Chapter 4:

1696 Words
Sumunod naman agad si Marie sa kanya,at lumabas sila sa may bakante at malinis naman,bago paman makalabas ng gate ay huminto si Ana kaya huminto na rin siya. Marie,talagang sinadya mong pumunta dito sa ganitong oras at sa araw pa mismo ng kaarawan ko. Talaga bang sinadya mong pumunta ngayon para istorbohin at pahirapan mo ako? Hindi mo na ba talaga naalala anong buwan at petsa ngayon? Tingnan mo nga kong gaano kadaming sikat na pumunta dito ngayon,pero nagpakita ka dito at nakadamit kapa nang ganyan,daig mo pa ang isang pulubi. Gusto mo bang malaman ng mga tao na nandito na may kapatid akong disgrasyada?Tuloy tuloy na walanag preno niyang salita kay Marie,makikita naman sa paligid na walang katao tao,kaya naman lakas loob niyang pinagalitan ni Ana si Marie. Tinawag siya ni Ana na pulubi at tinawag din siyang disgrayada kung saan di talaga magandang pakinggan. Di naman masyadong nagreact si Marie sa panlalait at pamamaliit sa kanya ni Ana.Malamig lang na mata ang pinukol niya dito at nagsalita din na kasing lamig pa ng yelo."Kung akala mo masisira ko ang pangalan at pagmumukha mo,ibigay mona agad sa akin ang mga gamit ng magulang ko at di na ako magtatagal pa kahit isang saglit pa?. "Sa taon na lumipas,sino pa ng nakakaalam kong yung mga basura na iyon ay nandoon pa? Ngayon,gusto mo akong tumulong sayo na maghanap ng mga ito,hindi pwede! Hindi mo ba nakita na napakarami kong bisita na kailangan asikasuhin na mga artista?At inangat niya ang mga braso at pinagkrus ito sa sa may dibdib,ang mukha niya ay nawalan pagkapasensya,at ayaw din niya tulungan si Marie na hanapin ang mga lumang gamit na iyon. "Kung diko makukuha ang mga iyon,hindi rin ako aalis."galit naman niyang banta kay Ana. Noong huli napaalis siya ng ibang bansa at nawalan na siya ng oras para kunin ang mga gamit na iyon.Ngayon na bumalik na siya,kukunin niya ang mga gamit na iniwan ng ina niya para sa kanya,kahir ano pa ang mangyari. "Ahhh!!!Tinatakot mo ba ako?" "Marie iba na ang setwasyon ngayon?"Buksan mo nga ang mga mata mo at tingnan mo kung sino ako."Para sa mababang estadong tulad mo,hindi ka nga makapasa sa qualifications ko bilang magdadala ng sapatos ko,at ang kapal ng mukha mo para sigawan ako?mapangmataas na sabi nito sa kanya. Naniniwala ka bang kaya kong utusan ang mga body guard's at security guard's ko na itapon ka sa labas na parang basura?Andaming niyang rason kong bakit ayaw na ayaw niya kay Marie.Isa na doon ang pinakamalaking rason kung bakit pinaka hate niya si Marie hanggang kalamnan ng mga buto niya. At iyon ay ang nangyari sa hotel five years ago. Noon nang pumasok siya sa kwarto kung saan si Marie napagsamantalahan ng lalaki,kukuha sana siya ng litrato at ipaalam sa ina ang mga nagawa niyang plano.Ngunit di niya inaasahan na may binatang darating. Ang lalaki ay wala masyadong sinabi,pagkatapos kumpermahin ang jacket at relo ,ay binigyan siya ng name card.Sa ibang pagkakataon,ay nalaman din niya ang sekrito na ang lalaking nakasex ni Marie sa hotel nang gabing iyon ay si Joshua.Ang panganay na anak ng Wilson Family. At sa hanggang ngayon,iyon parin ang rason kung bakit siya takot na umuwi ito,ay dahil natatakot siyang mabuko siya na, na hindi siya ang babaeng nagligtas kay Joshua noon. Di naman akalain ni Marie na mas lalong naging Arogante si Ana sa nakalipas na taon. "Wala akong pakialam kong sino ka,ang gusto ko lang ay makuha ang mga gamit ko."ang magandang mukha ni Marie ay napuno na ng galit. Ang mga gamit na iyon ay pagmamay ari ng ina niya at iniwan ito para sa kanya ng kanyang ina. Ito'y mahahalagang gamit at di niya talaga pwede na mawala ang mga ito. Gusto lang sana itong inisin ni Ana,namilog ang mata niya nag makita ang magandang sasakyan na huminto sa labas gate. Pagkatapos ang mga mata niya ay kuminang sa sobrang saya. Pumunta si Joshua ng personal. Hindi siya makapaniwala at sobra niyang saya. Ang mga mata ni Ana ay mabilis na nawala ang kinang at napalitan ng galit ang mga ito may naisip siyang plano.Lumapit siya kay Marie at ngumisi ng malaki ito,bago siya nagsalita."Alam ko kong nasaan ang mga malas mong mga gamit,pero ayoko lang talaga ibalik sayo.Okay lang sana kong di ka nagpakita,pero ngayon na bumalik kana,naalala ko agad ang mga kagagahan at di magandang ginawa mo noon. Ang paa ng kapatid kong lalaki ay di pa gumaling,Marie alam mo ba? Gusto kitang sakalin hanggang mamatay ka,pero ngayon gusto mo pang makuha ang mga gamit sa pamamahay ko!. 'Nah,"wag na!." Bukas,ay susunugin kona ang mga gamit nag patay na babaeng iyon at susunugin ko ang mga lahat na iyon! "Hayop ka!"nanginginig ang buong katawan ni Marie at ang dalawa niyang maliit na kamay ay napakuyom sa sobrang galit. "Bakit nga pala diko gagawin yon?" "Alam mo ba kong anong sekrito ang sinabi ni Daddy sa akin noong nalasing siya?"Ang sabi niya hindi ka nga raw niya anak...isa kalang daw ligaw na klase na damo na walang kilalang Ama."habang bininigkas niya iyon ay ang mga mata niya ay nakatuon lang sa isang malaking tao na papalapit sa kanila. Nababahala siya at di niya alam ang kong papaano galitin si Marie,kaya naman sinabi niya ang pinakamalaki niyang sekreto na tinatago sa kanyang puso. "Tumahimik ka!"si Marie na kanina ay makatuwiran at kalmado lang siya kanina, ay napuno sa galit ng sabihan siya ni Ana na bastardo siya at gusto pa talaga nito na sunugin ang mga gamit ng yumaong ina niya,di na niya makontrok ang ang sarili at lubusan na siyang kinain ng galit. "Paano!" Hindi kaba kumbinsido sa sekreto na sinabi ko sayo?" Gusto mo ba akong saktan? Saktan mo ako!"Marie,wala ka paring kwenta!"pang uudyok ni Ana upang mas lalo itong magalit at sumang ayon sa plano niya. "Paakkk" Ubod ng lakas itong sinampal ni Marie si Ana sa kaliwang pisngi nito galit at poot ang naramdaman niya ngayon. Napadaing agad si Ana sa sakit at marahan siyang napatakip sa pisngi kong saan dumapo ang palad ni Marie. Pakiramdam niya ay nagka injury siya dahil sa sobrang sakit,pero nang iinis pa rin siya upang makita ng lalaki."Yan lang ba ang kaya mo diba Marie?Ikaw na anak sa labas ikaw na talaga ang nakakahiya,at dika parin mabuhay buhay ng marangal sa buong buhay mo.. .' "Ana..."nangpanggalit ang ngipin ni Marie sa galit. Talagang nangarap at nagdasala siya na sana magkaroon siya ng blade sa kamay at nang mahiwa niya itong babaeng ito nang ilang libong beses. Sobrang galit na galit na si Marie at di na niya kayang makontrol ang sarili niya. Inangat niya ulit ang kamay niya at gusto niyang sampalin ulit si Ana,ngunit nang nasa ere na ito ay di na niya ito magalaw,dahil may parang bakal na kamay ang humawak sa maliit niyang pulsuhan at mahigpit itong nakapisil sa pulsuhan niya. Napalingon ng ulo si Marie upang tingnan kong sino ang nasa likod niya,pero sobrang galit siya at nagulat siya nang makita ang lalaking malamig ang mata at walang ka emosyon emosyon ang mga mukha nito. "Ikaw..."Nang makita niya ang gwapong mukha ng lalaki,kahit sobrang gulat siya at di man lang siya makapagsalita. Hindi ibig sabihing hindi siya makapagsalita dahil sa naakit siya sa magandang maganda at gwapong mukha nito,kundi dahil ang mukha nito ay talagang kamukha ng anak niyang lalaki. Nang makita ni Ana na malapit na si Joshua upang pigilan si Marie sa pagsampal sa kanya,kinurot niya nag malakas ang kamay upang makaiyak siya at tinakpan niya agad ng dalawang palad ang mukha. At pagaralgal siyang nagsalita upang isipin ng lalaki na nasaktan siya."Kapatid,bakit mo naman ako sinampal ng ganun kalakas?" "Anong nagawa kong mali at masama sayo at gusto mo akong saktan ng ganito?"paawa niyang sambit sa mga salitang binigkas. Bago paman si Marie makapag react sa mukha ng lalaki na kasing hulma sa mukha ng anak niyang lalaki,ay narinig naman niya ang aroganteng boses ni Ana kanina ay naging malambot at parang nagmamakaawa. Napatulala naman siya ulit at di niya alam kong sino sa dalawa ang haharapin,si Ana ba na nagdadrama o ang lalaking nasa tabi niya. Ngunit mas napatitig siya sa kay Ana na,ang mata lang ang makikita sa pagkatakip ng kamay sa mukha pulang pula ang mata nito. At ang pagmumukha nitong lalaki na sa tabi niya na kanina pa paulit ulit na tumatatak sa utak niya,dahil sa mukha nito na kapareho talaga ng anak niya. "Ang weird.."yan lang ang tanging salita na lumabas at nabigkas ng kanyang bibig,yan lang ang naintidihan niya sa drama at sa lalaki. Napaismid nang malamig ang labi ni Joshua,sa nakita niyang nakatulala ang babae at gulat na gulat ito sa uri ng paglapit niya dito,napangisi siya na parang nandidiri."Bakit mo siya sinasaktan."malamig pa sa yelo ang pagsalita nito. Nang marinig ni Marie ang malamig at malahininga nitong lakas na boses,bumalik naman agad sa sarili si Marie galing sa pagkatulala niya kanina,doon niya narealized na kaya nandito ang lalaki upang ipagtanggol at ihanap ng hustisya si Ana. Nang maalala niya ang sinabi ni Ana sa kanya kanina tungkol sa pagka bastardo niya at sa gusto nitong sunugin ang gamit ng ina niya,naintindihan niyang gusto lang siya nito galitin upang masaksihan at ipagtanggol ito ng lalaki. Ngunit umusbong ulit ang galit ni Marie sa puso niya dahil sa ginawa ni Ana. "Wala kang pakialam!bitawan mo nga ako."galit na galit si Marie at gusto niyang makawala sa mahigpit nitong pagkahawak ng kanyang pulsuhan ng lalaki. Si Ana naman ay biglang bumait at nagsalita na parang santa. "President Wilson,siya ay kapatid ko at wala siyang ibang intensyon,gusto lang niya akong pakiusapan na ipakilala ko siya sa mga sikat na manager,ngunit di ako pumayag kaya..." Sobrang galit na galit si Marie pero sa parang gusto niyang matawa sa narinig niyang walang katuturan na salita ni Ana."Ang galing naman nito mag entertain,"sobrang galing nito sa drama nito.Kanina kanina lang isa siyang tigre na nakakatakot ang anyo,subalit ngayon ay naging matulungin ang akting. "Gusto niyang sumikat"sa pagmumukhang yan!"nasaksihan ni Joshua ang pananakit nito kay Ana,at ngayon trinato parin niya ito ng maayos at mabuti.Itong baliw na babaeng ito na gusto lang sumikat,kaya sarkastiko ang kanyang mga sinabi dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD