Tessa Para akong yelong unti-unting natunaw sa halik niyang iyon. Lalo pa noong nanatili ang kaniyang mukha roon. Kung hindi lang dahil sa pamimilit ni Santi ay hindi pa yata siya aalis doon. "I'll be watching you, Tessa. Remember that," he reminded. Noong nakaalis na sila para lumusong sa tubig ay doon lang ako nakapagpakawala ng isang malalim na buntonghininga. Nanghihina akong umupo sa sun lounger. Gusto kong mangisay at magpalamon na lang sa lupa sa mga oras na iyon. Para rin naman akong tinatangay ng hangin sa sobrang kagaanan ng pakiramdam. Nakaawang ang aking labi habang sinusubukang ikalma ang pintig ng aking puso na hanggang ngayon ay naghaharumentado pa rin. Parang tambol sa lakas ng kalabog. Dagdagan pa ng mga paru-paro sa aking tiyan na parang nakawala sa kanilang hawl

