'Ano ba naman ito,kakabalik ko lang naman ahh,,sino ba na offend ko...'diko alam anong gagawin kaya naman sinagot ko nalang ang tanong ni ninang."Wala po ,kakabalik ko lang po ng bansa nung nakaraang araw,kaya papaano po ako makaoffend ng kahit sino?sobrang gulo na ng utak ko,nagsimula na akong magblangko.
Sumagot naman ang nasa kabilang linya,'Talaga?baka meron,alalahanin mo ulit,wala kapa bang kinikita na iba?malakas ang pkiramdam ni cecel na isa lang itong aksidente,at sigurado siyang may rason sa likod ng nangyayaring itong lahat.
Napahawak ng ulo si Marie at binalikan ang lahat ng nangyayari simula nang dumating siya.Tapos,napalaki ang mga magandang mata niya.
Hindi pwede,,"Ninang,ano po ba ang pagmumukha ng CEO?May nakagat po akong tao,pero diko alam kong siya ba ang CEO ng kompanya."Kong may na offend man akong ibang tao walang iba kundi si Ana lang ang lalaking nagpoprotekta kay Ana nung nasa Sanchez Family kahapon.'Nang magtulak tulak si Marie ng kanyang cart,napahinto siya sa may mga magazine stall,bumungad sa kanya ang litrato na nasa magazine.'Papaanong siya,siya ba talaga yun,sobrang malas ko naman ata ngayon at mas gustuhin kong mamatay sa setwasyon ko na ito pero papano na ang mga anak ko..'
Sobrang saya niya sa trabahong ito,may mataas na sahod at sa trabahong ito ay sobrang malaya siya,kong hindi siya naengganyo sa kondisyon,ayaw talaga sana ni Marie bumalik ng Pinas ng ganun ganun nalang kabilis na hindi napag isipan ng maigi.At sa oras na ito ay gusto na talaga niya umiyak,dahil kay Ana,nawalan siya ng napakagandang trabaho at nakapaka magandang oportunidad.Nakalimutan na ni Marie na may kausap siya sa telepono,nagising siya sa pagkalunod sa kanyang iniisip.
"Marie...."tawag sa kanya ng kausap niya sa kabilang linya.
"Ninang,papunta na ako sa ilalim ng kumunoy,siguro nga may nakabangga ako at iyon ang ang CEO ng kumpanya."sobrang nagkamali talaga siya iyon ang nararamdaman niya,at sobrang pagsisisi niya talaga kong bakit ganon ang nangyari.
Napabuntong hininga si Cecel ang marinig ang sinabi ng inaanak niya,"Papaano ito nangyarai?Sobra pa naman ang pagsisikap ko para makuha mo ang magandang oportunidad na gaya nito."
"Kasalanan ko po ninang,sinira kopo ang magandang oportunidad na ito."ramdam ni marie na para siyang tinamaan ng kidlat,at talaga namang tinamaan siya dahil sa nangyari ngayon sa buhay niya.Hindi ganoon kadali maghanap ng sobrang gandang trabaho ngayon sa panahong ito.
Umuwi si Marie na bagsak ang ang balikat at sobrang nalungkot siya mabuti nalang at ang tiyahin niya ay wala sa bahay.Kaya naman mag isa siya sa kwarto at doon siya umiyak ng umiyak,sa isang punto akala niya ang solid na siya,pero nakaranas parin siya pagbalik niya ng pinas ng hindi patas na pagtrato,nakakaramdam parin siya ng lungkot at hindi niya magawang sumaya.
Tulad sa gusto niya kanina na umiyak siya at ilabas lahat ng hinaing at sama ng loob na nasa kanyang puso,nang biglang bumukas ang pintuan,Ang dalawang cute na kambal ay tumakbo agad ng makita siya,ang tiyahin niya na nauna sa dalawa kanina ay napag iwanan na ng dalawa.
Nang marinig na ang tawanan ng dalawa na nagpapatentero kong sino sa kanila dalawa ang mauna na makarating sa kinaroroonan niya.Ang katawan ni Marie ay nanigas sa kaba na baka makita siya ng mga anak na umiiyak siya,kaya naman dali dali siya humanap ng tissue para punasan ang mga luha,sobrang balesa na niya.Ngunit kahit sa kakamadali niya ay naikalat na niya ang mga drawing 's niya ngunit di parin siya nakahanap ng tissue.
"Mommy,umiiyak ka po ba?tanong ni Frank na nauna kay Emma,dahil sa pagkataranta ni Marie ay tumalikod nalang siya,Ang maaliwalas na itim na kulay na mata nang tiyahin na nakatayo sa may pintuan ay pinagmasdan siya at titig na titig sa kanya.
Si Frank naman ay nagpopoot na sa galit ng makita ang ina na umiiyak,kaya naman kong makatanong siya sa ina ay daig pa niya ang padre di pamilya,"Sinong nang bully sayo?Masamang lalaki ba yan?papalapit siya sa ina ng magtanong siya dito.Ang mga mata niya ay nag alala sa mommy niya.
Si Marie na nakatalikod parin ay ginamit ang likuran ng mga palad niya para punasan ang mga luha niya sa pisngi at sa mga mata,at tapos pinilit niya ngumita bago humarap sa mga anak na nasa likuran na niya at sinagot ang tanong ni Frank upang hindi na ito mag alala,"Walang kong sinong nangbully sa akin,nanonood kasi ako ng tv ngayon lang....at nang makita ko ang buhay ng babaeng bida sa teledrama na sobrang mesirable ang buhay niya,hindi ko maiwasan at mapigilan na umiyak para sa kanya."
'Si frank naman ay sumimangot sa sagot ng ina,"Mommy wag kang magsiningaling sa akin,iniisip niyo po ba parin na 3years old parin ako kami ni Emma.?Tama nga si kuya Mommy,Five years old napo kami,alam napo namin kong ano ang nangyayari sa paligid namin."dugtong Emma sa sinabi ng kambal niyang si Frank napakulot ang pahaba ang nguso ni Emma ng matapos magsalita sa maliit na boses pero matigas ito.
Si sue naman na nakatayo sa may pintuan at tiningnan ang matang pulang pula at namamaga na mata ni Marie ay sumakit ang puso niya ng makita ito.Subalit dahil nasa harapan sila ng dalawang bata kaya maman pinigilan niya ang sarili na wag magtanong kay Marie sa setwasyon nito ngayon.kaya ang tanging magagawa lang niya ngayon ay pagaanin ang loob nito kaya nagsalita siya ng nasa malambot na tono ."May nangyayari bang di maganda Marie?"
Continue;antay lang,?