Chapter 4

1280 Words
CHAPTER 4 Nanood nalang ako ng mga nag luluto sa f*******: dahil boring na boring na ako, akala ko ba sandamakmak ang mga utos ni Nicholas, e kanina pa ako naka upo dito at wala naman siyang pinapagawa. Magsisimula na din kasi yung pag arte nila maya maya, nasa loob lang siya nung tent nila habang ako ay nasa labas. Masyado kasi maraming tao sa loob ng tent, mga nag aasikaso ng buhok, damit kemerut ni Nicholas nakakahiya naman kung makisiksik pa ako. "P.A!" Sigaw nung lalaki na lumabas ng tent at nagmamadaling lumapit sakin. "P.A? ikaw diba p.a ni Nicholas?" "Opo." "Pumasok ka daw sa loob." Nagmamadaling sabi nito kaya nag madali na din akong pumasok sa loob. Papasok palang ako ay bigla nag alisan ang napakaraming tao sa loob ng tent. Sumilip muna ako sa loob, si Nicholas at yung isang sikat na artista na lang na si Brianna ang nandun. Palihim ako na pumasok. "What if gawin nating totoong buhay yung pagiging love team natin? Mas—" Napa taas ang isang kilay ko dahil sa narinig ko. Shala, landi. "No." Simpleng sagot ni Nicholas na nakapag putol sa sasabihin ni Brianna. "Why? Maraming tao ang nag shiship satin. So why not we—" "I said no, hindi madadala sa totoong buhay ang pag ka love team natin." Malamig na sagot ni Nicholas kay Brianna, gusto ko tumawa pero baka mapagalitan ako ni Nicholas. Nakita kong naps irap si Brianna dahil dun. "Umalis ka na lang." Napa irap na naman si Brianna at padabog na umalis ng tent. Pinalipas ko ko muna ang ilang minuto bago lumapit kay Nicholas. "Tinatawag mo daw ako?" "Yes, bakit ka na sa labas? Sinabi ko ba na lumabas ka?" Nanlaki ang mata ko dahil dun. Sis nasa labas lang ako. "Sorry naman kung ganon." Humarap siya sakin gamit yung bangkuan. "Maaga siguro matatapos ito, wag ka lalayo." Sabi niya tsaka tumayo at umalis. Luh sya, kala mo naman bata pa ako. Lumipas ang isang oras at napag pasyahan ko na tumingin dun sa labas para panoodin sila mag arte kemerut. Nung una ay mga staff yung naabutan ko busy sa pag uusap. Nandon pala sila Nicholas sa may isang bahay para dun mag shooting. Hindi na ako nag aksaya ng oras, panigurado ay magagalit sakin yun kapag nakita niya ako na nanonood. Kaya pumasok ako ulit sa loob ng tent. Nakita ko sa lamesa yung maraming papel, siguro script nila to. Binasa ko, nag enjoy naman ako basahin maganda hindi ko na siguro kailangan panoorin ang movie. Pero nung natapos ko ay naboring naman ako, shuta ano ba kailangan kong gawin dito. Wala naman masyadong pinapagawa. Kainis. Lumabas ulit ako ng tent, para mag gala gala, wala naman mag hahanap sakin, mag lilibot lang naman ako sa lugar dito. Napunta ako sa isang tindahan ng fishball, kwek kwek, kikiam and meni meni more. Naka tayo lang sila sa may tapat ng tindahan, sa isang barangay kasi ako napunta. Tapos may mga bata na nag lalaro. "Ang gwapo gwapo talaga nung si Nicholas Lazaro ano? Napaka gwapo kapag nasa malapitan, sana ay magtagal ang taping nila dito." Kinikilig na sabi nung isang babae na nakaupo sa isang mahabang upuan. "Sana nga!" Nagutom bigla ako dahil naamoy ko ay siomai. Agad ako lumapit dun sa nagtitinda. "Pabili nga po ng siomai." Sabi ko at agad niya naman hinanda. Binuklat ko yung lalagyan ng mga luto na. Mas lalo ako nagutom. "Tsaka nga po ng dalawang kwek kwek at dalawang fishball." Kinuha ko ang wallet ko sa aking bag. "Ilalagay ba sa baso ineng?" "Opo." Kumuha siya ng dalawang baso, pinagsama niya sa isang baso yung dalawang kwek kwek, habang ang fishball naman ay nasa isang baso. "Thank you po." Mabuti at may buo akong 50 pesos. Kaya no problem. Bumili din ako dun sa tindahan ng isang bote ng softdrinks kasi wala tinda na palamig. Habang naglalakad lakad ay naupo muna ako sa may isang bangkuan, wala din naman kasing nakaupo. Mas mabuti na ito kesa manatili ako dun wala naman ako ginagawa. Malinis ang barangay nila. May makikita ka namang kalat pero hindi ganon kadami. 3 na kasi nung naka punta kami ni Nicholas dito, malapit na din mag gabi. Siguro ay mamaya pa ang tapos ng mga yun. Hindi din naman ako hahanapin kasi dun. Ano pa ang kwenta ng pagiging P.A ko? Syempre, siguro unang subok ko pa lang, tanga ko talaga. Ilang minuto na ako naglalakad at bigla nag ring ang cellphone ko. Napa tigil ako at kinuha at tinignan kung sino yun. Si Nicholas. Wow ah. "Hell—" "NASAAN KA?!" Napakagat ako ng labi dahil sa galit na boses niya. Shutakres. "Nandito lang, naglalakad lakad lang." Kabado ko namang sagot. "Kanina pa ako text ng text! Kung hindi pa kita tinawagan hindi ka sasagot!" Huminga ako ng malalim. "Saglit lang naman ako—" "Bumalik kana dito, uuwi na tayo." Pinatay niya ang tawag. Nakakatakot at nakakakaba. Bigla huminahon ang boses niya. Halash, dapat kasi hindi na ako nag pagala gala e, tangers ko talaga. Maraming pumapasok sa utak ko dahil galit na siya, nakakatakot. Nasa kotse na kami, tahimik lang at walang kibo, wala ako ngayon sa passenger seat. Nakakatakot talaga kapag tahimik lang. Siya na ang nag bukas ng gate, at nanatili nalang ako sa sasakyan. Nang makapasok na ay kinuha ko ang dalawang bag at binitbit ko habang siya ay sinasara yung gate. Siguro, hindi niya ako papaggalitan ngayon. Binaba ko ang bag sa sofa. "Saan ka nanggaling?" Natigil ako. "You ruined the shot!" "S-sorry naglibot lang n-naman ako." Kabado kong sagot. "Sabi ko dun kalang sa tent!" Nanatili akong tahimik. "Napaka palpak mo talaga sa lahat ng bagay. Simpleng pagiging P. A lang ay hindi mo magawa. " "Edi sana hindi mo na lang ako ginawang p. a? " Sagot ko naman sakaniya. "Edi sinong kukunin ko? Kaya nga Ikaw kinuha ko kasi i have no choice!" Hindi naiwasan ang aking damdamin na masaktan. Akala ko pa naman ay ginawa nya akong P. A kasi gusto niya. Wala lang pala siyang choice. Dismayado at padabog siyang nag walkout, huminga ako ng malalim para huwag tumulo ang luha ko. Pero kapag pinipigilan ko ay mas lalo pa ako naiiyak. Nandito na ako sa kwarto ko at tulala lang sa kissme. Talagang wala na siyang naalala sakin, hindi na niya talaga maalala kung gaano siya kabait sakin dati. Siguro ang tingin pa rin niya sakin ngayon ay isang stranger na bigla nalang pinakasal sakaniya. Siguro naman kahit pilit lang naman yung kasal namin at ako lang ang may gusto ay dapat padin na hindi niya sakin ginagawa ang mga ganitong bagay. Hindi lang naman yun ang unang beses na pag sinabihan niya ako ng nang anong mga salita. Marami na pero kaming dalawa lang ang nakaka alam. Hindi rin ako nagsusumbong. Kasi isang malaking gulo kung gagawin ko yun. Baka mag away ang dalawang kumpanya ng dahil lang sakin. Trouble maker talaga. Pero hindi ko din naman masisi si Nicholas kung ganon. Nabura lahat ng pag iisip ko dahil bigla tumunog ang cellphone na katabi ko ngayon. Isang random number. "Hi!" Hindi ko sinagot at binaba na lang ulit. Mag dradrama na sana ako kaso bigla na naman siyang nag text, kung sino man yun! "Hello gising ka pa ba?" Hindi ko sinagot. "Edi goodnight!" Kumunot ang noo ko dahil dun, aba kapal naman ng mukha nito. "Pero kung gising kapa, mag reply ka naman. Sama ka samin ni Anna flis." Ah, si Gio. Nag reply ako. "Bakit naman?" "Trip lang genern." "Subukan ko." "Yown! Good girl naman pala. Sige na tulog kana dyan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD