bc

My Hit and Run Happiness (FREE)- Finished

book_age16+
21
FOLLOW
1K
READ
family
HE
friends to lovers
heir/heiress
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Halos mabaliw si Lyn Siega ng nalaman niyang tinangay ng kaibigan niyang si Marlou ang milyong-milyong pera na na-invest niya sa company nito. Kaya naman halos lahat ng lugar na alam niyang pupuntahan nito ay pinuntahan niya hanggang sa maligaw siya sa isang liblib na resort sa Badian, Cebu. Ang Paradise Resort na pagmamay-ari ni Makki Quijano na unang kita pa lang niya sa binata ay parang gusto na niyang ikulong ang sarili niya sa maiinit na yakap nito.

Nasa binata ang lahat ng impormasyon na kailangan niya para makita at makuha niya ang pera niya sa kaibigan kaya lahat ng gusto nitong kundisyon ay tinatanggap niya. Wala sa mga kundisyon ni Makki ang mahalin niya ito pero bakit nahulog na yata ang damdamin niya sa binata? Mukhang sa una pa lang, siya na agad ang dehado dahil una niyang minahal ito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAGMAMADALING inilagay ni Lyn ang mga damit niya sa maleta. Wala na siyang pakialam kung anong klaseng damit ang nailalagay niya. Isa lang ang nasa isipan niya ng mga sandaling iyon. Kailangan niyang umalis ng bahay nila sa lalong madaling panahon. Kakatawag lang sa kanya ng Mommy niya at sinabi nito na pauwi na daw ang Daddy niya. Nalaman na kasi ng Daddy niya ang nagawa niyang malaking kasalanan dito. Sino ba naman kasi ang hindi manggagalaiti sa galit dahil sa ginawa niya? Napalugi lang naman niya ang four million pesos na pera ng Daddy niya sa isang investment scam. Kaya nga ng nalaman ni Lyn na alam na nito ang naging kasalanan niya ay wala na siyang inaksayang panahon at agad siyang nag-empake ng mga damit niya. Alam niyang hindi makukuha sa sorry ang Daddy niya. Kahit nga lumuhod pa siya ng isang linggo sa harap nito ay alam niyang hindi siya nito mapapatawad hanggat hindi niya naibabalik ang limang milyon na naipalugi niya sa isang investment. Nang tumunog ang cellphone niya at nalaman na ang Mommy niya ulit ang tumatawag ay agad niyang sinagot ang tawag nito. “Mommy, I’m dead!” wika niya sa kabilang linya habang patuloy na nag-e-empake ng mga damit. “Umalis ka na ngayon din, anak. Malapit na ang Daddy mo!” sagot ng Mommy niya sa kabilang linya. “Magkasunod lang ang sasakyan namin at nasa gate na kami ng subdivision.” Pagkarinig niyon ay lalong kumabog ng husto ang dibdib niya. Kahit hindi pa siya tapos mag-empake ay isinara na niya ang malaking maleta niya. Kailangan na niyang umalis agad dahil alam niyang wala pang dalawang minuto ay nasa bahay na nila ang Daddy niya at hindi siya nito dapat maabutan. “I’m leaving, Mommy.” wika niya dito na parang maiiyak na. Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya ang bagay na iyon. “I’m also using your credit card, Mom. Padala ka din ng pera.” ani niya habang nagmamadaling lumabas ng kwarto. Sagad-sagad na din kasi ang limit niya sa credit card at halos wala na din siyang perang hawak sa bangko. Kaya nga ilang araw na din siyang nanatilli lang sa bahay nila at naghihintay ng magandang balita tungkol sa pera nila. “Magpapadala agad ako ng pera sayo. Take care, Okay? Saka ka nalang umuwi ng bahay kapag hindi na mainit ang ulo ng Daddy mo.” Sa sinabi nito ay napabuntong-hininga si Lyn. Alam niyang hindi mawawala ang galit sa kanya ng Daddy niya hanggat hindi niya naibabalik dito ang perang nawala nito. At hinding-hindi siya makakabalik ng bahay “I will, Mom. Bye.” wika niya sabay putol ng tawag nito. Malapit na siya sa pintuan ng bahay nila ng makita niya mula sa bintana ang sasakyan ng Daddy niya. “Damn!” mura niya sabay takbo sa kitchen nila. Hindi na siya pwedeng lumabas gamit ang main door nila dahil makikita siya ng Daddy niya at alam niyang katapusan na niya kapag nangyari iyon. Kaya naman minabuti nalang niyang dumaan sa may pintuan ng kitchen nila. May maliit iyon gate palabas ng bahay na ginagamit ng mga katulong nila. “Shit.” she cursed habang nakalabas na siya ng bahay nila. “My car.” inis na wika niya habang tinatanaw ang gate nila. Alam niyang hindi na niya magagawang balikan ang kotse niya dahil kapag kinuha pa niya iyon ay mahuhuli na siya ng Daddy niya. Kaya kahit mabigat sa loob niya ay kumaripas siya ng takbo habang dala-dala ang maleta niya. Kailangan niyang makaalis muna ng subdivision nila para makahinga siya ng maluwag. Halos ten minutes nang lakad-takbo ang ginagawa ni Lyn ng may nakita siyang taxi na agad naman niyang pinara. Kahit kelan ang malas mo talaga, Lyn Siega! tuya niya sa isipan niya. Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya ang kamalasang iyon. Ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng isang successful business na pwede niyang maipagmalaki sa buong pamilya niya. Business Administration in Marketing Management ang natapos niyang course sa De La Salle University. Hindi na nakapagtatakang iyon ang kinuha niyang course dahil iyon ang gusto ng Daddy niya. Para daw habang maaga pa ay makatulong na siya sa pagpapalago ng mga business nila. And she passed it with flying colors. Kaya nga ng alukin siya ni Marlou Quijano na maging isa sa business partners nito sa negosyo nitong RTWs at mga local shoes ay hindi agad siya nagdalawang-isip na hindian ito. Bukod pa sa kaibigan niya ang lalaki at naging classmate niya noong nasa college pa silang pareho. According to Marlou ay halos dalawang taon na daw ang factory nito ng RTWs at local shoes na naka-base sa Marikina. Malakas naman daw ang bentahan ng products nito pero mas mapapalaki pa daw ang business kung mag-i-invest daw silang dalawa ni Frishian. Si Frishian ay ang bestfriend niya. Maging ito din ay naloko ni Marlou sa ginawa nitong kasinungalingan sa kanilang dalawa. She invested five million pesos while Frishian is invested three million pesos. Binigyan naman sila ng assurance ni Marlou na makukuha agad nila ang nabitawang pera in two to three years at mas doble pa nga daw. Ilang beses na din silang pumunta at nag-inspect sa factory nito bago sila mag-decide na mag-invest ng pera. Kailangan muna nilang masiguro ni Frishian na hindi mauuwi sa pagkalugi ang perang bibitawan nila dahil malaking halaga ang pinag-uusapan. Nang masiguro nilang legit at productive ang company ni Marlou ay agad silang nag-invest ng perang napag-usapan. Documented naman ang papeles sa pagitan nilang tatlo. Last two weeks ay Okay pa naman ang company nito hanggang sa magulat nalang silang wala ng pumapasok na trabahante sa kumpanya. Halos lahat ng trabahador ay isang buwan ng hindi pinapasahod kaya nag-desisyon nalang ang mga ito na hindi pumasok at ang iba ay nagreklamo sa labor. Simula ng pangyayaring iyon ay hindi na din nila ma-contact si Marlou. At hanggang ngayon ay ni anino nito ay hindi na nila nakita. Sarado na ang factory nito at wala ni isa mang tauhan ang nandoon. At walang duda na tangay-tangay din ng lalaki ang malaking pera na nakuha nito sa kanilang dalawa ni Frishian. Marahas siyang napabuntong-hininga. Hanggang ngayon ay mahirap isipin para sa part niya na naloko siya ng sarili niyang kaibigan at nawalan ng pera. Ang four million pesos kasi na na-invest niya ay galing sa bulsa ng Daddy niya at ang natitira ay bulsa niya galing. At ang mas malala pa ay hindi alam ng Daddy niya ang bagay na iyon. Hindi nito alam na palihim siyang pinahiram ng Mommy niya ng malaking pera. Alam niya kasing hindi siya nito bibigyan ng ganoong kalaking halaga dahil wala itong tiwala sa kanya pagdating sa negosyo. Sawa na daw itong mawalan ng pera dahil sa mga failures niya sa business na itinatayo niya. Twenty-seven years old na daw siya pero wala pa siyang business na naipalago. Masakit man isipin pero tama ang Daddy niya. Ilang beses na siyang pumasok sa iba’t-ibang klase ng business ventures pero kahit isa man sa mga iyon ay walang nagtagumpay. Mas may tiwala talaga ito sa nakakatandang kapatid niyang si Albert. Magaling kasi sa larangan ng negosyo ang kuya niya at halos lahat ng business na nahahawakan nito ay lumalago ng husto. Na talaga namang kinakatuwa ng Daddy nila. Paboritong-paborito nito ang Kuya niya na labis niyang kinaki-frustrate ng todo. Ginagawa lang naman niya ang bagay na iyon para matuwa naman ito sa kanya. Kaya nga ng alukin siya ni Marlou ng mag-invest sa business nito ay laking tuwa niya. At naglalaro na sa isipan niya kung paano magiging proud ang Daddy niya dahil sa achievements niya sa business. Hindi niya akalain na magiging bangungot lang pala ang lahat. One week later pagkatapos nilang malaman na naloko lang silang dalawa ni Frishian ay nalaman ng Daddy niya ang tungkol sa perang ibinigay sa kanya ng palihim ng Mommy niya. Kaya nga agad-agad na umuwi ito sa bahay nila ng malaman ang buong katotohanan. Mabuti nalang talaga at tinawagan siya ng Mommy niya kaya nakapaghanda siya ng mga gamit niya kahit na papaano. Muli napabuntong-hininga si Lyn. Wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang mga nangyari. Pero hindi siya makakapayag na kakalimutan nalang niya ang lahat. Kailangan niyang makuha ulit ang pera na ninakaw ni Marlou at wala siyang pakialam kahit habulin man niya ito sa buong parte ng Pilipinas. Napakuyom siya ng kamao dahil sa nararamdaman niya. Kung pwede nga lang niyang ipakulam ang walanghiyang Marlou na iyon ay ginawa niya. Nag-aalala lang siya nab aka biglang mamatay agad ito sa kulam at hindi na niya mabawi ang pera niya. Ilang saglit lang ay tinawagan na niya si Frishian na katulad niya ay problemado din sa nangyayari. “Any good news?” agad niyang tanong pagkasagot nito ng tawag niya. Isang mahabang buntong-hininga muna ang isinagot nito sa kanya. At halatang wala pa din silang good news na natatanggap. Ito na kasi ang pinag-asikaso niya para sa legal na paraan laban kay Marlou. “Walang good news. Lahat bad news. Kasing sama ng hitsura ng hinayupak na Marlou Quijano na yan.” gigil na sabi ni Frishian sa kanya. “Na-file na tayo ng affidavit sa prosecutor office at magbibigay na sila ng subpoena. Paano naman matatanggap ng hinayupak ang subpoena kung nagtatago na?” Mahigpit niyang kinuyom ang kamao niya. “May araw din yang si Marlou. Lintik lang ang walang ganti sa ginawa niyang panloloko satin. Tatanggalan ko siya ng buhok sa buong katawan at pati buhok sa singit niya wala akong palalagpasin!” sigaw niya sa kaibigan. Patingin-tingin ang driver ng taxi sa kanya dahil siguro ay galit siya ng mga oras na iyon. “Yikes! Kadiri ka!” sagot naman ni Frishian sa kanya. “Saka mo nalang gawin yang morbid plan mo kapag nakuha mo na sa kanya ang pera natin.” “Nalaman mo asa kung saan ang bahay niya sa Cebu?” Pinuntahan na kasi nilang dalawa ni Frishian ang lahat ng alam nilang posibleng puntahan ni Marlou sa Metro Manila. Pero nabigo sila. Buti nalang at naalala ni Frishian na tubong Cebu pala ang lalaki at may bahay ito sa probinsya. Ang kailangan lang nilang gawin ay alamin ang address ng lalaking sa Cebu. “Oo, nakuha ko ito sa mutual friend natin sa kanya. May resort ang pamilya nila sa Badian, Cebu. Paradise Resort ang pangalan. I will send it the full details thru text. Pupunta ka ba agad ngayon ng Cebu?” tanong nito sa kanya. Tumango-tango siya. “Oo, diretso na akong airport ngayon. Kailangan ko na siyang mahanap agad dahil hindi na ako pwedeng umuwi. Nalaman na ni Daddy ang kamalasang nangyari satin kaya wala akong choice kundi umalis ng bahay. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.” ani niya sa kaibigan. Narinig niya ang buntong-hininga nito. “Bakit kasi hindi mo muna pakiusapan ang Daddy mo? Hindi naman siguro dapat umabot sa paglalayas mo ang naging problema natin.” Umiling siya. “Hindi mo alam kung paano magalit ang Daddy ko, Frish. Lalo na kapag usaping pera. I lost his money. Malaking dahilan iyon para itakwil na niya ako bilang anak.” Ilang saglit itong hindi nakapag-react sa sinabi niya. “Okay, Okay. Basta mag-iingat ka doon. Tawagan tayong dalawa. I will update you agad kapag may balita na sa hinayupak.” Habang nasa byahe siya papunta sa airport ay naglalaro na sa isipan niya ang mga gagawin niya at sasabihin niya kay Marlou once na nakita niya ito sa Cebu. Gagawin niya ang lahat para makuha ang pera nilang magkaibigan at para na din mabalik na sa normal ang takbo ng buhay niya. At para mapatawad siya ng Daddy niya. Hindi siya uuwi hanggat hindi niya dala-dala ang pera. “Hahanapin kita, Marlou. Kahit saang lupalop ka pa pumunta.” madiing wika niya sa sarili. GABI na nakarating ng Badian Cebu si Lyn. Halos tatlong oras din kasi ang byahe by land kapag galing sa mismong City. Kaya naman minabuti nalang niyang ipagpabukas nalang niya ang paghahanap sa Paradise Resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Marlou. Nag-stay muna siya sa resort na nadaan niya sa Badian. Kahit gustuhin man niyang puntahan agad ang lalaki ay hindi na din kaya ng katawan niya dahil sa byahe. Pagod na rin siya at exhausted inside and out. Halos buong araw din kasi siyang tinangkang tawagan ng Daddy niya. Halata ang galit sa kanya kaya pinatay muna niya ang cellphone niya. Mamaya nalang niyan ulit iyon bubuksan para makapagpadala siya ng text message para sa Mommy niya. Alam niya kasing labis na nag-aalala ito sa kalagayan niya. Sa pamilya niya kasi ay ang Mommy lang niya ang laging umiintindi at sumusuporta sa mga decision na gusto niyang gawin. Lagi siya nitong pinagtatanggol sa Daddy at Kuya niya kapag napapagalitan siya kapag may nagagawa siyang kapalpakan. Kaya naman lalo niyang minahal ng husto ito. Kumbaga, obvious na Mommy’s girl siya bukod sa lahat ng oras ay lagi niyang kasama ito. Kaya nga ngayon palang ay miss na miss na niya ang Mommy niya. Sigurado ding galit din ang Daddy niya dito dahil sa ginawa nitong pagkunsinti sa kanya. Natatahimik at napapalagay lang ang loob niya kapag iniisip niyang hindi naman magagawang saktan ng Daddy niya ang Mommy niya dahil mahal na mahal nito ang isa’t-isa. Sa isiping iyon ay mas lalo siyang nabigyan ng lakas para mahanap si Marlou. She just needed to sleep for this night to regain her full energy. Hindi naman siya nabigo dahil pagkagising niya kinabukasan ay nakabawi na siya ng lakas. Agad siyang naligo at nag-ayos. Kailangan umaga palang ay mahanap na niya ang resort. Malakas talaga ang pakiramdam niya na doon niya makikita si Marlou kaya naman ngayon palang ay hinahanda na niya ang mga maaanghang na sasabihin niya sa lalaki. Halos isang oras din na hinanap ni Lyn ang Paradise Resort. Nasa dulo na kasi iyon ng Badian at mahirap din ang way papunta dahil walang public transportation ang dumadaan doon. Umarkila lang siya ng habal-habal papunta sa resort dahil wala din naman taxi siyang makukuha ayon na din sa mga locals. Tinignan niya ang pangalan ng Paradise Resort na gawa sa marmol. Sa tantya niya ay malaki ang resort na iyon sa loob. Wala din siyang napansin na katabing resort nito, halatang ito lang ang resort doon. At dahil nakabukas naman ang gate ay pumasok nalang agad siya sa loob. Puro orchids at magagandang halaman ang unang mapapansin mo pagkapasok sa loob. At alon ng dagat ang maririnig dahil malapit lang pala ang resort sa dalampasigan. Napansin din niyang may kalumaan na din ang resort at hindi na masyado na-maintain iyon. Ilang saglit muna niyang pinagmasdan ang buong paligid ng resort bago siya lumakad papunta sa white house. Mukhang iyon ang mga kwarto na tinutuluyan ng mga guest. At tulad nga ng inaasahan niya ay may kalumaan na din ang white house. Nang makapasok siya sa loob ay doon niya lalo napatunayan na medyo napabayaan ang bahay. Although, may mga kasangkapan pa din na maituturing na antique. “Welcome to Paradise Resort! Ilang days po kayo mag-stay?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.5K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Daddy Granpa

read
294.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
63.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook