Chapter 2:

1657 Words
Medyo napatulala si Marie habang binaba niya ang ulo,para kumuha ng pamunas ng pawis sa kanyang bag. Para gamitin sa kanyang dalawang anak na nasa tabi niya,pakiramdam niya ay nana naginip lang siya. Five years ago,nang malaman niyang buntis siya ay,buo na ang desisyon niya na pumunta sa ospital para magpa abortion. Subalit di niya ito natuloy nang ipaalam sa kanya na ang blood type niya ay rare,kapag magpa abortion daw siya ay magiging mahirap na sa kanya ang magkaroon ng anak habang buhay. Sa sobrang takot niya na di na siya magkakaanak ay tinanggap nalang niyang ipagpatuloy ang pagbubuntis. Sa kabutihang palad naisilang naman niya ng ligtas ang mga anak,laking gulat pa niya ng sabihing kambal ang anak niya babae at lalaki ang mga ito. Labis labis ang pasasalamat ni Marie na hindi pinayagan ng diyos na maipa laglag niya ang mga anak. Ang mga ito ang nagbigay sa kanya ng lakas para lumaban sa pagsubok niya.. "Mommy,andito na po ang bagahe natin"ang dalawang kambal ay 4 years old pa lamang,nsa pinakainosenting edad pa ang mga ito at wala pang kamuwang muwang sa lahat lahat. Isang malaking maleta at dalawang maliit na maleta lang ang kanilang dala,at ediniliver ito ng isang staff sa kanila. Kinuha niya ang malaking malita at nang kukunin na niya ang dalawang maliliit na maleta,ay inagaw ito ng dalawang anak niya. Tig-isa silang tatlo ng hila hila ng maleta. "Tara na punta na tayo sa bahay ng kapatid ng lola niyo." Kababalik lang ni Marie sa pagkakataong ito,dahil sa paglaki ng demand trabaho niya sa ibang bansa. Ang pinaka famous na Design Company ng Paris ang nakatuklas sa kanya at naging interesado ito sa mga design niya at mga konsepto niya. Inalok siya ng trabaho at pinangakuan siya ng malaking sahod at ginawan pa siya ng espesyal na imbetasyon. Naubos nadin kasi lahat ng pocket money niya at sa gastusin,ang perang iyon ay ginantso lang niya galing sa Ama ng pumunta siya ng abroad. Isina alang alang nalang niya na may dalawa siyang anak na kailangan bubuhayin,wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang huminto sa pag-aaral at bumalik ng pilipinas upang dito maghanap ng trabaho. Nagkataon naman na ang mga anak ng tita niya ay wala na ito sa bahay niya.May kanya kanya na itong tinitirhan at umalis sa puder ng tita niya,may nag aaral at may nagtatrabaho na din sa mga anak nito. Kaya naman mag isa nalang ito sa kaniyang bahay. Nang marinig ng tita niya na uuwi na si Marie,agad niya itong inalok na sa bahay na niya tumira upang matulungan din siya sa pag-alaga sa mga bata. Ang lahat ay parang plinano ng matagal,pagod na rin si Marie sa paninirahan abroad.At gustong gusto na niya makikita ang mga kaanak,tsaka ang dalawa naman niyang anak ay malalaki na. Kaya napagdesisyonan na niyang umuwi ng pilipinas. "Ang gandang pares ng kambal at napakaperpekto naman ng lahi ng mga ito." "Wow!!sobrang cute naman,napaka cute talaga nila,parang gustong gusto ko silang mayakap." "Mga anak ba sila ng Artista?" "Bakit ang gagandang bata nila." "Para talaga silang manika" bulong bulong ng mga taong nakapaligid sa kambal. Naririnig ni Marie ang mga pinagsasabi sabi ng mga taong nakapaligid sa mga anak niya,kaya di rin niya mapigilan titigan ang dalawang anak? Talaga naman ang lahi ng mga anak niya ay di na nakakagulat sa gagandang anyo ng mga ito. Ang dalawa ay ipinanganak niya ng pareho ang kondisyon ngunit magkaiba nga lang ng genders. Ang anak niyang lalaki ay napaka gawapo at ang anak naman niyang babae ay sobrang lambing nito at napaka cute. Gayun paman iisa lang ang pareho sa kanila ang gagandang bata,walang kahit anong diperensya na makikita sa mukha ng mga ito. Sa labas nga ng kalsada noon nang nasa abroad pa sila ay,palaging maraming tao ang lumalapit sa kanila upang makikipag usap. At minsan naman meron ding iba na iniimbetahan sila na sumali sa mga advertisements.Ngunit ayaw ni Marie ng ganun na gamitin niya ang mga anak para kumita ng pera. Ayaw niyang ipahalubilo at eexpose ang anak sa karamihan..gusto niyang lumaki ang mga anak sa gusto nila. Napahawak si Marie ng mukha niya at palagi niyang iniisip na at naramdaman niya na ang dalawa niyang anak ay di nagmana sa lahi niya kong bakit dipa ba sapat . Kahit ganun anong hindi man lang namana ng mga anak niya ang magandang lahi niya at ang lahat na namana ng mga ito ay sa Ama nila. Umusbong na naman ang galit ni Marie ng maisip ang Ama ng mga anak. Ang lalaking iyon na nagbigay sa kanya ng bangungot sa buong buhay niya! nagising si Marie sa malalim na pag iisip ng tawagin siya ng anak. "Mommy,ano pong iniisip niyo na naman?" "Papara po ba tayong masasakyan natin?" Tinulak siya ng maliliit na kamay ng anak niya na lalaki,kalmado lang ito nagsalita ito ng boses na maaya sa kanyang tainga. Nagising agad siya sa malalim na iniiisip niya,nagsquat siya sa harap nito upang magpantay sila ng anak at inayos niya ang kwelyohan ng damit nito. Hinagod hagod naman niya ang ulo ng anak na babae,at kinausap ang mga ito. "Naalala niyo ba ang tinuro ko sa inyo,na gagawin niyo pagdating natin sa bahay ng lola ninyo' dapat alalahanin niyong magmano at bumati pagdating natin"Okay ba yun."malambing na salita niya at paalala sa mga ito. "Wag po kayong mag alala mommy,babatiin po namin siya ng napakalambing at magmamano po kami"sabay namang sagot ng dalawa. Tumawa naman si Frank ng parang little devil at nagpaliwanag na malikot. Pumara ng taksi si Marie at una niyang pinapasok si Emma at sumunod siya,huli naman si Frank napagitnaan siya ng mga ito. Umalis na ang sasakyan sa Airport at papuntang siyudad, sobrang matraffic kaya mabagal ang usad ng taksi na sinasakyan nila. Sa biyahe upang di siya mabagot tumingin tingin si Marie sa labas ng bintana at may bigla siyang nakitang pamilyar na larawan sa billboard sa gilid ng highway. Si Ana ito ang evil stepsister niya. Sa lumipas na limang taon ay wala na siyang balita sa kong ano nang nangyari kay Ana. Nagtaka naman siya sa nakita niyang naabot ni Ana. Bakit ganun' sa pagkakaalam ni Marie si Ana ay galing lang sa isang di kilalang Female student sa isang Art school at ngayon bigla nalang itong sumikat. Kabilang sa mga salita na pwedeng inilarawan kay Ana ng maraming tao ay malinis itong babae! Malinis? Napaubo at natatawa si Marie sa ilalim ng kanyang puso. Sa pagkakaalam ni Marie kay Ana,ay walang tigil itong papalit palit ng kasintahan nung highschool ito. Pakatapos makapasok sa Arts school ay nagkaroon agad ito ng mayaman na kasintahan at ginagastusan ito at pinapasaya naman niya ito habang nag aaral. Pero ngayon nagbago na ang lahat naging malinis ang tingin ng mga kalalakihan dito. Ang mundo nga naman ay di naging patas kay Marie. Binaba niya ang ulo niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng mga anak. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan ang hindi magagandang nangyari sa kanya. Ang tanging layunin nalang niya ngayun ay mapalaki ng mabuti at maayos ang dalawang anak na nasa tabi niya. Wala na siyang ibang gusto at mahihiling pa,dahil ang mga anak niya ang siyang nagbibigay ng saya at kulay sa buhay niya. Alam niyang pagod ang mga anak at nakasandal ang mga ito sa dalawang braso niya,papikit pikit na ang mga mata ng mga ito. Si emma ay di ganun kalakas ang fighting spirit at di na nalabanan ang antok at nakatulog agad ito. Si Frank naman ay parang matandang lalaki, kahit inaantok na ito ay nilalabanan ang sarili para di makatulog. Sinulyap sulyapan niya ang ina na,hawak hawak ang kapatid niya na natutulog sa braso nito.Kaya pinilit niya na dapat gising siya para di gaanong mahirapan ang ina. naisipan niyang tumingin tingin nalang siya sa labas ng bintana,at may nakita siyang kakaaya tingnan,at tinuro ito sa Ina. "Mommy,napakataas ng building na yun ohh!" Itinuro ni Frank ang mataas na gusali sa labas ng bintana na,parang isang malaking haligi kong tingnan.Dahil sa sobrang taas nito na halos abot na ang alapa ap at naghuhumindig ito sa ganda tingnan. Tiningnan naman ni Marie ang tinuro ng anak at sinundan ang direksyon ng daliri nito na nakaturo sa labas. "Totoo nga naman,talaga ang sinabi ng anak dahil napagitnaan ito ng mataas din na gusali,ngunit mas mataas ito talaga. Napakatayog ang taas nito hanggang halos abot na nito ang alapaap at napakahusay naman talaga ng gumawa nito. Ang hindi kapani paniwalang tingnan dito ang hindi mabilang na koridor dito sa mataas na building na ito. Kung saan ang mga representative lang dito ay mga maimpluwensya at mga makapangyarihang tao. "Yeah,malaki nga at sobrang taas nito at kamangha mangha"pinakinggan naman niya ang sinabi ng anak at sinagot niya ito ng nakangiti. "Pangarap ko po makapunta at makapasok para tumingin dito."inosenteng usal nang anak na pangarap. Napatawa naman si Marie sa turan ng anak at hinimas himas ang ulo nito,bago niya sinagot ang anak sa pangarap nito. "Hindi ganun kadali yun anak,hindi basta basta makapasok diyan." "Diyan kasi nagtatrabaho ang mga tao at hindi sila tumatanggap basta basta ng bibisita doon." "Mga mamayaman lang din ang pwede makapasok diyan?" Napanguso naman ni Frank ang maliit at magandang labi nito. Nang marinig ang paliwanag sa kanya ng ina,naka ramdam siya ng pagkadismaya. Itong Iconic Building na ito nang pilipinas ay tinatawag na Grand Hya'tt Manila ang pinakamataas na building sa buong Pilipinas. Nagsisimbolo ito na ang may ari dito ang pinaka mataas at syempre nagpapakita din ito kung gaano ka yaman ang may ari nito. Sa pagkakataong ito,sa unang palapag ng Grand Hya'tt Manila Building ay may isang Silver BMW 1 Series M. Coupe....na Limited Edition na Sports Car ang pumarada sa bulwagan ng gusali. Isang napakaganda at napaka metikolosang babae na nakasuot ng fish tailed skirt. Ang lumabas sa mamahaling sasakyan,ang mahaba at medyo kulot na may pagka kulay red wine na pulang buhok nito. At mas lalo itong nagpapatingkad sa ganda niya. Naglakad ito papasok pero walang kahit anong ingay na bakas ang seven inches nitong takong na suot at naglakad s carpet. Naglakad si Ana papuntang Elevator at pinindot ito upang bumukas,saglit lang ay bumukas ito at pumasok siya sa loob. Nakangiti ito pero halatang peke at ginamitan pa ng kaakit akit ang estilo ng ngiti nito. Pinindot niya ang Sixty six floor kong sa elevator at nag iisip na siya na kahit anong paraan ,kailangan niyang makita ngayung gabi si Joshua,at para maimbetahan ito sa Birthday party niya bukas. Nang malapit na siyang lalabas ng elevator ay itinaas ni Ana ang buhok at sinadyang ipunin ito sa kanang dibdib upang maipakita at mailantad ang kanyang maputi at magandang leeg. Sa tinagal tagal na niya sa Entertainment Industry,ay alam na niya ang tipo ng mga lalaki at gusto ng mga ito. Bubungad sayo paglabas ng elevetor ang makapal at mabigat na pinto ng President Office ng Grand Hya'tt Building.. Pagbukas ng Elevator ay lumabas agad siya at naglakad papuntang pintuan,itinulak naman ito at binuksan ng Assistant at naglakad siya ng kaaya aya. Sa malawak at napaka espasyo na ito ay napakaliwanag ang opisinang ito. May itim na mesa na sa gitna ng malaking kwatong iyon,kong kukunsumahin hindi na ito kwarto kundi kagaya ng unang bulwagan ng malaking mansiyon. May sarili itong kwarto at malaking banyo may malaking Sala kong saan nakaganda at napaka eligante ng mga sofa,may isang estante ng mga imported wine at dalawang malaking estante ng mga mamahaling libro. May mamahaling chandelier sa gitna ng bulwagan na iyo. Ang kulay nang Opisinang iyon ang Black,White at Grey. Ang malamig at matigas na anyo ng perpektong opisina na iyon ay bumagay sa Ugali ng may ari. Nang pagpasok ni Ana ay todo ngiti at kaakit akit na niyang mata ay nakatitig lang sa lalaking marangal at tamad na tao na nakaupo dito. Nakaupo ito sa malaking upuan sa likod ng malaking mesa,ang upuan nito ay kagaya ng upuan ng mga Hari. Ang lalaki ay nakasuot ng orthodox black suite at itim na t-shirt na panloob. Ang Ugali nito ay Hari na Hari at napaka misteryoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD