Zoey Hindi ko na matandaan ang nangyari sa akin matapos kong lumusong sa dagat. Pero kung iyon ang dahilan para makuha ko ang atensyon ng asawa ko marahil ay kahit araw-arawin ko pang lunurin ang sarili ko dagat. Hindi ko akalain na sa paggising ko ay may nakahanda ng pagakain sa mesa at si Raydin ang nag-prepare at siya rin ang nagluto. Nang matikman ko ang luto niya ay napapikit ako sa sarap. ''Ang sarap mo talaga magluto, Raydin,'' wika ko sa kaniya. ''Mas masarap kumain kapag kasalo ka,'' aniya na siyang nagpakilig sa akin. Napapaisip ako sa pagbabago niya dahil halos durugin niya na ang braso ko noong kararating lang namin sa resort. ''Ano ba ang nanagyari?'' tanong ko sa kaniya. ''Halos isang linggo kang tulala at hindi makausap ng maayos,'' sagot niya sa akin. ''Talaga? Wa

