Third Person "Anong pag-uusapan natin?" Kalmadong tanong ni Tessa kay Darius. Umupo naman si Darius sa gilid ng kama at akmang uusog siya para mas makaupo ito nang mabilis na hinawakan ni Darius ang magkabilang bewang at walang kahirap-hirap na binuhat ito at ibinagsak sa kandungan niya. Nanlaki ang mga mata ni Tessa sa gulat at halos mapasigaw pa siya sa mabilis na kilos na iyon ni Darius. Ngayon, paharap na siyang nakaupo sa kandungan ni Darius na titig na titig sa kaniya at ang mga mata ay nanunuri at seryoso na animo'y binabasa ang laman ng isip niya. She wanted to scream but she just can't do it. In the end, humawak na lang sa braso ni Darius para hindi mahulog. Masyado pa siyang gulat sa nangyari kaya hindi niya magawang i-proseso ng maayos ang mga bagay bagay. "Now, I'm i

