JULY 20 BREAKTIME DITO SA trabaho ko. Putsa, wala akong makain. Nakain ko na no’ng nag-lunch ako sa school. Nasaan iyong utak ko nang ubusin ko iyong baon ko? Hindi naman ako makagastos sa labas dahil ganoon na lang kamahal ang mga presyo ng kainan dito. Kung pwede lang humiling ng instant Kapehan ni Tonti, ginawa ko na. Nawala sa isip ko na daig pa ng Metro Manila ang pagiging centralized ng lugar dito. Puro pa-kwadradong building na may taas ng pito o higit pang palapag ang nasa palibot ng book/music store. Magkakatabi ang bilihan ng damit, kainan, grocery store, mall, at park. Nakaligtaan ko na wala pala ako sa isang siyudad na kada kanto ay may karendiria. Minsan nagtataka na lang ako sa sarili ko kung ano pa ang pwede kong gawin na mas may ikatatanga pa. Ito tuloy ang inabot ko. Yo

