Chapter 22

2164 Words

AUGUST 5 HINARANG AKO NI Walrus sa daan. Tiningnan ko lang siya at hinintay na magsalita. “You should feel infinite your whole life,” anito. Nagtataka man ay tumango na lang ako. Bitbit ko ang isang kahon ng libro na isasama ko sa inventory. Hindi pa rin tumitinag sa pagkakatayo si Walrus na gusto pa yatang laliman ko ang pag-iisip sa binitawan niyang linya kahit na may bitbit akong kahon. Kinuha nito ang kahon mula sa bisig ko at sinenyasan akong maglakad. Sabay kaming pumasok sa storage area. “Naalala mo iyong interview mo sa akin?” tanong nito. Tumango ako pero wala doon ang isip ko. Inilista ko ang may-akda at titulo ng libro. Pumitik si Walrus sa ere. “Iyon ang gusto kong sabihin doon sa interview. Dala mo na ba?” si Walrus. D-in-ouble check ko kung tama ang bilang ng libro.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD