CHAPTER 2
Sinundo ako ni Anna, nag lakad pa kami palabas ng village. Mag taxi nalang daw kami papunta sa karera keme nung pinsan niya.
"Ano ba, magaling kaya pinsan ko. Sa ibang bansa sis! Tapos 7 months na siya nandito. Hindi mo siguro nakita. Nasa Billboard siya dati!" Napag-isip ako. Hindi ko naman kasi tinitignan ang Billboard keme keme na yan.
"Aba, malay koba!"
Nandito na kami, hinila niya ako papunta kung saan nandoon si pinsan niya.
Pinsan niya na hindi pa sinasabi kung anong pangalan.
"Gio, malapit na mag simula." Sabi naman nung lalaki na sumilip saglit sa pinto at agad din namang umalis.
Hinila naman ako palabas ni Anna, at pumwesto na kami. Napa tingin ako sa napaka daming tao na nag hihintay din siguro kay Gio o sa ibang kalaban nung Gio.
"Masaya to." Sabi ni Anna.
Naka panood na din naman ako ng mga karera, sa tv oo at pakiramdam ko ang boring. Nandito na ako. Siguro ay hindi na ako maboboringan kapag personal kona na panood, at first time ko to.
Maya maya ay nag ayos ayos na ang mga sasakyan nila. Nag simula na din mag ingay ang mga tao sa paligid ko. Yung announcer naman ay todo bigay sa sa pagpapakilala sa mga susubok.
"Alam mo, kaya mas naging sikat yang si Gio, kesi feeling ko ang gwapo niya." Napa iling ako at tumutok nalang sa laban.
"Anong kulay ng kotse nung pinsan mo?" Tanong ko habang tinatanaw.
"Yung kulay black! Na may blue at white!" Sigaw ni Anna dahil hindi na din kasi kami mag karinigan dahil sa mga taong naka palibot samin.
At nag simula na nga ang karera, mas lalo pang nag sigawan ang mga tao. Sinisigaw nung iba yung Dominus, Valera, puro apilido ang sinisigaw nila.
Naka ilang ikot na ang mga kotse, hindi ko na mabilang dahil ang bilis ng patakbo nila. Tuwing dadaan ang sasakyan sa harap namin ay hinahangin ang buhok ko.
Nangunguna na yung pinsan ni Anna, dahil sinabi din naman nung announcer kung sino. At hindi rin naman pala boring ang ganito. Nakaka excite at ang saya.
"DOMINUS!!!!"
Sigaw nang mga tao noong may nanalo na, mas lumakas pa ah.
"Baka kamag anak ko yan!!" Sigaw din ni Anna, kaya napa palakpak nalang ako. Kahit wala akong masyadong alam sa karera basta alam ko na na panalo yung Dominus na pinsan keme ni Anna.
Mabibingi na ata ako dito.
Nandito na ulit kami sa may room ni pinsan ni Anna. Nakikipag kamay na si Gio sa mga expensive na tao na nandito ngayon.
"Napaka galing at wala talagang makakapantay sayo Gio." Napa ngiti si Gio, tungkol dun sa sinabi ni Anna na gwapo si Gio ay totoo nga pogi nga.
Nung nawala na yung mga expensive kemerut na tao ay lumapit na si Anna kay Gio at sumunod naman ako. Nakakahiya naman pero sige na nga keri na.
"Gioo!"
"Oh, Anna. Mabuti nanadito ka." Simpleng sabi ni Gio at uminom ng tubig.
"Syempre, hindi lang ako nandito para manood. Syempre may ipapakilala din ako sayo." Nanlaki ang mga mata ko. May asawa na ako uy! At umaasa na mag babago siya.
"Since single ka pa at single din siya." Mahina kong binanga si Anna. "Charot! May gusto kasi sya so hindi sya single." Iniba naman ni Anna. Siraulo talaga ang babaeng ito.
Tumango naman si Gio.
"Gio. Hazel, Hazel. Gio." Inabot ni Gio ang kanyang kamay para makipag kamay. Hindi ako nag dalawang isip at tinangap naman yun.
"Nice to meet you, Hazel."
Ngumiti ako at tumango.
"Dahil na din nandito kana, at panalo ako. Let's eat?" Nag tinginan kami ni Anna.
"Oo naman."
Hinintay namin si Gio, kasi kung ano ano pang ginawa nya dahil nanalo nga sya sa karera, mga 20 minutes siguro or 30 minutes namin siya hinintay bago kami mapunta sa kakainan namin ngayon.
Nandito na kami sa isang restaurant, kung saan ay napaka sarap ng pag kain. Sagot na ni Gio lahat ng kakainin namin. Habang wala pa yung mga order namin ay may mga tao na nag lalapitan kay Gio, para makipag kamay o para mag pa picture.
Pero nung dumating na yung mga inorder namin ay wala na masyadong nag pa picture, mabuti naman kung ganon para hindi siya maistorbo sa pag kain.
Ang pag kain na inorder ko ay. Cheese burger na hindi unang kagat ay tinapay lahat. Ang kapal nung meat. Mas makapal pa sa mukha ni Anna, at ang sarap ng sauce nila dito. Tapos fries at iced tea.
Habang si Anna ay, chicken burger, coke fries at isang slice ng cake.
Tapos si Gio ay coke din, tapos burger na na madaming palaman kemerut fries din at ice cream. Siguro ay pagod na pagod siya kaya pinapawi nalang niya sa pag kain.
"Nakita na kita before." Panimula ni Gio, alam ko na ako yung tinutukoy nya, alangan naman na si Anna. E mag pinsan sila.
"Talaga?" Gulat na tanong ko.
"Yes, i think sa run away yun 1 year ago. Nung nag bakasyon kasi ako dito for a week that time. Naka tanggap yung friend ko ng invitation. Then i saw you with Miss Maryzel Hernandez?" Napa tango ako dahil dun, naalala ko pa yun wala pa akong asawa, emz.
Naalala ko yun, sinama ako ni mama sa isang runaway, gandang ganda ako sa mga model at sa mga suot nilang damit. Na e-ennjoy ko ang mga ganong pangyayari.
"Ah, yes. Ako nga yun." Sangayon ko naman.
"So, ikaw ang anak ni Miss Hernandez?" Tumango ako at napa tingin kay Anna na walamg pakielam saming dalawa.
"Napaka laking oportunidad dahil nakilala ko ang anak niya." Hindi ko maiwasang mapa ngiti dahil sa mga sinasabi niya. Nakakahiya naman alam ako ng isang sikat na tao.
"Ako rin, it's an honor to meet a person like you." Ngiting sagot ko naman at lumaki ang ngiti sa labi niya.
Tapos na kaming kumain, inayos na namin yung pinag kainan namin para hindi na mahirapan ang waiter.
"Wait, mag ccr lang ako ah?" Paalam ni Anna kaya kaming dalawa nalang ni Gio ang mag kasama ngayon.
Ang awkward kasi ang tahimik naming dalawa.
"Pwede koba makuha ang number mo?" Tanong naman niya.
"Ano kasi-"
"It's okay kung ayaw mo. Hindi kita pipilitin. Pero kung gusto mo ibigay." Kinuha niya ang cellphone niya at saglit na kinalikot. "Sabihan mo nalang ako. Or number ko nalang kunin mo."
Nagi-guilty ako dahil may asawa na ako at ibibigay ko ang number ko sa isang lalaki. Pero as a friend lang naman, walang malisya dun at hindi naman ako makikipag landian.
"Okay sige." Sagot ko at binigay nya ang cellphone niya sakin. Pag ka lagay ko ng number ko ay napansin ko ang wallpaper nya.
Isang maangas na sports car na kulay pula. Inabot ko sakaniya ang cellphone niya.
"Thank you." Pasasalamat niya. "Anyways, napansin moba wallpaper ko?" Napa lingon ang mata ko sa kaliwat kanan.
"Kakapalit ko lang niyan, gusto kolang ipakita sayo." Ngiting sabi niya.
"Hindi naman ako mamangha sa mga mamahalin mong sasakyan." Buong lakas kong sabi.
Natawa naman siya.
"Gusto ko lang na makita mo." Ngiting sabi niya at inilagay ang cellphone sa bulsa.
Akala niya siguro madadala ako sa mamahalin na sasakyan niya na yan? Sus, di ako mahilig. Hindi nga ako marunong mag maneho ng sasakyan e.
"Bye, Hazel!"
"See you ulit Hazel."
Paalam nila sakin.
"Bye!"
Hinatid na kami ni Gio. Alam na din niya tuloy ang bahay ko. Pero sana naman ay hindi niya alam na dito din naka tira si Nicholas. Kasi ang alam ng madaming tao ay hindi sa isang village naka tira si Nicholas, kundi sa isang condominium.
Gabi na din nung naka uwi ako, kung saan saan pa kasi nag yaya si Anna. Pag bukas ko ng bahay ay walang ilaw. Ang naka bukas lang ay isang lamp sa sala.
Huminga ako ng malalim bago pumasok, wala dito si Nicholas, kasi kapag nandito yun edi sana may ilaw.
Binuksan ko ang switch pero sa sala lang.
Naiintindihan ko naman kung bakit wala ngayon si Nicholas, siguro umattend sya sa isang TV show, pag tapos nun ay pupunta sya sa isang photoshoot. Tapos isa pa ulit na photoshoot.
Madami ang kumukuha sakaniya para maging endorser ng kanilang products dahil isang sikat na artista si Nicholas at hangang ngayon ay nag aapoy padin ang pangalan nya sa industriya ng pag arte.
Madami na siyang movie na nagawa, yung iba action or romance. Kapag naman siya ilalagay sa isang comedy theme ay hindi sya pwede ang maging pala biro, dahil na din sa masungit na pag mumukha ni Nicholas pero ang gwapo naman. Isama mopa ang maganda niyang katawan, makikita mo din siya sa isang magazine.
Meron din siya ditong sariling gym, para manatili ang kaniyang magandang katawan.
Kinakausap niya lang ako kapag may kaylangan siya or gusto sabihin sakin. Sinasabi niya din na mahal niya ako pero alam ko naman na hindi talaga totoo yun.
Naka upo na ako sa couch habang nag hahanap ng magandang movie, Mas gusto ko ang mga international movie, kapag papanoodin ko ang mga movies ni Nicholas ay nahihiya ako. Kaya minsan ay iniiwasan ko nalang.
Tapos naiinis din ako, kapag may nakikita akong post na shiniship siya sa ibang babae keme! Nakakainis at ang sakit kasi hindi sila aware na may asawa ni Nicholas at ako yun!
Kung pwede lang ipost e, i mean pwede pero sino bang maniniwala sakin. Iispin lang ng makakakita ng post ko ay isa akong baliw na baliw na fan ni Nicholas kapag ginawa ko yun!
Hindi naman ako ganon ka-desperate, tinatangap ko kahit anong mangyari. Kasi in the first place hindi naman niya ginusto na makasal sakin. Ang mga magulang lang naman namin ang may gusto na 80% na gusto ko din.
Basta ang mahalaga ay sakin padin siya umuuwi, sa bahay padin namin ang baksak niya araw araw. Kahit late na ay alam kong umuuwi siya dito.