August 6 MAAGA PA LANG AY bumangon na ako. Pero mas nauna pa palang bumangon sina Cielo at Sara. Nakaligo na sila at gigisingin na sana ako para ako naman ang maligo. Recycle lahat. Halo-halo na amoy ng damit ko. Usok, pagkain, pawis. Hindi ko na ginamit iyong brief ko. Buti may boxer shorts ako. Kaya init na init ako banda sa baba dahil doble ang suot ko. Ngayon ay napakinabangan ko ang paggamit ng sabay ng dalawa. Hindi na kami nagpaabala sa mga magulang ni Helen, at pati kay Helen mismo, at umalis na kami agad. Sinamahan naming mag-withdraw ng pera si Sara sa ATM malapit sa dorm ni Cielo. Umakyat na kami sa dorm pagkatapos. Wala naman daw naghahanap kay Cielo ayon sa guwardya. Tulog pa si Domeng at muli kaming nagpahinga. Malayo ang dorm ni Cielo sa lugar namin kaya hindi kami dito d

