Chapter 24

1506 Words

AUGUST 7 MAY BAKANTE AKONG tatlumpung minuto. Nagpunta na ako sa puno ng santol at naupo. Tinawagan ko ang numbero ni Kaye. Nagsimula nang mag-ring. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Kinakabahan ako na baka pumalya na naman ako. Pinutol ko ang linya at huminga ng malalim. Nagulat ako nang tumunog ang cell phone ko. Tinitigan ko ang pangalan ng tumatawag. Nagmamadaling pinindot ang answer button. “K-kaye.” I stammered. “Kumusta na?” Dalawang segundo. “Hi, Ed! Mabuti naman,” magiliw nitong sabi. Wala akong maapuhap na salita. Nagkalambong ang aking mga mata at naramdaman ko ang bikig sa lalamunan ko. “Ikaw?” patuloy nito.  Mapait akong ngumiti kahit na walang nakakakita sa akin. “Miss na kita,” gumaralgal na ang boses ko. Dapat masaya ako pero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD