Third Person Tatlong araw na simula noong huling tumawag ang mga magulang ni Tessa sa kaniya. Siguro ay iniisip ng mga ito na abala siya sa kaniyang trabaho at hindi maaaring istorbohin kaya pinapabayaan muna lalo pa at kasisimula niya pa lang. Day by day, mas lalo lang siyang nagiging guilty sa hindi pagsasabi ng totoo sa mga ito. Ngayong araw, ay nagpahinga muna sila sa mga activities. They have been doing activities since they got into the resort kaya ngayon ay nanonood lamang sila ni Santi ng random na palabas sa TV habang si Darius naman ay abala sa kaniyang laptop. Humikab si Tessa kaya napalingon sa kaniya si Santi. "Are you sleepy, mommy? You can sleep here, o?" Sabay tapik nito sa kaniyang tabi at inayos ang unan. "Ayos lang ako, baby. Just watch..." aniya kay Santi per

