Third Person Walang nakuhang sagot si Tessa mula kay Darius kaya naman noong nag-didinner sila ay wala silang naging imikan. Mahirap bang sagutin ang tanong niya? Tinanong niya lang naman kung ano sila... kung saan ba si Tessa lulugar sa buhay niya. She asked that para maputol niya na ang pag-asa niya. Baka kasi kapag nagtagal pa iyon ay mas mahirapan siya at umasa sa feelings na hindi naman sigurado. Nang nakarating sila sa bahay, inasikaso niya lang si Santi pagkatapos ay nagshower. After that, nagpalamon na siya sa kama. She's tired for today, mentally and physically kaya naman mabilis siyang nakatulog. Nang nagising kinabukasan, ayaw niya nang bumangon. Gusto niyang magkulong na lang sa kaniyang silid dahil ayaw niya ring makipag-usap sa kahit na sino ngayong araw. Ipinulupo

