Literal na tulala at nanginginig ang buo niyang katawan habang nakaupo sa upuan kahoy sa tapat ng nakasarang pintuan. Kasulukuyan ginagamot ng asawa ni Zei na si Adeline ang kasintahan niya. Isang magandang babae na hindi rin tumatanda kahit na hindi naman itong lobo. Gusto niyang makita ang dalaga pero pinagbawalan siya ng mga ito. May ritwal na dapat gawin para magamot ang prinsesa na hindi niya dapat makita iyun at iyun din ang utos ng dating panginoon na si Zei. "Huwag kayo mag-aalala,gagaling din po ang prinsesa,magtiwala lang kayo kay ina.." pukaw sa kanya ng isang batang lalaki,ang isa sa kambal na kapatid ni Valerie. Tuliro na tumango siya rito. Isang oras na pero hindi pa rin bumubukas ang pintuan. "Heto,inumin mo para kumalma ka kanina ka pa nanginginig," si Valerie. Nakabal

