ZOEY Umuwi ako sa condo namin ni Raydin na nakainom. Ngunit ilang shot lang iyon at hindi naman ako gaano kalasing. Nasa Business trip si Raydin. Pagkatapos kong magpa-check up ay umalis ito. Ngunit kabilin-bilinan niya sa akin na huwag ako umalis ng condo at hintayin ko lang siya. Ngunit pagpasok ko pa lang sa unit namin ay nagulat ako ng mabungaran ko sa living area ang asawa ko. Titig na titig ito sa akin. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Akala ko sa sunod na araw pa siya uuwi. ''Raydin?'' banggit ko sa pangalan niya. ''Saan ka galing?'' malamig niyang tanong sa akin. ''Ahmmm... Nagkita lang kami ni Clara,'' wika ko sa kaniya. ''Akala ko ba masama pa ang pakiramdam mo? Zoey, mahirap ba intindihin na huwag kang umalis na wala kang kasama? Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha?

