Sachzna's POV "My, wag ka na mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko." Bumuntong-hininga ako, pinilit gawing matatag ang boses ko habang nakatitig sa repleksyon namin sa salamin. Nakaupo ako sa harap ng vanity table, at si Ninang Jodie, masipag na nilalaro ng curling iron ang buhok ko, maingat na inaangat ang bawat hibla para makuha ang gusto niyang ayos. Sa gilid, nakasandal si Mammy sa sofa, nananahimik, pero ramdam ko ang bigat ng mga mata niya sa akin. Kahit hindi na siya muling nagsalita matapos kong ipilit na sasayaw ako sa club, halata ko ang pagtutol niya—mula sa mahigpit na pagkakapulupot ng braso niya sa dibdib hanggang sa lalim ng mga buntong-hininga niya. "Saka hindi naman ako sa pipitsugi na club magsasayaw, di ba, Ninang?" Sinubukan kong gawing magaan ang tono, para kahit

