Chapter 1

1386 Words
CHAPTER 1 "You're fired!" Rinig kong sigaw ni Nicholas pababa sa hagdanan kaya napa-lingon ako sakaniya. "No, you disappointed me. Simpleng utos lang yun hindi mo pa nagawa? Ilang chance na ang binigay ko sayo!" Binalik ko ang tingin ko sa cellphone. Galit na galit siya. Mababa lang kasi ang pasensya niya. Sa isang taon na pag sasama namin ay kilala ko na angkop ugali ni Nicholas. Isa siyang artista. 24 years old. Nung 18 palang siya ay naging artista na siya at tuloy tuloy lang ang kaniyang pag angat bilang artista. Anak siya ng mayaman na Si Lucas Lazaro na nag mamay-ari ng madaming hotel mapa ibang bansa ay meron. Habang ang mama niya at ang ate ay nag papa takbo ng negosyo na skin product. Habang ang mga magulang ko naman ay parang ganon din, si Papa ay nag mamay ari ng isang sikat na kainan na may iba iba ding branch. Tapos si mama naman ay clothing business. Model ako sa clothing business ni mama pero hindi naman yung ganon na model talaga na sikat. 22 years old palang ako, kakatapos ko lang ng college, siguro sa kumpanya ako ni papa mag tratrabaho bilang manager sa susunod niyang pinapatayo na branch. Pabor na pabor sakin yun. Ang kaylangan ko nalang gawin ay hintayin matapos lahat ng dapat matapos. Padabog na nag lalakad pababa si Nicholas. Isa pa, sikreto lang ang kasal naminh dalawa. Mahal niya daw ako. Pero hindi ko dama. Wala namaman siyang P.A Gusto ko mag tanong kung ayos lang ba siya, pero nakaka takot dahil galit pa siya. Bigla tumawag ang bestfriend ko na si Anna. "Hoy!" Sigaw nito sa kabilang linya. "Oh?" "Sama ka ba? Pupunta ako sa karera nung pinsan ko, for sure magugustuhan mo dun." Napa isip ako saglit. Napatingin ako kay Nicholas na umiinom ngayon ng tubig. "Ah, kaylan ba yan? Bawal ako ngayon baka kasi—" "Saan ka naman pupunta?" Biglang tanong ni Nicholas. Napa tingin ako sakaniya. Galit na galit siya. "Ha?" "Sa ano pa naman, sa next next day pa. Sige na mag wala pa si Nicholas e. Basta sumama ka ah? Wag mona isipin yang Nicholas na yan hayaan mo sya. Charot! Bye!" Binaba niya ang tawag. "Saan?" "Sa karera daw ng pinsan niya." Wala na siyang ibang sinagot. Pag tapos niya uminom ay bumalik na ulit siya sa taas. Kasabay naman yun ang pag text ni Mama sakin. "Hello my beautiful daughter. Come here pwede kaba now?" Agad ako nag reply. "Okay ma." "Isama mo na din si Nicholas, i want to see you both na. Tsaka nandito din si Ysa. Kaka uwi lang nila ng ate Liezel mo." "Really? Okay! Pupunta na kami." Ilang taon na din nung huli kong nakita si Ysa, anak siya ni Ate sa boyfriend niya. 5 years old na si Ysa at talagang malapit kami sa isa't isa. Ang kaso lang ay pumunta sila Ate Liezel sa ibang bansa ng isang taon. Sana ay close na close padin kami ni Ysa kahit hindi kami nag kita ng isang taon, miss na miss kona din siya. Agad naman akong pumunta sa taas para kumatok. Hindi naman siguro siya busy ngayon. Naka tatlo akong katok at tinawag na ang pangalan niya. "Nicholas." Kumatok ulit ako, kakatok na ulit sana ako pero bigla niyang binuksan ang pinto. "What?" "Gusto ni Mama na pumunta tayo sa kanila. Nandon din si Ysa." Paliwanag ko. "Okay." Simple nyang sagot. Umalis na ako sa pinto, oonga pala. Mag kababata kami ni Nicholas, pero naaksidente siya nung mga bandang 14 years old palang siya. Hindi kona maalala kung ano nangyari. Pero nabangga sila dati. Nag karon ng amnesia. Pero unti unti na niya ulit naalala ang lahat. Pamilya nya, kaibigan nya. Pero lang sakin. Nung nakita ko sya sa sa TV 16 years old ako nun bumalik ulit yung nararamdaman ko. Tapos nag kita ulit kami sa personal. Nung pinag kasundo kami. Galit na galit sya dahil bakit daw sa hindi nya pa kilala siya ipag kakasundo. Nasasaktan ako dahil hindi na talaga niya ako tuluyang nakilala. Hindi ko din siya naiintindihan paminsan minsan. Sinasabi niya na mahal niya ako tapos sasaktan ako gamit ang masasakit na salita. Hindi ko naman siya masisi, hindi niya kasi ako naalala. Hindi na niya ako tuluyang nakilala pag tapos ng aksidente na yun, pero ayos na ito. At least kilala niya ako kahit bagong memories na ang bubuoin namin. Sasakay ako ngayon sa kotse niya, nag dala siya ng shades at sumbrero. Tahimik lang kaming dalawa sa byahe, walang nag sasalita. Naka tingin lang ako sa labas habang nasa backseat. Napa tingin ako dun sa salamin. Nakikita ko ang mga mata ni Nicholas na naka tingin sakin. Agad ko inalis ang tingin ko dun. Nakakapag taka. Hindi ko talaga maintindihan kung mahal ba talaga niya ako or hindi. Pero, bahala na. Ayoko na mag isip ng mga bagay na ikakasakit ko. Naka punta na kami ngayon, agad binuksan nung kasambahay nila mama ang gate, naka sumbrero si Nicholas. Yung kasambahay naman ay titig na titig kay Nicholas. Hindi ko naman sila masisi dahil gwapo talaga ang asawa ko. Pag pasok namin ay agad bumungad ang cute ba cute kong pamangkin. Agad niya ako niyakap kaya napa luhod ako dahil dun. Mabuti kilala pa niya ako. Mag dinner daw muna kami. "Hello Nico! Kamusta naman ang pag sasama nyo?" Tanong ni mama kay Nicholas na katabi ko ngayon. "Ayos naman po Tita." Sabi niya habang napa inom ng tubig. "Mabuti naman, baka sa susunod na bwan ay ayos na ayos na yung restaurant na imamanage niyang si Hazel." Napa ngiti ako dahil dun, hindi na talaga ako makapag hintay na mapa takbo ang Restaurant na yun. "Mabuti naman at hindi ka nakilala ng mga tao Nicholas? Napaka laking oppurtunidad na makasama ka sa dinner." Napa tango si papa. "Maliit na bagay Tita, tsaka bakit ko naman tatangihan ang magulang ng asawa ko." Napa ngiti ako, medyo nasaktan ako at kinilig dahil dun. Kasi asawa nga hindi naman tinuturing na asawabels diba? Nag tawanan sila. "Mabuti naman ay mahal na mahal niyo na ang isa't isa." Artista kasi kaya magaling umarte, charis. Natapos na ang dinner namin, nasa labas si Nicholas, habang ako ay nasa loob nilalaro ang pamangkin ko. "I know him tita, i saw her on the tv before." Grabe englishris. "Yes, my boyfriend is famous." Pag mamayabang ko naman. "Gusto ko din ng ganon!" Natawa ako, sumingit naman si ate sa usapan namin. "Ysa! Bata ka pa." Inirapan lang siya ni Ysa kaya mas lalo ako natawa dahil dun. Matagal tagal na kami dito. "Oh, Hazel. Baka naman kunin mona yang anak ko." Sabi ni Ate, dahil naka unan si Ysa sa hita ko habang natutulog. "Kung pwede lang para may anak na kami ni Nicholas." Pabirong pag sangayon ko. "Sus, gumawa nalang kayo! Mang aagaw kapa ng anak ng may anak." Medyo namula ako dahil dun. Wala pa naman sa plano ko ang mag anak, gusto ko muna ay may magandang maganda na akong trabaho, katulad nung pagiging manager sa restaurant namin. Kapag successful na ay tsaka nalang mag anak para may magandang buhay na mabigay. Tsak, ayoko namang umasa lang lagi sa magulang ko. "Bye! See you ulit sa susunod." Paalam ni mama samin. "Oonga, gawa na kayo ng baby para may pinsan na ang pamangkin mo!" Natatawang sabi ni ate at sinamaan ko siya ng tingin at agad na umalis. Sa passenger seat na ako naka sakay ngayon. "May plano ka bang mag anak?" Biglang tanong niya, nanlaki ang mata ko dahil dun. Grabe. "S-syempre. P-pero hindi pa sa ngayon." Kinakabahang sagot ko. Tumango siya kaya nag tanong din ako. "Ikaw?" Syempre kung hindi ang sagot niya hindi din ako mag kaka anak dahil sya lang gusto ko maging tatay ng mga magiging anak ko. "Of course yes, sa tamang tao siguro." Agad nag bago ang aking nararamdaman. Anong ibig-sabihin niya? Napa tingin nalang ako sa bintana. What does he mean. Hindi paba ako tamang tao? Ginagawa ko naman ang lahat para maging tamang tao sa paningin niya. Hindi na nga ako halos nag rereklamo sa mga gusto nyang gawin, hindi paba tama yun. Halos ako na ang nag papa kumbaba kapag nag aaway kami. Hindi paba tama yun para sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD