ko ang balita sa unang klase ko. Lumipas ang dalawang oras at may makikita nang mesa sa lobby. Nakapatong sa mesa ang dalawang bungkos ng papel, iisa ang laman, napapatungan ng paperweight upang hindi liparin. Malayang kumukuha ang mga estudyanteng interesado sa nakasulat sa papel. Kumuha ako at saglit na tiningnan ang laman. “Sabi ko naman sa ‘yo,” bulong ko sa kawalan. “Huling semestre mo na ‘to.” 21:04 Nasa bahay ako ni Sara at itutuloy na namin ang panonood ng pelikula. Kakaibang mga titig ang ibinabato sa akin ng mga magulang ni Sara. Kilala na nila ako dahil naging kami nga dati ni Sara, per

