Chapter 3

1587 Words
CHAPTER 3 PAKIRAMDAM ko nung isang gabi ay lumulutang ako, hindi ko na binuksan ang mata ko dahil na din gusto ko lumipad. Pero pag mulat ko ng mata ko ay kisame na ng kwarto ang nakita ko. Siguro ay lumipad talaga ako? Paano naman ako napunta sa kwarto ko kasi na pag kaka alam ko naka tulog ako sa sala. Napa iling ako habang naka tingin sa almusal ko ngayon. Katulad ng inaasahan ko ay nandito na si Nicholas. Hindi sya busy ngayon pakiramdam ko tuloy ako na ang pinaka maswerteng babae dahil kasama ko ang lalaking kinababaliwan ng madaming tao. "Anong iniisip mo?" Biglang tanong ni Nicholas kaya napa tingin ako agad sakaniya. "M-masarap lang." Sabi ko at sabay subo ng fried rice. Siya nag luto pag gising ko ay may luto na. Fried rice, sunny side up na itlog bacon at kape. Oo para sakin yung kape. Mahilig siyang mag luto, sya na kaya yung gawin kong cook sa restaurant ko? "Kumain kalang." Sabi niya at sabay umupo sa harap ko. "Okay naba yung restaurant?" Tanong naman niya. "Oo, pero siguro matagal kopa mamanage yun kasi hindi pa naman buong buo na buo." Paliwanag ko naman at kumain. "May ginagawa ka ba nitong mga nakaraang araw? Busy kaba?" Tanong niya at kumunot ang mukha ko dahil ngayon lang siya nag tanong sakin ng mga ganito. Siguro mag babago na siya at nag sisi na sa lahat ng mga nagawa nya. "Hindi naman masyado—" "Good! Gagawin kitang P.A!" natigil ako saglit sa pag nguya, parang bato ang nalunok ko. "Talaga? It means kasama kita lagi?" "Yes, but as a P.A not as a wife. And don't wear our wedding ring. Katulad nung sinabi ko before. Ayokong may maka alam ng kasal na ito, clear?" Nawalan ako ng gana kumain at mapait na ngumiti. Sabihin niya lang ay kinakahiya nya ako kaya ganon yun! Dami pa nya sinasabe. "Okay, fine. I'll be your P.A" "Dapat lang." Sabi niya at sabay tayo at alis. Grabe a, wala man lang thank you? Sabagay ako kausap niya e. Sabi niya ay sumama na siya sakin bukas na bukas dahil pupunta ulit siya sa isang TV show. 3 days nalang daw ay tapos na siya dun sa TV show, tapos punta ulit sa photo shoot. Ayos na ayos naman sakin dahil wala naman akong masyadong ginagawa. Wala akong alam sa pagiging P.A, pero susubukan ko para sa kanya. NAGSIMULA na, maaga nyang kinatok ang aking pintuan, kaya agad agad akong bumangon, mabilis ako na naligo nag bihis. Pag baba ko ay kitang kita kona siya na nag hahanda ng sarili niyang gamit. Bumaba ako habang inaayos ang long sleeves ko na sinuot. Nung naka baba na ako ay nag salita naman siya. "Pinag luto kita ng sandwich, baka magutom ka sa byahe." Sabi niya habang hindi ako tinitignan. Napa tingin ako sa lamesa. Naka balot sa tissue at halatang bagong luto pa. Agad ako pumunta dun. "Hurry!" Sigaw ni Nicholas kaya agad ko kinuha ang medyo mainit pa na sandwich. Pinadala niya sakin ang simpleng bag na may laman na kung ano ano. Binuksan ko muna ang gate at hinintay na maka labas ang sasakyan nya at sinara ulit ang gate. Habang nasa gitna ng byahe ay nag salita siya. "I forgot to tell you." Natigil ako sa pagkain at kabado na tumingin sakaniya. "Meron kaming bagong movie, kaya late ako umuwi sa bahay. Isasama kita dun after nung TV SHOW." Napa tango ako dun, akala ko kung ano na. Inubos ko na ang sandwich dahil masarap oo napaka sarap. Mabuti may dala akong tubig nauuhaw kasi ako. Pinag buksan si Nicholas ng gate, actually pang umaga ang TV SHOW kung saan siya pumupunta. Mga 11am simula kaya 8 palang siguro ng umaga ay nag mamadali na siya. Pinag buksan siya ng pintuan, ako naman ay binuksan ko ang sarili kong pintuan at dinala ang dalawang bag na hindi ganon ka bigat at kemerut kemerut ang laman. Napa tingin sakin yung ibang staff na nasa hallway dahil naka sunod ako kay Nicholas. Bigla ako hinarang nung isang guard papasok dun sa pinasukan ni Nicholas. "Sino po kayo ma'am?" Napatingin ako kay Nicholas na napatigil din. Shuta nahihiya na ako. "Let her in, she is my new P.A" Mahinahon na sabi ni Nicholas kaya pinapasok din ako. "New P.A? Na tatanggalin mo din naman?" Natatawang sabi nung isa sa mga staff. Medyo nahiya na ako ng slight. "No, hindi ko na siya tatanggalin." Confident na sagot ni Nicholas at umupo sa upuan para ayusan. Inilagay ko ang gamit nya sa isang lamesa na walang masyadong naka lagay. "Oh, new P.A, pakiramdam ko ikaw ang napaka gandang P.A na nakuha ni Nicholas." Hinawakan niya ang buhok ko. Awkward akong ngumiti. "Napaka ganda mong babae ija, pwede ka maging model ng isang skin product!" Masayang sambit nito, isa siyang bakla na staff dito. "Karamihan kasi ng mga P.A ni Nicholas ay bakla or babae. Kaso yung iba ay isang linggo lang ang tinatagal sa dinami dami ng utos ni Nicholas." Napa lunok ako, keri ko naman siguro. "Napapagod sila hindi nila keri sa sandamakmak na utos, pero hindi ko naman masisi si Nicholas dahil nga sikat na sikat na siya sa buong bansa natin at dami dami kumukuha sakaniya para lang mag endorse." Paliwanag niya at tumingin kay Nicholas. Napa tango din ako, hindi nga talaga biro ang maging katulad niya. "Nako, girl. Sana makayanan mo. Huwag mo susukuan si Nicholas." Paalala naman nito sakin. "Hindi po! Kering keri ko po ito." Masayang sagot ko naman. "Mabuti yan, ano pala pangalan mo?" Tanong niya sakin. "Hazel Hernandez po." Kunot ang noo niya at napa isip isip. "Hernandez." Bulong niya.. "Stephanie ako si Stephanie, pero may real name is Ronald." "Nice to meet you po." "Nice to meet you din, oh siya ija. Aalis na ako." Mabait nitong paalam at lumarga na agad. Napa tingin ulit ako kay Nicholas na tatlong tao ang nakapalibot sa kanya inaayos ang buhok at nilalagyan ng make up. Hanggang nagsimula na ang show. Nandito lang ako sa room kung nasaan ako kanina. Pinapanood ko sa TV si Nicholas, thank you na lang dahil 40 minutes lang yung palabas. Bigla naman may pumasok kaya nagulat ako. "Ikaw ba ang P.A ni Nicholas?" Agad ako tumango. "Ito daw schedule niya." Binigay niya sakin ang papel na dalawang piraso. Hindi masyadong marami sakto lang siguro. Agad naman lumabas yung lalake at nanood ulit ako sa TV. "Okay so dahil nasa lovelife na ang pinag uusapan natin. Tanongin naman natin si Mr. Nicholas." Mas lalo ako nakinig. "Ano ang status mo ngayon?" Tumawa si Nicholas at inayos ang pag kaka hawak niya sa Mic. "Well, single—" "Ready to mingle?" Putol sakaniya nung host. At nag tawanan. "No." Agad na sagot nito. "Ay grabe naman!" "So balik tayo sa love life mo Nicholas, i am sura na maraming fans ba gusto malaman ang love life mo lalo na ang mga fangirls mo! So, na in love ka na ba?" "Uuh, sino bang hindi diba? Yes na in love na ako." "Who is that lucky giiirll." Tumawa lang si Nicholas, at ngayon ay parang kinikilig siya na nahihiya. Siguro ay in love pa siya dun sa babae?" "Huwag na nalang natin sabihin." Ngiting sabi naman nito. Inupo ko ang katawan ko sa bangkuan at pinatong ang pisngi ko sa palad ko. Ako din ay napapa tanong na who is that lucky girl kemerut na yan. Tsaka dun sa sinabi niyang single siya ay hindi na ako apektado dun, kasi bakit naman niya sasabihin na 'No, may asawa na ako.' Edi mas lalo umingay ang pangalan niya! Mag lapag ba naman bigla ang isang impormasyon na ikakagulat ng lahat. Tsaka isa pa secret lang naman ang relasyon namin ano paba ang aasahan ko? Syempre idedeny nya ako. Habang ako kapag may tinatanong na single ka miss? Agad agad ako umiiling kasi alam ko naman na may asawa na ako. Gusto ko nga mag tanong kung may kalandian ba si Nicholas dito or sa iba niyang pinupuntahan. Balak ko sana itanong kay Stephanie yun kaso ayokong masaktan sa sagot ni Stephanie. Baka kasi meron. Tama naman ang hinala kung ganern. Pero sana hindi totoo. Tsaka sino bang hindi mag hihinala na may kabit ang asawa mo kapag ang lamig at medyo hindi tama ang trato sayo diba? Kahit alam ko naman na hindi niya ako mahal. Syempre may karapatan parin ako mag hinala kasi may nararamdaman ako para sa kanya at asawa ako. Tsaka, hindi ka ba naman ba mag hihinala kung kanino kanino shiniship ang pinakamamahal kong asawa. Mga naging love team kemerut kemerut nya. Napa buntong hininga ako habang iniisip ang mga ilang bagay. Bigla naman tumunog ang cellphone ko kaya agad ko sinagot ang tawag. Si Anna. "Hello Anna?" "Oh! Sama ka ulit samin ni Gio, nag yaya ulit kasi siya." Napa kamot ako ng buhok. "Bawal ako ngayon." "Ano?!" "Ginawa kasi akong P.A ni Nicholas e." "May sweldo ba? Baka pag mamahal ang sweldo sayo tas hindi niya mabigay! Hahahah charot!" "Grabe naman to, okay na ako sa pagmamahal." "Landi mo!" "Oona!" "Oh siya, kelan ka ba free?" "Ewan, siguro pag pahinga day na ni Nicholas." "Ano ba namab yan! Sige na nga next time nalang. Bye!" "Bye." "Hindi daw siya makakasama!" Rinig kong sigaw ni Anna, nako mabuti at malayo si Gio at hindi niya napakingan usapan namin ni Anna, lagot talaga ako ng bongga kay Nicholas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD