Gusto kong maranasan naman nila Nanay at ng mga kapatid ko kahit isang beses ang buhay mayaman. Bata pa lang ako, nagbebenta na ng sarili niya si Nanay para lang mabuhay kami. Alam kong napakarami niyang tiniis para sa amin. Wala namang babaeng gugustuhin na ipagbenta ang sarili niya kung may ibang paraan. Kahit ako, kung papipiliin, hindi ko rin gugustuhin ang ganitong buhay para sa amin. Pero ito ang binigay sa amin. Wala namang ibang trabahong alam si Nanay dahil ito na ang nakagisnan niya mula pa sa ina niya. Parang minana na lang niya ang trabaho, hindi dahil gusto niya, kundi dahil wala siyang choice. Akala ng iba, madali lang maging puta. Bubuka ka lang daw ng hita, may pera ka na. Hindi nila nakikita ang tunay na hirap ni Nanay. Hindi nila alam na minsan, umuuwi siyang may mga pas

