Agad na nagmulat ng mga mata si Mia-Ashly at agad na namulatan niya ang gwapong mukha ng kanyang ama. "Ama?!!"bulalas niya at mabilis na niyakap ng mahigpit ang ama na mahinang tumawa sa inakto niyang iyun. "Ama..nandito kayo.." usal niya na punong ng pangungulila sa ama. Puno ng pagmamahal na hinaplos nito ang buhok niya. "Oo naman..pinag-alala mo ako,mahal kong prinsesa..nag-aalala din sayo ang iyong ina pero hindi naman siya pwede sumama sakin rito kaya...bumalik ka na sa mundong-Colai," malambing nitong tugon sa kanya. Agad na naalala niya ang kasintahan. "Si Axel Jax?" "Ang lalaking itinakda sayo.." anang ng ama. Tumango siya. "Nakilala niyo na siya,ama? Gusto ko siya makita," aniya. Masuyong hinaplos ng ama niya ang kanyang pisngi. "Anak,nasa mundong-Colai siya ngayon.." Nat

