Tessa "Goodbye, dear... I shall return," aniya at kumaway pa sa akin. Hanggang noong nakaalis na siya ay nakatulala pa rin ako roon. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Hindi ko rin alam kung saan o paano niya iyon nalaman. Nanghihina akong napaupo sa sofa. Hindi ko nga namalayan na nakapaglakad pa pala ako patungo roon. Para akong halaman na bigla na lang nalanta dahil sa sinabi ni Geneviv. Paano niya iyon nalaman? Ano-ano pa ba ang handa niyang gawin para lang mawala ako sa buhay ni Darius? Mariin akong pumikit habang kinakalma ang aking sarili. Tatlong malalalim na hininga ang hinugot ko bago muling dumilat. "Miss, ayos lang po ba kayo?" Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot ng babaeng empleyado na iyon sa pinto. "Medyo... nahihilo lang," sabi ko kahit hindi naman. "Gus

