Noong nasa abroad palang si Marie,ang tiyahin niya ang kinontak niya dito sa pinas upang mahanapan ng magandang paaralan ang kambal sa kindergarten.Mabuti nalang at ang kapitbahay ng tiyahin niya ay may alam na malapit lang na paaralan,nang dahil doon,dadalhin nalang ni Marie ang mga anak upang opisyal na maenroll ang mga ito.
Ang tuition fee sa paaralan na ito ay may kamahalan dahil isa itong private school,pagkatapos ni Marie bayaran ang mga bayarin ng dalawang bata.Ang naipon niyang pera noong nasa abroad pa siya ay kunti nalang may 100,000 nalang ang natira sa ipon niya.
Kaya naman todo tipid siya sa paggastos ng pera at para makapag-ipon lalo na't di ganun basta basta maging single mom kambal pa ang anak niya.
Ang dalawang bata ay may mga natutunan na sa ibang bansa palang sila,kasi galing ito sila dati sa child care center ng isang taon at dalawang taon sa Pre school.Kaya sa pagkakataong ito ay mabilis lang sila bilang visitor nalang sa kindergarten at pwede na sila grumaduate para maging Grade 1.
Likas na,sila ay hindi na ganoon katakot makihalubilo sa ibang tao.Sila ay mabait at mabuti sa kanikanilang kinikilos kaya naman agad nila nakukuha ang pagmamahal ng mga guro.
Ang mga guro ay sobrang nagagalak,hindi pa sila nakakakita ng sobrang gagandang lahi na mga bata dati.Kaya naman palagi nilang kinukulit at tinatanong si Marie kung ang mga anak ba niya ay may halong lahi.
Pagkatapos magtatanong ang mga guro kay Marie tungkol sa mga bata at sa sa gusto lang maki chismis sa buhay nila mag ina.Hindi naman niya sinagot ang mga tungkol sa private life nila mag ina,bumaba siya sa pagkatayo niya para magpantay sila ng mga anak at hinihimas ang mga ulo ng anak bago siya nagsalita.
"Frank,alagaan mo ng mabuti ang kapatid mo,sa hapon ang lola niyo ang susundo sa inyo pagkatapos ng school.May lakad si mommy at maghahanap ng trabaho at tandaan dapat husayan mo tsaka dapat masunurin ka,naiintindihan mo ako?"mabuti nalang kahit galing ibang bansa ang mga bata ay marunong ito magtagalog di naman kasi ni marie nakalimutan na turuan ang mga anak.
Sumagot naman si Frank sa ina."Opo mommy,wag po kayong mag alala,aalagaan ko po ang kapatid ko at di kopo hahayaang may mangbubully sa kanya.Pwede na po kayong maghanap ng trabaho na wala na po kayong alalahanin."may responsableng ekspresyon naman ito kahit may pagkaeslang ito magsalita.
Si Emma naman ay namula na ang mata at ang maliit na matangos na ilong nito ay suminghot singhot ng dalawang beses tsaka nagsalita naman ito."Mommy,pwede bang ikaw nalang ang magsundo sa unang araw ng school namin ngayon?"ang makamommy na si emma ay nakiusap pa sa ina.
"Emma,maghahanap ng trabaho si Mommy ngayong araw.Si lola niyo nalang muna ang magsundo sa inyo ngayon baka hindi si mommy agad makahanap ng trabaho okay!"matiyaga namang nagpaliwanag si Marie sa anak niya na umiiyak na ito.
Hinawakan ni Frank ang kamay ng kapatid na si Emma at hinila papunta sa kanilang school room at pinapaliwanag ng maayos sa kapatid."Tara,tara na dadalhin kita sa taas para maglaro,andito naman si kuya eh di kita pababayaan,kailangan ni mommy maghanap ng trabaho.Sige ka pag wala nang money si Mommy,hindi na tayo mabilhan ng food magugutom tayo gusto mo yun."
Dahil sa paliwanag ng kuya niya ay di na nagprotesta si Emma syempre ayaw niya magutom sila at sa proteksyon ng kuya niya ay nakaramdam si Emma ng kaunting kapatanagan.Lumingon siya ulit at kumaway pa sa mommy niya.
Si Marie naman ay napanatag na din siya at di na siya nag alala sa mga anak.Dahil mabait naman ang mga ito at madali lang itong makasundo ng kahit sino?Naniniwala siyang kalahating araw lang,ay magkakaroon na ang mga ito ng kaibigan at maging masaya ang mga ito makipaglaro.'
Sa ngayon,kailangan niya magmadali at magrereport siya sa aaplayang trabaho.May naapalyan na siya noon nagpasa na siya ng resume niya online at kailangan niya magreport ngayong araw.
Dahil sa ayaw na niyang makisiksikan sa mga ibang pasahero sa jeep at bus,ay nagtaksi nalang siya,kinakabahan at naging balesa siya sa kakamadali niya nang makarating na sila sa bulwagan ng kompanya.
Ang pangalan nang kompanyang inaplayan niya ay ONE THINK COMPANY,eleganting pakinggan at ang reputasyon ng kompanya ay napakaganda.
Kahit sino man ang makapasok sa Design Company na ito na nagdadala ng mga magagaling at nangungunang desinyo sa buong bansa.Pwedeng pwede si Marie ng kahit anong posisyon man ang gusto niya,hindi lang sa unique ang desinyo niya,kundi may kapit din siya o kilala sa loob.
Ang pinakamatalik na kaibigan ng mommy niya ay nagtatrabaho sa kumpanyang ito bilang Chief designer ng Design Company Department.Kinikilala ito ni marie bilang ninang niya noong bata palang siya.Ang ninang niya ay totoo talagang mabait sa kanya at ito ang nakaempluwensya sa kanya na maging designer at para mapabilang sa mga sikat na mga disigner ng bansa.
Nasa bulwagan na si Marie kanina pa,nakasuot ng black business suite at ang konting lipstick,kilay,lang ang inayos ay elegante na para sa kanya tingnan.Lalo na sa makinis ang balat sa edad niya ay dimo akalain na nasa 26 na siya,kung tingnan kasi siya parang kakadalaga lang niya.
Kahit 5/6 lang ang height niya at may magandang hubog ng katawan,ang hanggang bewang na mahabang buhok ay nagpapakita at nagpapahiwatig sa kagandahan niyang dala.
"Ikaw po ba si Ms. Marie?tanong sa akin nang babae habang nag aantay ako na tatawagin.
Hinarap ko naman siya at tumango sa kanya habang nakangiti."Opo."
"Ako po ang assistant ni Maam Cecel,sumama po kayo sa akin para magawan kita ng admission procedure."sabi sa akin ng ordinaryong tingnang assistant ng ninang ko.
'Nagulat ako ng makita ko ang panglabas na anyo ni Ms. Marie,hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda ang aplikante na pinapa assist sa akin ni Maam Cecel.Ang akala ko kanina ay may edad ang babae an e aassist ko.'
"Hmmm...ganun ba pasensya kana naistorbo kapa ata kita!"ang akala ko ay ang personal department ang mag aassist sa akin diko inaasahan na may ibang itinalaga ang ninang ko.Sumunod naman ako ng maayos sa assistant at pumasok kami sa personal department office nag pormal naman.
Sa una nagplano ako ng pupuntahan ko si ninang at bumati mona sa kanya,pero di niya inaasahan,umalis ang ninang niya kasi may gagawin daw siya.
Kaya naman nag matapos kami ay plinano kong uuwi nalang muna ako at bukas na ako magsimula magtrabaho,para bukas ang opisyal na umpisa ng trabaho ko.
Itinabi ko nalang muna ang mga gamit ko at gusto kong magpunta ng supermarket,kailangan kong mamili ng groceries namin ng ilang araw at mga ilang damit ng mga bata lalo na iba ang klema sa pinas.
Nag abang ng elevator si Marie at di niya napansin ang kabilang elevator na bumukas.
Hindi niya napansin ang isang kumpol na mga lalaki na nakatayo sa kabilang elevator ng pangprivate.
Joshua Pov:
Ang lalaking nauna sa mga nagkumpulan na mga lalaki,ay nakasuot ng orthodox black suite,na bumagay sa tangkad at matingkad niyang pangagatawan.
May pagkagwapong mukha na para bang inilikha ng magaling na tiga ukit sa kahoy at may pares ito ng mata na tapat kong tingnan mo na walang halong emosyon.Napakalamig at sobrang kakaiba kaya naman hindi ka pwedeng basta magkamali sa harapan niya.
Ang kamay niya ay nakalagay sa ng slacks niya may napakatapang na pag uuugali at nakakatakot na awra.At ang husay na ginawa na kong tingnan ito ay pinakamaginoo sa likod ng mga mapurol kong tingnan na mga bodyguard.
Dahil sa nababagot akong nag aantay sa elevator ay naisipan kong magtingin tingin muna sa palagid pero may nakita akong....
Pamilyar na mukha sa may distansiyang elevator.
'Napaangat ang kilay ko ng makita ko ang babae at nanlaki talaga ang mata ko,may malalim akong memorya sa matigas ang ulo pero may magandang mukha na babaeng may kasalanan sa akin.
Ang peklat sa kagat ng ngipin sa likod ng kamay ko ay hindi pa nawala talaga hanggang ngayon at may masakit pa akong naramdaman sa parte ng kagat na iyon'.
"Bakit kaya nandito itong babaeng ito at dito ko pa talaga siya makikita."Siguro isa siya sa mga staff dito?"Lagot ka sakin ngayon babae ka."
May kislap sa mata ni joshua at may ibinulong sa assistanat niyang si Larry."Pumunta ka nga sa personnel department at tingnan mo yung babaeng iyon na kakapasok lang ng elevator ngayon lang,kung empleyado ba siya dito."
'Mabuti nalang ay mapagmatyag ako kaya naman nakita ko kaagad ang babaeng sinabi ng young master.Sa ganda din naman kasi ng babaeng iyon ay sigurado naman ng mapapansin agad siya ni kahit sino.'
"Mabilis naman na ginawa ni Larry ang iniutos sa kanya at pumunta agad para icheck.
At sa pagkakataong ito ,ang mga nakakataas sa kompanya ay nakaramdam ahad ng presyon na para ba silang haharap ng nakakabangis na leon.
Ang grupo ng mga bawat headquarters ay kakatanggap ng nila ng abiso ten minutes ako,na ang CEO na si Joshua Wilson ay darating upang mag inspection sa trabaho.
Ibig sabihin sa sampung minuto,ay may may maging malaking kaguluhan sa kompanya,sa loob ng company meeting room ay nakaupo si Joshua.Katatapos lang niya mag inspeksyon sa boung kompanya,kaya naman nagpahinga na siya at umiinom ng kape.
"Napaka stress ng araw na ito ang daming mga pasaway na mga empleyado,di marunong maglinis ng maayos sa kanikanilang pwesto.Pagkatapos kong maglibot ay andito muna ako sa meeting room upang antayin si Larry."
'Di naman ako natagalan sa pinagawa sa akin ni young master at dinala ko kaagad sa kanya ang mga nakalap kong impormasyon.Pagtulak kopa lang ng pinto ay napansin ko kaagad na di maganda ang resulta ng pag ikot ng young master,dahil may di magandang awra ito.'
'Young master ang impormasyon po na nakalap ko ay,yung babae pong iyon ay bagong nag aaply bilang designer ng kompanya.Ang pangalan po niya ay Marie.'
"Tama ako siya yung babaeng baliw na nangangagat sa akin,para ba itong tuta nung nakaraang gabi."
Dalhin mo sa akin ang impormasyon niya,gusto ko itong makita."Lumamig ang boses ni Joshua.
Kabisado na ni Larry ang pabago bagong stelo ng ugali ni Joshua,kaya naman inihanda na niya ang impormasyon.Agad niya itong iniabot kay joshua sabay ng pagyuko bilang paggalang.
Nang iabot ni Larry sa akin ang impormasyon ni Marie ay sobrang nagalit ako sa babae na ito.
Sobrang lamig ng mata ni joshua na parang tubig na may yelo,hindi nito inayos sa pagbuklat buklat ng papel at mata maya ay itinapin ito sa gilid.
"Ipaalam mo sa personnel department na itong babaeng ito ay dina pwedeng tanggapin sa kompanya."
Hindi kona sinibukang tanungin si young master kong bakit,dahil alam niya na kapag ganun ay may dahilan ang young master.Alam kong may nagawang ang babae,at iyon ay tama lang sa kong sino man ang babangga sa kanya young master.
Marie'Pov:
Nasa loob na ako ng supermarket tulak tulak ang cart ko,kailangan kong mamimili ng damit ng anak ko,napasimangot ako kong ano ang pipiliin ko ang daming magaganda.At napapaisip ako kong ano na ang hieght ni Frank..si Emma naman kailangan pink ang mga kulay ng damit niya.
Ang season ngayon ay papalit palit at ang mga bata ay mabilis lang lumaki ng ilang buwan ang mga damit nila ay maiksi na agad sa kanila,kaya kailangan ko na talaga bilhan ng mga bagong damit at mga sets ng pantulog nila.
Kailangan kong kumilos ng mabilis para makauwi agad ako,nakapili ako ng ilang pares at nag papunta na ako sa mga fresh foods area!.
Nang biglang tumunog ang celpon ko,mabilis ko itong dinukot sa ng bag at ang akala ko si Ninang ang tumawag o kaya si tiyang Sue.Ngunit diko inaasahan na galing ito sa personnal department ng One Think Company.
"Miss,Marie?tumawag po ako para ipaalam sayo na,ang kwalipikasyon mo na inaplayan na posisyon ay dika pwedeng tanggapin."balita sa akin nang nasa kabilang linya.
"Ano?"pero kagagaling ko lang diyan ngayon at ang sabi ng manager...
"Pasensya napo at ito po ang desisyon ng Superior..tooott iyon nalang ang narinig ko na pinatay agad ng kausap ko sa kabilang linya.
Napatitig nalang ako sa telepono sa gulat ko di agad ako nakarecover.
'Ano bang nangyayari bakit ngayon pa kong kelan gustong gusto ko na magtrabaho bukas.nabalesa ako maya maya ay tumawag si Ninang sinagot ko kaagad.
Hello..
'kakatanggap ko ng tawag ay tinawagan ko kaagad si Marie at sumagot naman agad.
"Marie,kakatanggap ko lang ng tawag sa personnel at ang sinabing interview mo ay kinansela?Alam mona ba?"
"Opo ninang,alam niyo po ba kong bakit nakansela?May napag usapan napo tayo diba."
"Magtanong ako tatawagan kita ulit?"
Sampung minuto ang lumipas ay tumawag utlit ang Ninang..
"Ninang natanong mo po ba ng malinaw,Saan ako nagkamali?balesa na akong nagtanong kay ninang.
Ang kabilang linya ay natahimik saglit bago sumagot.
"Narinig ko sa head corporate quarters ang nag desisyon na hindi ka tanggapin.Sabihin mo nga sa akin ang totoo may na offend ka bang tao sa opisina...?"